Ikaapatnapu't Anim na Kabanata

2.2K 124 3
                                    

MATAPOS kong matalo ang higanteng si Kyojin. Sunod namang natalo ang kalaban ni Venus na si Hampatsu. Tinalo na rin ni Neptune si Ratto na hindi na nagawang makasabay sa kanya. Pinabagsak na rin ni Isago ang kalaban niyang si Akasha. Ngayon ay si Terrance at ang Heneral ni Lucifer na lamang ang naglalaban sa itaas ng wasak na palasyo. Sa hindi kalayuan naman, ang lupang dragon ay patuloy naman sa paglaban sa higanteng ahas na may tatlong ulo. Itim ang kulay noon at mukhang gawa sa metal ang katawan. Patuloy na rin nga sa pag-usad ang mga mandirigmang Terranian papunta sa kastilyo. Nakatulong sa kanila nang malaki ang mga dragon namin. Ngayon ay nakatayo kaming apat sa hindi kalayuan. Pare-parehong puro sugat at galos. Wasak ang mga damit at pinapanood ang laban ng aming kasamahan.

Kinakalaban ni Terrance si Kotetsu. Naalala ko, sabi ni Sven sa amin na may kakayahang maging metal ang katawan nito. Ang pinakamalakas kung lakas ang pagbabasehan. Sinasabi rin na mas malakas pa ito kaysa sa pinakamalakas na Terranian. Ito rin daw ang pumatay sa pinakamalalakas na Heneral sa Kaharian ng Lupa.

Napatingin nga ako nang mabuti sa laban nilang dalawa. Dehado si Terrance. Lupaypay na ang kanang braso nito samantalang iilang galos pa lang ang natatanggap ng kalaban. Gusto ko nga sanang tumulong pero naalala ko ang sabi ni Venus sa akin kanina. Maging si Isago na seryosong magka-ekis ang braso habang nakatayo ay nanonood lang. Si Neptune naman ay may subong lollipop habang nanonood pero ramdam kong nag-aalala siya. Si Venus naman ay nakahawak sa akin. Hindi pa niya magawang magpagaling dahil sa pinsalang tinamo niya. Marami ring kapangyarihan ang nabawas sa kanya.

SUNOD-SUNOD na pagsabog ang yumanig mula sa aming likuran. Narinig namin ang malalakas na sigawan. Namalayan ko na lang na nakatayo sa tabi namin si Lolo Mera at Reyna Claudia. Wala ring silang balak tulungan si Terrance. Sa likuran naman namin ay nandoon ang mga Terranian naming kasama. Nagapi na nila ang mga kampon ng kalaban. Marami rin sa kanila ang sugatan. Nakikita ko rin sa mga mata nila ang pagbibigay ng tiwala sa amin, lalo na kay Terrance na nakikipagbakbakan sa pinakamalakas na kalaban na kanyang nakaharap.

"Ano na Maharlika ng Lupa? Hanggang diyan na lang ba ang lakas mo?" Pang-asar na tanong ni Kotetsu kay Terrance na bali na ang kanang braso.

"M-masyado kang mayabang... M-mag-isa ka na lang kaya talo ka na!" Sagot naman ni Terrance na pinapataas pa rin ang aura niya.

"Kayang-kaya ko silang patayin kung gugustuhin ko... Dahil kayong mga Maharlika ay mga mahihinang nilalang kumpara sa amin! Oo natalo ng mga kasama mo ang mga taga-sunod ko... Pero iyon ay dahil sa wala pa sa kalahati ko ang lakas nila!" Nginisian pa ni Kotetsu si Terrance. Pagkatapos noon ay naging metal ang kanang kamao nito. Isang mabilis na atake ang ginawa nito. Lumitaw ito sa harapan ni Terrance at sinuntok ito nang malakas.

Gumawa si Terrance ng makapal na harang mula sa lupa, pero nawasak lang iyon at tumagos doon ang suntok ng kalaban. Sapul si Terrance sa sikmura. Isang malakas na impact din ang tumagos sa likod niya. Napasuka siya ng dugo. Tumawa rin nang malakas si Kotetsu habang nakatingin sa direksyon namin. Bumulusok pababa si Terrance matapos iyon.

"Hindi ko na kayang manood!" Pinagliyab ko ang kamao ko at mabilis na lumipad sa direksyon ng kalaban. Gano'n din sina Venus, Neptune at Isago. Sumugod din sila, kaso, isang napakalaking tipak ng lupa ang tumama sa aming apat. Dinaganan kami noon hanggang sa bumagsak.

"Huwag n'yo akong tulungan! Iniinsulto n'yo ba ako?" Biglang lumitaw sa unahan namin si Terrance, kalunos-lunos ang itsura niya. Duguan siya habang lupaypay ang isang braso.

"P-pero kuya! Hindi mo siya kaya!" sabi ni Neptune na umiiyak na pala.

"Tama si Nep! Tutulungan ka namin!" malakas namang sabi ni Venus.

Kokoro no Honoo  by Taong Sorbetes (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon