CHAPTER 3: ESCAPE

109 8 0
                                    

ALFLORA POV

(PRESENT)

Nagising na muli ako ng nasa kuweba na ulit kami, 16 nako yeheyy, 3 yrs of suffering ang naranasan ko sa mga kamay ng mga hobo goblin nato, medyo nagkaroon nadin ako ng ibang kaalaman dito sa mundong ito, mas tumuwid narin ako mag tagalog, ewan ko kung bakit eto yung salita nila dito pero meron atang magic yung hangin nila, naka auto translate kasi,  atsaka iba yung writing system nila kaya ayun ang hinala ko.

Nasa mundo ako ng (tarsineya) ang mundo ng mahika, mago ang mga tawag sa mga taong may kakayahang gumamit ng mahika, onti palang ang nalalaman ko kasi basic knowledge lang ang alam ni golok, oo minsan mabait sakin si golok, nakokonsensya ata sa mga ginagawa nila sakin, pero ang dalawa wala paring pinag bago at si burnok malaki parin ang galit sakin.

Nasanay nako sa pinag gagawa nila sakin, ang partepartihin ang katawan ko, maliban lang sa hatiin ang ulo ko, dahil ang sabi nila baka ayun daw ang aking kahinaan, kasi most of the time ang mga may regeneration skill or may mga kakayahan gumaling sa kanila at need putulin ang ulo o baragin ito, katulad nila.

Ang mga hobo goblin ay may kakayahang pagalingin ang kanilang sarili, pero hindi kasing bilis ng akin, aabutin ng mga isang oras para lang mabalik ang bahagi ng kanilang katawan, unlike me na segundo lang, oo naging seconds nalang, nasanay nako sa paulit ulit nayan, na susustain ko na sya, at kung bibilaning mga 20 na putol o 30 ang kaya ko sa isang araw na walang pass out na nangyayari, pag di lang talaga sila nakukuntento kaya ako nag papass out.

May mga nadiskubre nadin ako saakin, kaya kong paggalawin ang buto ko, at palabasin ito sa katawan ko, pero hindi nila alam to, secret lang ito dahil baka dagdagan nanamn nila yung tali sa katawan ko, sa tatlong taon na kalbaryo ko syempre ginawa ko na ding tumakas pero laging failed, kaya sinanay ko nalang ang sarili ko at mag explore,  at yun nadiskubre ko, kaya ko ding baguhin ang direksyon ng aking puso at ng iba ko pang organs maliban lang sa utak, baka nga dun ang kahinaan ko.

At sa ngayon nag babalak akong tumakas ngayong gabi habang tulog ang mga hinayupak, kasalukuyang naka tali ang mga kamay at braso ko, pati narin ang paa at binti, grabe sila eh noh, wala talaga akong takas.

Nag antay lang ako ng ilang saglit bago sila nag si higa sa lapag at natulog, ako naman ay pinalabas ko ang aking mga buto at pinatalim ito, oo kaya ko silang i command like kung matulis ba or blunt.

Naputol ko na ang lahat ng tali at dahang dahang pumunta sa kanilang leader na tulog na tulog naka dapa pa at hawak hawak ang chan.

"Gusto kitang torturin pero wala nakong oras, ngayon mabulok ka sa impyerno." Bulong ko at sinaksak ang kanyan ulo at leeg para hindi sya maka sigaw at maka gawa ng ingay, hindi pako nakontento at sinaksak ulit ang kanyang ulo ng dalawang beses, para maka sigurado ayoko ng mapurnada pato.

Nagtataka siguro kayo kung bakit matibay ang buto ko, syempre tumibay nayan sa panahon na to, ikaw ba naman dumaan sa mahirap na buhay eh.

Labag man sa loob ko kahit papaano na patayin si golok dahil naging mabait sya sakin sa ilang taon naming pag sasama, pero hindi ko parin mapapatawad ang mga ginawa nila sakin.

Nagpalabas ulit ako ng matulis na buto at ang buto ko sa tubod, yung blunt at matibay, dahil may gagawin ako.

"Maraming salamat sayo golok, hindi kita makaka limutan, at sana mabulok kayo sa impyerno." Bulong ko dito at nagising naman sya pero huli na ang lahat, sinaksak ko sya sa ulo at hinampas sya ng paulit ulit, nawili ako sa pag hampas sa kanya ng bigla akong tumilapon dahil may sumila saakin.

"Arghhh!!, bwiset nagising pa ang baboy." Singhal ko dahil kilala ko na kung sino ang sumipa saakin.

"Walang hiya ka!!, mag babayad ka sa ginawa mo, pinatay mo sila golok!!!." Sigaw neto sakin at kumuha ng malaking itak at susugod na sya saakin, inantay ko lang ito na lumapit at itinanaas ang kanang kamay sa leeg nya.

Ng malapit na sya ay duon ko na ipinalabas ang aking buto na matulis, natigil sya sa pag takbo at nabitawan ang palakol na kanyang hawak hawak at humawak nalang sya sa kanyang leeg na may butas at umaagos ang masaganang dugo.

