CHAPTER 7: PEOPLE

104 8 0
                                    

ALFLORA POV

3 YEARS AFTER

Tumatakbo ako at nag lalambitin sa kaloob looban ng kagubatan, hindi ko na namalayan na mag 3 taon na akong namumuhay sa kagubatan ng florenza mag 19 nako ang alam ko, hindi ko na kasi alam kung anong buwan na pero ang pagkaka tanda ko ay mag 19 nako this year.

"Emperor moth, alam kong marami na tayong pinag daanan sana ay mas tumibay pa ang pag sasama natin." Usap ko sa aking moth, alam ko na kung paano kontrolin ang aking mga moth, hindi pa sila marami, hindi ko alam kung paano pa madagdagan sila dahil halos lahat ng moth ng nasa gubat ng florenza ay nagkaroon nako.

Oo para syang tame ganun, para tuloy akong naging tamer, pero about moth lang ata ang kaya kong i tame? Di ko sure.

"Kayong dalawa ni fiery moth ang laging mag kaaway, alam kong hindi kayo magka tulad ng lahi at elemento pero sana mag bati kayo kahit papaano." Ani ko, kausap ko ang emperor moth sa itaas ng puno ng eksyan, isang mataas na puno at ang bunga ay isang prutas na sobrang tamis na may pagka maasim kulay violet sya at kasing laki lang ng mangga.

Sa tatlong taon kong pamumuhay sa gubat na ito ay marami akong napag daanan, sakuna, peligro at delubyo, halo halo, pero dahil duon mas lumakas at mas naging matibay ako, at syempre mas naging mukhang disesnte nako, may mga gamit nako at mga damit dahil sa mga balat at mga fur ng mga halimaw na napapatay ko.

At speaking of patay, nag huhunting ako lagi ng mga hobo goblin sa 3 taon na namalagi ako sa kagubatan, wala akong pinapalampas, kaya nga halos kilala na ako ng ibang halimaw sa kagubatan ng florenza eh, pero eto ako hindi parin alam kung asan ang labasan ng hinayupak na gubat nato.

Marami nakong napatay na mas malalakas pa sa nauna kong napatay na halimaw, katulad nalang ng mga cyclops, goblin, hobo goblin, kobold, gnome, at hindi ko inaakala na makaka pang buno ako ng wyvern, isang dragon like na halimaw, basta ganun ang itsura nya, bumubuga sya ng apoy, basta para syang dragon pero dalawa lang ang kanyang paa, at marami pang iba, may iba din akong hindi kilala sa mga halimaw dito kaya di ko na maipaliwanag.

"Mag gagabi na pala, bumalik ka na muna emperor moth, salamat ulit sa pag sama sakin." Ani ko at nawala na sya.

Nag lakad lakad lang ako para mag hanap ng makakakain, ang suot ko ngayon ay isang malambot at magandang parang seda na tela, oo dahil yan sa silk moth ko, dahil sa kanya nagkaroon na ako ng maayos na damit.

Naka long Sleeve akong kukay puti, at pants na loose, mahaba na din pala ang aking buhok, minsan ko lang kasi putulan to, hanggang kili kili ko na pala sya.

Sa pag iisip ko ng kung ano ano hindi ko na namalayan na may naaninag nalang akong isang apoy, isang torch kung baga sa aking pag lalakad, dali dali naman akong pumunta duon para tignan kung ano o sino ang nanduon, baka isang kobold, or hobo goblin, higlig nilang mang hunting sa gabi eh, pero laking tuwa ko nalang na iba ang aking nakita.

"Omooo, its that people!!, ow my gashhh!!, napatili ako sa kalayuan ng makita ko ang mga tao na nakikipag laban sa basilisk.

"Tutulagan ko ba sila or hindi?." Ani ko sa sarili ko ng biglang kumulo ang sikmura ko.

"Ahh bala na, win win situation din naman to kaya why not." Ani ko sabay takbo sa mga taong nakikipag laban sa basilisk.

SOMEONE'S POV

"Roland hindi natin kakayanin ang basilisk na ito, hindi sapat ang ating kagamitan, at mga kasamahan, matatalo at mamamatay lang tayo kung pipilitin pa natin ito!!." Ani ng isang lalaki habang sinasalag ang atake ng basilisk gamit ang kalasag nyang may basbas ng mahika.

"Hindi maaari, kinakailangan nating madala ang orżen, kahit pa buhay ko ang kapalit, hindi ko hahayaang bumagsak ang ating bayan, hindi ko papayagang magpasakop sa mga mahaharlika na ang gusto lang ay manakop ng mga lupa!!." Ani naman ng isang lalaki na ang ngalan ay roland, habang kinuha ang kanyang espada at inatake ang basilisk at agad namang na depensahan ng basilisk ang kanyang sarili.

"Mga mago, handa na ba ang ingkantasyon!!." Ani ng isang babae na patuloy parin sa pag pana ng kanyang palaso sa basilisk.

