Ika-isandaan at Tatlumpu't Pitong Kabanata

59 6 1
                                    


FH88


"SIYA ang..."

"A-ang Pambihirang Sero!" sambit bigla ng isa sa mga nanonood. Doon nga'y biglang may nakaalala sa isang binatang may kasamang batang babaeng may gintong buhok na minsa'y makikitang naglalakad sa siyudad ng Cleyanero. Sila ay ang dalawang Sero.

Napangisi naman nang bahagya si Hikin nang marinig ang bulung-bulungan sa paligid. Nagpapakita na si Mars ng isang kapana-panabik na laban, at ito'y nasasaksihan na ng marami.

Samantala, sa itaas naman ng entabladong kinalalagyan ng mga Maharlika, bigla namang nagulat si Prinsipe Alpiro sa nakita.

"A-ama, asul na apoy iyon?" biglang tanong nito.

"Tama ka... Ang asul na apoy. Pangalawa sa pinakamalakas na apoy. Ito ang kulay na pumapangalawa... Pangalawa sa maalamat na gintong apoy," seryosong sagot naman ng hari.

Napahawak pa sa kaunting balbas nito si prinsipe Alpiro habang nakatingin sa Sero na si Mars.

"Interesante nga ang Sero na iyan..."

*****

NAGLAHO ang apoy ni Mars matapos ang ginawa niyang pag-atake. Ininda naman ni Jupiter ang lakas ng suntok na binigay niya, dahilan upang manatili pa rin itong nakatayo matapos tanggapin iyon. Napaatras ni Mars ito nang ilang metro. Bakas pa nga ang pinagsadsadan ng mga paa nito sa battle arenam at kasalukuyan pa ngang umuusok ang mukha ng kalaban niya.

"Malakas ka nga talaga..." sambit ni Mars na agad na dinampot ang kanyang espada. Naghahabol pa nga siya ng hininga matapos ang atake niyang iyon. Iyon na ang ikalawang beses na ginamit niya ang kapangyarihan ng perlas at may walo pang natitira.

Seryoso naman si Jupiter hanggang sa napangisi ito nang maglaho na ang usok sa mukha nito.Mapula at may dugo ang kaliwang bahagi ng mukha nito subalit tila wala lang ito para sa Terranian. Bagkus ay nananatili pa rin ang lakas ng aura na dumadaloy rito.

"Pi-pinapasaya mo ako Sero... Heh! Heh!" Hinihingal din si Jupiter. Pagkatapos nga ng sinabi nito ay biglang kumawala ang malakas na hangin mula sa kinatatayuan nito. Lumiwanag lalo bigla ang aura nito. Nayanig din ang paligid dahil doon, ngunit nasa ganoong estado pa lamang ito nang biglang umatake si Mars gamit ang espada.

"Hangga't may pagkakataon, dapat akong sumugod," sabi ni Mars sa sarili. Doon ay marahan niyang niluwagan ang pagkakahawak niya sa espada. Umikot ang hangin sa mga paa niya at pagkatapos ay mabilis niyang nilampasan si Jupiter.

Kumawala rin ang malakas na hangin mula sa katawan nito.

Nagulat ang mga nanonood nang biglang lumitaw si Mars sa likuran ni Jupiter. Nababalot pa ng asul na apoy ang talim ng espada nito. Medyo napatayo pa nga ang ilan sa mga nanonood nang biglang may asul na apoy ang gumuhit sa dibdib ng Terranian. Bumulwak ang apoy roon na may kasamang dugo.

Napangiwi si Jupiter sa sobrang sakit at napaluhod. Pinilit niyang labanan ang sakit at biglang nagdilim ang kanyang paningin.

"P-pinabibilib mo talaga ako... Sero..." Napakuyom ang mga kamao ni Jupiter. Kumawala pa rin ang napakalakas na aura mula rito. Muli ring nayanig ang paligid. Nagsiangatan din ang maliliit na bato sa lugar. Muli itong tumayo at doon ay dumaloy ang isang nakikitang enerhiya patungo sa isa nitong kamao.

Samantala, may pagkagulat muli ang mga Maharlika sa itaas ng entablado dahil sa umaapoy na espada ng Sero.

"Anong klaseng espada ang ginagamit ng Sero na iyon?" tanong ni Haring Shiyarku.

Kokoro no Honoo  by Taong Sorbetes (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon