CHAPTER 6: TRAINING

112 9 0
                                    

ALFLORA POV

"Good morning sainyong lahattttt!!!!!, im so happy to see the beautiful sunshine again!!." Sigaw ko sa kawalan habang nag uunat pa, dali dali naman akong tumayo at kinuha ang balat na nakuha ko sa halimaw, nagulat ako ng tuyo na ang kabilang side neto.

"Wow magic!!." Sarcastic kong sabi, double meaning kasi shutanaman.

"Buti naman at hindi na kita patutuyuin pa, iba talaga kapag high class monster noh, pero salamat narin dahil binigyan moko ng masusuot at makakain." Kausap ko sa hawak kong balat, hindi nako nag patumpik tumpik pa at hinati hati na ito, ang mga nagawa ko lang is long-sleeved na eme eme lang at pants na pang primitive talaga tas cloak para pang taklob.

Nagtataka siguro kayo kung anong ginamit kong sinulid at karayom, ang sinulid na ginamit ko ay ang buhok ko, oo mahaba na ang buhok ko umaabot na ng balakang kaya keri na, syempre malapad yung ginagamit ko since makapal naman ang buhok ko, then sa karayom as usual buto ko haha.

Pagkatapos kong mag tahi ay may natira pang sobrang tela, ginawa kong bag yung sling lang para may bag ako then pouch na pang lalagyan ng tubig, syempre ilang patong na tahi ang ginawa ko para maging water resistance sya.

Iniwan ko muna ang aking natirang pagkain at pumunta sa malapit na batis na nakita ko kagabi, buti nalang at walang halimaw duon at pwede ako kumuha ng tubig.

Pagkarating ko ay sumalok nako ng tubig sa lalagyan at nilagay na sa bag, pagkatapos ay uminom nadin, syempre wala pakong tubig since kagabi pa, at tinuloy tuloy ko na din na naligo.

Habang naka babad sa tubig ay trinay ko ulit ang ginawa ko kagabi, ang gamitin ang aking kakayahan.
"Concentrate alfora, kaya moto, this time sana ibang moth naman at sana may kakayahan na siya hindi yung design lang or pampaganda lang." Ani ko ang mag focus na, this time hindi ako pumikit at itinaas lang ang aking kamay na para bang may makalagay sa aking palad.

Unti unti namang may nag form saaking kamay pero ibang moth ang lumbas hindi sya luna moth.

"Isang Lepidoptera moth!!, isang aquatic moth, mygashhhh!!!." Napa sigaw naman ako sa tuwa ng may napalabas akong ibang moth.

(A/N: ilalagay ko nalang na alam nya yung mga pangalan ng moth, mahirap mag isip eh hahah sorry na)

"Since isa kang aquatic moth? Siguro naman water type ka noh? Ano to pokemon haha, pero try nga natin." Ani ko ko sa kausap kong moth na kasing laki ng aking palad, dinama ko naman ang tubig na umaagos saakin at naramdaman ko nanaman na parang gumagamit nanaman ako ng mana.

Pinalipad ko muna sya at itinutok ang aking kamay sa may malapit na puno na aktokong babarilin ko ito, nag focus lang ako na ilagay ang aking mana sa kamay ko at ng inilabas ko na ito ay syang pag tira naman ng isang baril na ang bala ay tubig, sakin nanggaling.

"Oh my gashhhh!!!!, mabutas ko yung puno!!!!!, my gashhh nag work na syaaa!!!." Pero nawala nanaman ang tuwa ko ng naramdman ko ang hilo.

"Ok need ko muna mag stop wala pa pala akong kain, aahon nako para maka lamon at maumpisahan ang akin bakbakang training!!, at mag hahanap nadin ako ng mga bakas or mga bahay or possible na bayan para maka layas nako sa gubat nato." Ani ko sabay ahon at nag pagpag lang at sinuot na ang bago kong damit, ang komportable nya grabe sa katawan at ang aliwalas pa kahit naka cloak ako, siguro eto yung passive or kakayahan ng gamit nato.

Hindi ko na ito pinansin pa at dumiretso na sa kuweba na aking pinag pahingahan at tinuloy ang pagkain, pagkatapos kong kumain ay lumabas nako dala dala ang aking bag na ang laman lang ay ang tubig ko at ang whip.

Nag lakad lakad ako sa loob ng kagubatan kung san man ako dalhin ng aking mga paa, at nakarating ako sa isang field na malawak, dun ay nag pahinga muna ako, uminom ng tubig at trinay ulit ang aking pag sasanay.