"Masarap ba?, at dahil nag iisa ka nalang ngayon, bakit hindi tayo mag laro ng isang laro na lagi nyong ginagawa saakin." Ani ko sabay kuha ng palakol na malaki kalahati ata ng laki ko, kung hindi ako nag kakamali sigiro 5'5 na ang laki ko ngayon.

"Bakit hindi natin simulan sa paa." Ani ko at pinalakol ang kanyang kanang paa, napa sigaw naman sya pero halos walang boses dahil sa leeg nya.

"Hindi ka maka sigaw? Diba gawain nyo yan, ngayon sabihin mo sakin kung anong pakiramdam ng pinuputulan ng paa." Ani ko sabay putol ulit sa kaliwa nya namang paa.

Hindi pako natapos ng hatiin ko din ang kanang binti at kaliwang binti.

"Opps opss wag ka muna mamamatay ahh, nasa kalahati palang tayo ng show." Ani ko dito at kinuha ang kanyang kamay na naka hawak sa leeg nya, dahil sa ilang taon kong pag pupumiglas at pakikipag sapalaran, lumakas naman ako kahit papaano dahil sa tulong nila.

Ibinalibag ko sya sa lapag ng paulit ulit hang sa maging lanta na syang gulay, hindi pako nakontento at hinatak ang kanyang kanang kamay hanggang sa maputol ito.

"Oppss wag ka muna mamamatay ako ang mag lalast hit sayo, hindi bagay sayo ang kamatayan, ang bagay sainyo torture habang buhay, pero pag babayaran nyo naman iyan sa ibaba, mag kita kita nalang tayos duon." Ani ko sabay itak ng kanyan ulo.

"Whooo, hahahaha naka wala din sa wakas, makaka uwi nadin ako neto, nakalaya nadin ako sa mga hayop nato." Napasabi ko nalang, pero bigla parin akong binagsakan ng lungkot dahil napag tanto ko parin na wala nako sa earth,  nasa ibang mundo nako, hindi ko n. Makaka usap at makikita ang mga magulang ko.

"Huhuhuuhu, mama, papa, miss na miss ko na po kayo." Hagulgol ko nalang sa kawalan, at natigil ako sa kaiiyak ng kumulo ang chan ko, hindi pala nila ako nabigyan ng pagkain shuta, pano nako neto mabubuhay, at napa tingin nalang ako sa bangkay nila.

"Sa video games, anime, manhua at manwha diba pwedenv gawing pagkain to, at yung dugo nila diba kasangkapan din sa potion? Totoo kaya yun? Patin yung ibang parts, ahhh basta no choice nako, eto nalang kakainin ko." Ani ko sabay kuha ng palako at hinati ang leeg ni golok para kumuha ng dugo at mainom.

Ang paa naman ni burnok ay inihaw ko sa apoy para maluto, ayoko kumainnng hilaw nohh.

"Pweee, ang lapot at ang panget ng lasa, shutang yan, wala bang tubig sa cave nato." Bulyaw ko, kasi iba talaga ang lasa nya as in di mo ma explain.

Tinuloy ko nalang ang aking pag kain, ang binti naman ni burnok hindi masarap nakaka suka din pero no choice ang lola mo at kinain parin.

Matapos kong kumain ay natulog muna ako para may lakas ako bukas at ready na ulit makipag sapalaran.

Kinaumagahan ay lumabas nako ng kuweba, naririnig ko na ang mga huni ng ibon, ibang uri nga lang ay mga insektong nag iingay, sign na sisikat na ang araw, yung ibang creatures diba is parang same lang sa earth pero mas mapanganib at iba ang itsura, like sa ibon, apat ang pakpak nila dito at hindi mo pa alam baka may something magical din sa kanila.

Then sa mga land animals nako wag ka ng mabigla mas worst shuta, ewan ko nga kung saan ako kukuha ng pagkain ko neto sa susunod eh.

Nagtataka ba kayo kung anong suot ko parin, wala pinag tagpi tagping dahon na mahaba at dati kong short na malaki at maluwag, now kasya na sya sakain, oo shuta diba nakaka irita nga ehh want ko na talaga mag palit at maligo ng maayos, dito kasi dika makaligo ng maayos, di mo alam kung yung lawa, batis o ilog na pag liliguan mo may naka tira dun kaya mabilisan o minsan walang ligo.

Kinuha ko naman ang palakol na gamit ni burnok bago umalis na sa kuweba, syempre need ko parin yun kahit malaki sya, need ko masanay sa palakol nayun, eto lang at ang mga buto ko lang ang weapon ko dito.

"Adventure here i come!!, alam kong delubyo nanaman ang mararanasan ko pero atleas hindi na impyerno, mama, papa, uuwi din ako, gagawa ako ng paraan para maka balik sa atin, wait nyo lang ako, paparating nako!!."

THE UNKNOWN Where stories live. Discover now