"Matatapos na!." Sigaw ng isa sa mga mago, ng bigla nalang bumuga ng isang usok ang basilisk, isang usok na may lason, ang kung sino man ang makalanghap ay magiging bato.

"Pinuno!!, ang mga mago, naging bato na sila, hindi na nila tayo kayang suportahan, mamamatay na tayo dito, tumakas na kayo at iwan ako." Ani ng kaninang lalaki na hinaharap ang atake ng basiliks, hinampas naman sya nito ng buntot ng basilisk at tumilapon sa kalayuan.

"Bernard!!." Sigaw ng babae at maging sya ay di naka ligas, hinampas din sya ng buntot ng basilisk at tumilapon sa kabilang bahagi.

"Wala na, hanggang dito nalang, matatapos din pala sa wala ang aming paghihirap, sana hindi ko nalang sila sinama, ako pa ang dahilan ng kanilang pagkasawi at nawalan din ng saysay ang aming ekspidisyon." Napasambit nalang ng lalaki habang tumutulo ang luha at naluhod sa sobrang pagka dismaya.

Pinuluputan naman sya ng basilisk at wala na syang nagawa at tinanggap nalang ang kanyang huling sandali, ng aaktuhing kakainin na sya ng basilisk

Ng biglang may isang pigura ang dumating, isang maliit na hugis tao na may nakasukbit na robang puti, at isang insekto na kulay puti na may halong asul, may dala dala syang isang whip at isang karit na gawa sa buto.

Natigil naman sa pag pulupot ang basilisk ng biglang sinaksak sya ng isang nilalang na tumulong sa kanila, duon ay sinaksak nya ito ng kanyang karit sa may bandang ulo at hindi pa duon nag tatapos, pinuluputan nya ang ulo nito ng kanyang whip.

"Luna, its our time to shine!!." Bulyaw ng naka roba na puti at tumalon ito ng mataas kasama ang kanyang alaga at may sinambit.

"Moon blast!!." Bigla namang nagkaroon ng isang ray of light galing sa kanyang kamay at tinamaan ang ulo ng basilisk, dahil sa lakas ng mahika ay natunaw ang ulo nito at namatay, hanggang duon nalang ang nakita ng lalaki sa kanyang pagkakasaksi sa labanan ng naka roba at ng basilisk.

ALFLORA POV

Matapos kong patayin ang basilisk ay kinuha ko kaagad ang mga spoils o mga tira neto like yung core nya, yung balat at yung ibang laman, syempre nagugutom nako, kaya nga ako pumunta dito diba.

Pagkatapos kong kuhain lahat ng iyon ay inipon ko ang mga taong naka ligtas sa labanan kanina, bali tatlo nalang sila, isang lalaki na about 20 yrs old? Ata then isang middle aged man and women, like para silang 34 or 35.

"At dahil gabi pa naman so far ikaw muna ang aasahan ko luna." Ani ko sa aking luna moth.

"Moonlight blessing." Ani ko at biglang lumiwanag ang kanilang katawan at gumaling naman ang kanilang mga sugat na natamo sa labanan.

Nagtataka siguro kayo kung san ko napulot yun, malamang sa pokemon, haha nag try lang ako ng ibang mga spell at ayurn nag work, kasi naka connect naman sakin ang mga moth ko so alam na nila kung ano yung pinapahiwatig ko, hahaha.

Nag handa nalang ako ng makakain ko at nag paapoy na, habang nag luluto ako ay may narinig akong ugong ng isang lalaki.

"Arghh!!." Ungol neto na para bang kagigising lang sa aksidente, well expected naman talaga anteh.

"Umupo kalang dyan at magpahinga, antayin mo nalang tong niluluto ko para maka kain kayo, at gisingin mo na din yang mga kasama mo." Ani ko dito ng hindi lumilingon.

Nagulat naman ako ng mag biglang tumutok saking espada, wowwwww, pasalamat ka at kayo ang una kong nakitang tao, kung hindi kanina pa kita ginilitan dyan, pero Infairness ang popogi at ganda nila ah.

"Sino ka, at ano ang nais mo, bakit mo kami niligtas, isa ka ba sa mga bandido na gusto kaming kikilan!?." Tanong nya sakin na may halong galit at kaba, dama ko na rin kasi, atskaa lumakas kaya yung senses ko duhh, ilang taon nako nasa gubat.

"Bakit hindi ka makapag salita, balak mo kaming ibenta hindi ba!?." Dagdag pa neto.

"Kuya chill kalang nga, huminahon ka po muna, kung gusto ko kayo gawan ng masama dapat kanina pa, atsaka dapat hindi ko na kayo niligtas sa basilisk na kinakalaban ninyo, atsaka grabe ka naman sakin kuya, hindi ako bandido na nanakawan ka or nag bebenta ng mga alipin." Bulyaw ko dito, natahimik naman sya sa sinabi ko at naupo na.

Kung hindi ko lang talaga need ng tao para makaalis sa gubat nato kanina ko pa kayo tinumba.

THE UNKNOWN Where stories live. Discover now