CHAPTER 12: CAPITAL

91 9 0
                                    


ALFLORA POV

Dahil tapos nako sa mga kailangan kong gagawin ay nag gala muna ako sa bayan, may mga natatakot sakin pero ngumingiti lang ako sa kanila, hindi ko sila masi-sisi natakot ko sila ehh.

Hanggang sa may nakita akong nag lalarong mga bata.

"Kamusta!!, anong ginagawa nyo?." Ani ko sa kanila.

"Kamusta po ate, si juan po niyayabang nya po saamin na magiging isang mago sya." Sagot sakin ng isang batang babae siguro 10 taon na ito

"At papasok daw sya sa isang prehistiyosong akademya sa kapital ng alcren." Dagdag pa ng isang batang lalaki na siguro 12 pataas.

"Totoo ang mga sinasabi ko, saksihan nyo ang gagawin ko." Ani ng isang bata na 13 yrs old na ata, inangat nya ang kanyang kamay at lumabas ang isang apoy na kasing laki ng kamao nya, ang cute nya ng pinag yabang nya saamin ang nagawa nya.

"Hindi ba!!, sabi sa inyo eh, magiging isang malakas akong mago." Ani neto at bigla namang nawala ang apoy neto.

"Ang galing mo naman juan, siguradong matutupad nga ang ninanais mo kung mag susumipag ka sa pinapangarap mo." Ani ko dito ng naka ngiti.

"Ikaw po ate?, isa ka po bang mago?." Tanong sakin ni juan

"Ano po ang kakayahan ninyo?."

"Pa tingin po ng kapangyarihan nyo ate!!." Pilit naman sakin ng ibang mga bata.

"Ehh, hehe, siguro nga isa akong mago, at eto ang kakayahan ko." Ani ko at pinalabas si fiery moth at si lepi in short of lepidoptera, at si jade.

"Woww, ang ganda naman po ng mga insekto na iyan ate." Ani ng batang babae

"Ayan po ang kakayahan nyo ate?."

"Mukha po silang mahina ate?, ano po ang kakayahan nila?." Singit ni juan.

"Makikita nyo." Ani ko.

"Fiery, fire blaze, lepi water cannon, jade air glaze." Triple cast ko, nauna namang si fiery na nag palabas ng malaking apoy at ibinuga ito sa langit, nakaalalay naman si lepi at pinatay ito gamit ang water cannon nya at nagkaroon ng malaking usok pero biglang nawala ito dahil kay jade at nag turn ito into smoke at nagkaroon ng mga small dust.

"Ang galingg!!!."

"Ang astig naman po ate!!."

"Ang lakas nyo naman po pala ate."

"Hindi lang po pala kayo magandq malakas din." Narinig kong saad ni juan, natawa naman ako sa nasabi nito.

"Haha, salamat mga bata, basta ang lagi nyo lang tatandaan ay wag mag yayabang sa natatamasa nila, kailangan nating magpakumbaba, hindi masama mangarap o mag pakita ng kakayahan, ang masama ay mang lamang o mantapak ng ibang nilalang, kahit ano pang itsura o ano pa ito." Pangaral ko naman sa mga ito.

"Opo ate, salamat po ulit sa pag papakita mo saamin ng iyong kakayahan." Ani nung lalaki kanina.

"Opo ate, hindi po ako tutulad sa ibang mga mersenaryo na pera lang ang habol, lalakas ako at magiging magaling na mago at proprotektahan ko ang bayan na ito." Ani ni juan, ahh kaya pala hindi kaagad dumating kahapon yung mga mersenaryo dahil wala atang pataw na pera, hayst, pati rin pala dito malakas din ang implowensya ng pera.

"O sya aalis nako, magpakabait kayo, at ikaw juan, protektahan mo sila ahh, at kayo bilisan nyo baka maunahan kayo ni juan lumakas." Biro ko sa mga bata, nag stay lang ako ng ilang mga oras para pampalipas ng oras ng nag gagabi na.

"Aalis na po kami ate, salamat po sa pag sama saamin."

"Ate laro po ulit tayo bukas ahh."

"Salamat po ulit ate sa pakikipag laro samin." Sambit ng mga bata, sorry pero aalis nako bukas.

THE UNKNOWN Where stories live. Discover now