CHAPTER 4: ADVENTURE

122 7 0
                                    

ALFLORA POV

Nag lakad lakad lang ako ng ilang minuto at may nakita akong ilog, shett sana wala namang halimaw dito, ayoko munang mapa laban.

"Bala na si darna at gusto ko ng tanggalin tong mga dugo ko sa katawan." Ani ko at nilapag ang palakol, at hinubad na ang lahat ng aking suot, syempre babanlawan ko parin to noh, ayoko mag mukha akong basura at mangamoy.

Pagka lublob ko palang sa tubig ay naramdaman ko na ang presko at payapang pakiramdam, ninamnam ko muna ito ng ilang saglit at kinuha na ang akin short, oo yun lang, kasi ako naman ang gumagawa ng damit ko yari sa dahon ng kung ano ano.

Tinuruan kasi ako ni mama mag ganchilyo, tahi, at iba pang gawain sa bahay kaya na i apply ko dito, o wag ka alam ko parin yun.

Abala ako sa pag babanlaw ko ng short ko ng may tumusok sa chan ko na mahabang bagay.

"Ugh!! Pucha sabi na eh." Ani ko sabay hatak sa buntot na sumaksak saakin, hindi ko ito pinakawalan kahit na naka kabit parin sakin ang buntot nito, hindi masyadong makita dahil medyo malayo ito at mahaba ang kanyang buntot.

"Ayaw mo mag patalo ahh!." Hinatak ko ng malakasan at nilabas ko ang akin buto sa may kanang kamay ko, ganun kahaban para tagos agad.

Nakipag hilahan pa sya pero hindi parin ako nag patalo hanggang nakalapit na sya, ayt shett yung sting ray sya behh pero yung itsura hindi, apat ang pakpak at walo ang mata, meron ding mahahabang dila.

Hindi na ako nag atubili pa at sinaksak na ang kanyang ulo, baka maunahan pako eh edi nalintikan ako.

"May pang tanghalian nako neto, win win situation din pala ang nangyari, buti mahina kalang kundi dedo ako neto." Ani ko sa patay na halimaw at tinanggal na ang buntot neto sa chan ko.

At nito ko lang napagtanto, hindi ako mabubuhay sa gubat na to na mga buto at palakol na malaki lang ang sandata ko, at ang creepy at ang strange naman kung may makakita sakin na pinapalabas ko yung mga buto ko para gawing sandata, kinuha ko na ang buntot nito at hinati sa pinaka dulo ng pwetan neto.

"Ahh alam ko na, dahil mahigit o kulang kulang 20ft naman ang haba mo bakit hindi kita gawing whip." Ani ko.

"Ang kaso anong handle mo at anong ipang tatali ko?." Napa tanong naman ako sa kawalan, ilang saglit pa at may pumasok na din sa isipan ko.

"Ahh alam ko na." Umupo naman ako at pinalabas ko ang aking buto sa tuhod, pwede syang gawing handle at naka pang tusok naman ang dulo para double purpose.

"Ano namang ipang tatali ko dito?." Nag hanap hanap ako ng may makikitang baging pero wala akong mahanap, at nakita ko ang patay na halimaw, at naka laylay pa ang dila neto.

"Since no choice nako ikaw nalang ang isa kong pag pipilian, ipag darasal nalang kita beh hehe, thankyyuu." Ani ko sa patay at hiniwa na din ang dila neto, umaabot ito ng 3 to 4 ft.

"Dahil kumpleto na kayo, arat ng i assemble." Ani ko at kinuha muna ang buto ko at ang buntot ng halimaw, since parehas sila may patusok o pointed sa dulo pinag salungat ko ito para pwede ko pang magamit kung mahatak man ang ginawa kong whip.

Kinuha ko naman ang dila at tinali na ito ng mabuti, ilang beses ko nirolyo at tinali ng mahigpit para ma sigurado ko na matibay at hindi ito mahuhulog o mapipigtas.

"Yeheyy, may homemade weapon nakoo!!." Pag celebrate ko sa nagawa ko kahit na nag mumukha nakong ignorante.

"Dahil pinagod mokong halimaw ka, ikaw naman ang pag pipyestahan ko." Ani ko sa patay na halimaw ay kinuha na ang apat na pakpak neto, malaki naman ito kaya solb nako dito.

Pagkatapos kong kumain ay nag lakad lakad na ulit ako sa masukal at kung minsan ay malawak na kagubatan, ilang oras nako nag lalakad pero wala parin akong makitang malapit na bayan or kahit bahay man o tao.

Basta lakad lang ako ng lakad, may nakikita akong ibang mga halimaw, pinapatay ko ang iba pero yung iba ay iniiwasan ko, mukhang mas malalakas at baka malintikan ako kapag nakipag laban ako eh.

Sasapit na ang takip silim mga mag 6 na ata, need ko na mag hanap ng makakain at ng masisilungan for today's video, nag lakad lakad lang ako at may nakita akong kuweba, hindi nako nag atubili pa at pumasok na duon.

