CHAPTER 16: SANTERYA

195 15 6
                                    


ALFLORA POV

Nabigla naman si sir ng nagpakilala ako.

"Nakakamangha, may santerya akong estudyante, ipakita mo saakin ang galing mo." Ani neto.

"Lepidoptera labas." Pinalabas ko ito at ginaya naman ni sir si lepi.

"Tsunami surge." Cast ko sa isa sa malalakas kong spell, nagkaroon ng magic circle ang bibig ni lepi at rumagasa ang napaka laking alon.

Kinounter naman ni sir ito pero dahil kalahati lang ang kaya nyang gayahin ay di nya nakayanang pigilan at inanod sya ng malakas na agos ng tubig.

"Ughh, argh, m..magaling, kamangha mangha, hindi nako magtataka, isang s..santerya, pwede ka ng bumalik." Tuloy neto, tumayo naman sya at pinatuyo ang kanyang sarili, magic as usuall.

"Nagagalak ako dahil may mga ngingilan tayong estudyante ang may kaya ng gumamit ng kanilang mahika ng maayos at malaya, pero hindi ibig sabihin non ay liliban na kayo sa aking klase, may mga dapat pa kayong malaman tungkol sa mahika, tayo na't mag simula sa diskusyon." Panimula ni sir ng naka ayos nasya.

"Ang pag mamanipula ng isang mana o mahika ay hindi madaling gawin, kailangan mo ng maaliwalas na kapaligiran, tahimik, at taimtim na kaisipan, hindi ito parang prutas lang na mag hahanap kalang ng puno at kukuhain ang bunga, ang pag kuha ng mana ay parang pag tanim mo ng isang puno, alagaan, at aanihin, mahirap man intindihin pero kailangan nyo parin itong aralin ng mabuti." Medyo na confused ako sa sinabi ni sir pero gets ko yung mahirap sa pag kuha, naranasan ko din yan.

"Ngayon ay uupo tayo at mag memeditate tayo ng taimtim, umupo lang kayo ng naaayon sa inyo, kung saan kayo kumportable at makakapag focus." Eh nasa dulo akong bahagi ng mga naka upo sa lapag, so solo ko lang sa likod, ng may epal na tumabi nanaman sakin.

Well hindi sya totally na epal ano lang panggulo.

"Ano pong maipaglilingkod ko mahal na prinsepe?." Bulong ko dito pars hindi kami marinig at mapagalitan.

"Wala naman, gusto ko lang dito umupo at mag meditate." Ani neto ng maka ngiti o ngisi, at nag indian sit na sya, ako naman ay nanahimik nalang at ginawa narin ang pinapagawa.

"Isipin ninyo nag papalabas kayo ng mana o aura sa harap ninyo, hanggang sa makadama kayo ng kakaiba, ipag patuloy nyo lang ito hanggang sa maramdaman nyo na nagawa ito at tignan kung gumawa ba." Pag instruct samin ni sir.

Ayun ang ginawa ko at finocus ko lang ang sarili ko at nag labas ng mana sa katawan, binilog ko ito ay itinuon sa harapan, ng maramdaman ko naman na nakapag form nako ay dumilat nako.

Kulay abo ang kulay neto, hindi ko alam kung bakit pero eto ang kulay ng mana/aura ko, tumingin naman ako sa iba at nakita ko kay prinsepe sherwyn ay puti, as usuall, kay alex is transparent pero nakikita mo na humahangin dito, kay elise naman ay kulay golden brown may tipak pang bato at ugat, kay francis naman ay kulay pula, ewan ko kung bakit sakanya ay pula, ano connect nun sa shape-shifting.

May mga ibang di nakagawa at may iba naman na tuwang tuwa dahil nagawa nila ang unang task.

"Binabati ko sa mga naka gawa ng unang task, at sa mga hindi naka gawa ay ipag patuloy nyo lang pag kontrol ng inyong mana, magagawa nyo rin ito." Ani ni sir., mostly ang mga hindi nakagawa is yung may mga kapit ata sa horkas kaya naka pasok, hindi parin mawawala ang may kapit at mahihinang estudyante sa paaralan.

"Sa mga susunod nating pag kikita ay hahasain natin ang paggamit ninyo ng kapangyarihan at ng inyong pag cast ng spell, class dismissed." Pag tatapos neto at umalis na, kami naman ay bumalik na sa klase, ang next naming subject is potion and poison,antidote.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 13 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

THE UNKNOWN Where stories live. Discover now