"If kung tama ang prediction ko kung ano ang nadarama ko or anong araw or something ay yun ang lalabas na moth, lemee try nga." Ipinikit ko na ang aking mga mata at nag concentrate.

Naramdaman ko ullit ang pamilyar na pakiramdam na parang nag proproduce ako ng mana sa aking katawan, at itinuon ko naman ito sa akin mga palad, at ilang saglit lang ay may naramdman nako sa aking palad.

"Isang jade hawkmoth!!." Napasigaw ako dahiil sa tuwa. "So anong powers mo? Isa ka bang land moth or air moth? Ano to pokemon shuta ka mag ayos kanga." Batok ko sa sarili koo.

"Ahh basta, i try nalang natin." Ani ko at nangat ang aking kamay sa kawlaan at pinapunta ko ang aking moth sa aking ulo at pinakiramaman ang connection namin at nilagay ko naman ang aking mana sa katawan ko.

"Pls gumama ka." Bulong ko at duon ko na itinuon ang aking atensyon, ilang saglit lang na pag iipon ng mana at ready ko ng ilabas ay biglang humangin, at ng inilabas ko na sya ay natumba ako sa lakas ng impact ng hangin na aking pinalabas.

"Wowwww!!!! Isa kang air pokemon, char basta ang tawag ko sainyo ay pokemon at wala na kayong magagaw ahahahaha." Natawa naman ako sa pinag sasabi ko at inutusan kong lumipad ito sa aking balikat.

"Mukhang naka gawa tayo ng ingay ahh, kailangan nating lumaban ngayon dahil sa pang iistorbo." Ani ko dito na para silang alaga.

"Jade moth, i assist moko habang lumilipad ka." Sabi ko habang binato ito sa era at sya naman ay lumipad, at may paparating na limang kobold.

"Makaka ganti narin ako sainyo sa ilang taon nyo saking pang peperwisyo!!." Sigaw ko sakanila sabay bato ng bag ko at hablot ng whip ko.

Nasa malayo palang sila ay inatake ko na sila ng aking whip di pako sanay pero may konti nakong kaalaman hinampas ko ang isa at bigla naman ito napa atras at pinush ko ulit ang whip ko at ito naman ay nasaksak sya.

"Ahh ganun lang pala kapag mananaksak ka thrust lang ang need." Ani ko, nakita ko naman na napa tumba na ng jade moth ang isa pang kobold, nag focus naman ako sa tatlo kong katapat at hindi nako nagpa tumpik tumpik pa, dinamba ang isa at sinaksak ko ang dulo ng aking whip at sasaksakin sana ako ng isang kobold ng bigla syang tumilapon dahil sa aking moth at dahil nag iisa nalang ang aking kalaban ay bigla itong tumakbo.

"Akala mo makaka takas kapa at makaka tawag ng respo, tanamo!!!." Sigaw ko at sabay hawi ng malakas ang whip ko at umikot ito sa kanyang ulo, hinatak ko naman ito at bigla namang naputol ang ulo neto, binalikan ko naman ang dalawang kobold na bumagsak dahil sa moth ko, sinure ko na mamamatay sila, mahirap na noh.

"Maraming salamat jade, pwede kanang bumalik." Anii ko dito at nawala na, napagod naman ako sa ginawa kong session, mana at physical training ang need kong i enhanced para maka Survived.

"This is it pansit, wala ng atrasan to, lalakas ka tandaan mo yan, makakauwi kapa sa inyo, ayan lang ang goal mo, makakaya mo yan." Pagpapalakas ko sa sarili ko.

"At dahil may natitira pakong mana, lubus lubusin na natin." Ani ko at inangat ko ang aking dalawang palad at nilagay dun ang palad ko, inisip ko na kaisa ko ang mga halaman, at puno.

Ilang saglit lang ay may lumabas sa aking mga palad isang emperor moth.

"Yeheyyy isang emperor moth, siguro namam immune ako sa balahibo mo noh since ako ang owner mo?." Ani ko at saka sya hinawkan ng walang alinlangan, at laking tuwa ko ng hindi nag react ang aking balat sa kanyang balahibo.

"Yesss, next lets try the next level of this study." Keme ko sabay hawak sa emperor moth at nilagay ang palad ko sa hangin ng biglang nag si tubuan ang mga damo na nasa kinatatayuan ko at bigla namang nagka puno sa mga paligid.

Nag papanic nako dahil sa nagawa ko at hindi ko na alam ang gagawin ko, nagkaroon na ng mga vines at kung ano ano pang flower at dun, hindi ko na namalayan at nawalan na pala ako ng malay dahil sa pag konsumo ko ng mana.

THE UNKNOWN Where stories live. Discover now