Medyo malamig pero kakayanin naman, baka girl scout to i know how to make fire na ahh, natuto ako kila golok noh, natuto ako kung paano mamuhay sa harsh na environment ng gubat noh.

Gumawa naman ako ng bonfire at nilapag na ang mga gamit ko, syempre hindi ko nakalimutan mag dala ng mga stick at panggatong ano ako bobo, bigla namang kumulo ang chan ko.

"Shutaness saan kaya ako makaka hanap ng pagkain ngayon." Ani ko sabay kuha ng isang stick at pinaapuyan ko.

"Libutin ko muna kaya itong kuweba na to, baka may ligaw na halimaw na pwede kong kainin." Ani ko, syempre as i say sa tatlong taon ko may mga nakilala at na alala na akong mga halimaw dito na pwedeng kainin at bawal ganun din sa mga prutas at halaman.

"Ahh bahala na si darna, tawag na ng sikmura ang need kong talunin, kesa naman sa wla akong malamon." Sambit ko sa hangin at pinag patuloy na ang pag lakakad.

Ang dala dala ko lang ay ang stick na may apoy at syempre reserba neto, ang whip ko at ang palakol, ayun lang naman talaga mga dala ko eh hahahaa.

Lakad lang ako ng lakad at minsan may daan sa kaliwa duon ako pupunta, at minsan sa kanan, mga kalahating oras din bago ako maka tagpo ng ibang nilalang.

Sa pag liko ko sa bandang kaliwa ay may naaninag akong isang halimaw, mga beshhhh di ko akalain, kamukha sya ng leon, pero hindi sya leon, apat nga ang paa pero tatlo ang ulo at tatlo din ang buntot, kulay itim at pula ang kanyang kulay, mga lima o anim na leon ang laki, shuta kakayanin ko kaya ito, baka ako lang ang makain neto kung hindi ako mag iingat at baka sa ilang saglit lang ay mamatay ako.

"Ahh wala, ginusto mo to diba, hindi naman na umuwi tayo ng walang laman chan at walang nakuha diba, isipin mo kung babalatan mo ito pwede mo itong gawing damit, since need mo na din ng mga damit mo, take it or leave it?." Busal ko ng mahina sa sarili ko.

Nag isip pako ng mabuti at napag pasyahan ko na, na palatayin ko ang halimaw na ito, ngayon ko lang nakita ang gantong halinaw at hindi pako masyadong kilala sa ganto pero sisiguraduhin ko na ikaw ang magiging hapunan ko.

Kahit kinakabahan pinalabas ko ang buto ko sa kaliwa kong kamay at kinuha ko naman ang buto ko sa magkabila kong paa, inantay ko munang bumalik ang mga ito at sinimulang ko ang aking plano.

Ng naka recover nako ay duon ko na sinimulan ang aking plano, binuhol ko muna ang whip ko sa dulo ng hawakan neto upang mag mistulang pana at ang iba kong buto ay ang palaso.

Ng matapos nako sa pag hahanda ay marahan akong lumapit sa may den ng halimaw kung saan sya natutulog, medyo malayo pako ng konti na nasa itaas kong bahagi neto, kaya may advantage ako sakanya.

Hinanda ko na ang pana at aakmang papanain na sya ng bigla akong matisod at nagising naman ang halimaw.

"WRARWWWW!!." Sigaw neto na kinasakit naman ng tenga ko, wala akong inaksaya na oras at pinana ang isa netong ulo, natuwa naman ako ng matamaan ko ito.

Pero natigil ang kasiyahan ko ng bigla syang mag buga ng apoy sa dalawa nya pang ulo.

"Mamaaa!!!." ani ko sabay talon sa ibaba, wala akong magagawa kundi mamamatay ako na sunog kung mag kataon.

"Bwiset kang halimaw ka eh nohh, gusto mo ba kong mamatay!!." Bulyaw ko dito, parang bobo lang, hindi pinansin ng halimaw ang bulyaw ko ng bigla syang tumakbo sa kinatatayuan ko.

"Ayt shutaaneesssss sorry na, want ko lang naman kasi ng pagkain!!." Sigaw ko habang tumatakbo, pero wala paring epek sa halimaw, nagulat nalang ako ng may tumira na saaking bolang apoy buti nalang at hindi ako tinamaan.

"Shutaness muntikan nako don." Sigaw ko habang tumatakbo, hindi ako mananalo kung tatakbo lang ako, magiging takbobo ako neto, buti nalang at may dent sa gilid ng kuweba, tumakbo ako dun at ayun ang gagawin kong patungan.
Ng makarating nako duon ay tinungtungan ko ito at tumalon ng mataas at nag back flip at pinana ang isang ulo.

"Yess tinamaan ko!...."  natigil ako ng mapagtanto ko na naka nganga na pala ang isa netong ulo, gagamitin ko na sana ang whip ko para masaksak ang isa netong ulo pero naka handa na pala ang buntot nito at napilipit ang aking binti, naka patiwarik naman ang aking posisyon.

"Kung nalintikan ka nga naman.." di ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla akong kainin ng buo ng halimaw.

THE UNKNOWN Where stories live. Discover now