Chapter 19: Secure
HINDI ko naman inaakala na kapag may work na rin pala si Miko ay mas magiging busy pala siya. Hindi na nga kami nakapag-date pa tapos sa umaga ay minsan hindi ko na siya naaabutan pa pero naaalimpungatan ko pa rin naman ang pagpasok niya sa loob ng aking kuwarto.
Hinahalikan niya ang noo ko at nagpapaalam naman siya na aalis na raw. Minsan na lang siya kung matulog sa tabi ko dahil nag-iingat na kami kasi nandito na ang kuya ko at isama mo pa si Ate Zedian. Secret relationship lang ang mayroon sa amin ni Miko. Sasabihin naman namin ito kay Kuya pero hindi pa ngayon.
Straight one month na ganoon lang ang routine namin. Sa dinner na lamang kaming nagkasasabay na kumain. Nagtatampo na rin ako kung minsan at ilang araw na rin ako na wala sa sarili habang on-air ako sa studio.
Naka-m-miss din pala ang pagiging makulit niya at clingy dahil hahanap-hanapin ko pala ang mga bagay na ’yon.
Sumama na lamang din ako kay Ate Zed sa flower shop niya at nagbantay rin ako roon. Nagpapatugtog pa ako ng kanta sa phone ko nang may kumatok sa counter. Tumayo ako at hinarap ang customer pero naramdaman ko ang pamilyar niyang presensiya. I know ang nobyo ko iyon, nanuot na kaya sa ilong ko ang perfume and natural scent niya.
“Miko?” I uttered his name.
“Wow. Ang galing ng baby ko, ah. Alam na niya kung sino ang lalaking nasa harapan niya.” Napaatras ako ng halikan niya ako sa labi ko kahit may counter pa sa pagitan naming dalawa.
“Nasa flower shop tayo, Miko,” paalala ko in case na nakalimutan niya.
“Papasukin mo ako, Jean. May dala akong lunch natin.” Binuksan ko iyong pintuan na hanggang baywang lang naman ang taas no’n.
“Ay si Ate Zedian? Nilibre mo ba?”
“Bahala ang asawa niya, Miss.”
“Miko. Ang bad mo,” ani ko.
“Nasa labas na sila. Isarado na muna raw ang shop niya. So, solo ko ang magandang girlfriend ko ngayon.” Nabigla pa ako nang mahigpit niya akong niyakap. Inamoy-amoy pa niya ang buhok ko. “I missed you, baby. Sorry kung masyado akong naging abala, ha?”
Niyakap ko lamang siya sa pabalik. “Naiintindihan ko naman ’yon. Bakit dito ka pa nagpunta? Ay, teka hindi ka ba busy sa work mo ngayon?”
“Humingi ako ng day-off. Ngayon ang unang sahod ko. Deserve ko ang maraming kiss.”
“Miko, ano ba?!” natatawang reklamo ko dahil sa pagpapaulan niya sa akin ng halik sa buong mukha ko at kapag sa labi ko ay tatlong beses niyang uulitin ’yon.
“Kahit nasa isang bubong lang tayo ay palagi pa rin kitang nami-miss. Bakit kaya? Sigurado talaga ako na ginayuma mo ako.”
“Aba, ewan ko,” sabi ko kahit pareho lang naman iyong nararamdaman namin na pagka-miss sa isa’t isa. Hindi ko na lamang sinabi pa sa kanya kasi lumalaki ang ulo ng isang tao at iyon ang mangyayari sa kanya.
Inaya ko si Miko na pumasok muna sa silid, may kuwarto kasi sa flower shop ni Ate Zedian. Minsan ay natutulog siya rito noong hindi pa sila mag-asawa ng aking kuya.
Muntik pa akong madapa dahil may nabangga pa akong isang bagay. “Be careful, baby.” I just nodded.
Umupo na rin kami pareho at narinig ko na ang kalampag ng mga plato at baso. Kumuha rin naman siya sa kabinet.
“Hindi ba nagtaka sa ’yo si kuya na sasamahan mo akong kumain ng lunch?”
“Hindi naman. Alam niyang hindi ako puwedeng magtagal sa labas, ’di ba?”
![](https://img.wattpad.com/cover/358439708-288-k37961.jpg)
BINABASA MO ANG
The Blind Lost Her Traces (Brilliantes Series #5) (COMPLETED)
RomanceDonna Jean V. Lodivero, a lovely woman deprived of the ability to see beautiful scenery in the world. A young lady who has her unlucky fate. However, she remained positive about everything and knew she would be given a chance to see again. In her da...