Chapter 14

74 2 0
                                    

Chapter 14:: pinsan?

ANNALYN POV.

["Ako naman"] saad ni Fucia.

Maraming tanong ang pumapasok sa isip namin ngayon lalo na at hindi pala madali ang mission ko. Marami akong sekretong kailangang bunyagin.

Well, kami-kami rin lang naman ang makakaalam, di naman yun makakalabas sa society; talagang sa agency lang  namim.

[" Base sa impormasyon na nakuha ko about kay Saffon is medyo nahirapan ako, kahit kasi sabihin natin na na ganon ang security ng background n'ya, as in mahirap. Apat na computer ang ginamit ko paea makapasok lang ang na screen shot ko rin lang dahil sa pinaalis agad ako sa access."] Pag rereklamo nito, pero alam ko na ang mangyayari dito, napakatamad ng isang ito pag dating sa pag sasalita about mission.

["Send ko na lang sayo."] Sabi na, mag sesend lang iyan dahil may date nanaman ito.

["Ma alas tres na, at sigurado ako na nakikipag kamay na si Saffron sa mga ka business partners n'ya kaya sesend ko na lang, wala akong ka date Lyn."] Taas kilay akong napatingin dito.

"Sige-sige salamat sa mga impormasyon na binigay n'yo, napakalaking tulong non dahil mas lalaong nadagdagan ang mga katanungan ko sa utak." Sarkastikong tugon ko sa kanila.

["Byee."] Sabay-sabay na pag papaalam ng mga ito at pinatay na ang tawag.

Naubos na ang brain cells ko sa utak, napakalala naman nila mag kalkal ng impormasyon, dinagdagan pa nila ang gawain ko.

Sa daming binigay ni Iyah na tanong kanina ay hindi na talaga ako magdududa kung talagang may mga bahó ang pamilya ni Saffron and I'm here to find out what it is.

Napahiga na lang ako sa kama dahil nakakaramdam din ako ng pagod kahit na sabihin nating naka upo lang ako habang prenoproseso ang mga sinabi nila.

Napapikit pa ako dahil bumubigat na ang tuklap ng mata ko pero, agad ding napa mulat dahil naalala ko ang huling sinabi ni Fucia na tapos na daw ang meeting nila Saffron.

Agad naman akong napa bangon dahil naalala kong lutuin ang pinamili namin kanina na pang meryenda.

Bago ako mag tungo sa kusina ay dumaan muna ako sa may pinto palabas sa silid para kuhain ang fire extinguisher... Malay natin makasûnog ako, mas mabuti nang handa kesa naman mawala ang gusaling ito.

Pumunta na ako sa kusina matapos makuha ang aking pakay, nag suot na rin ako ng apron at kinuha ang mga tools and equipment na kailangan ko.

Ang lulutuin ko lang naman ay kwek-kwek, fish ball, kekyam, squid ball, hot dog at fries.

Madali lang naman sigurong lutuin.

Inuna ko na muna na hati-hatiin ang hoddog sa maliliit naa bahagi. Sa tantya ko ay nasa dalwang inches lang ito or isa? Debale na, basta pinutôl-putôl ko.

Tig-kakalahating balot rin lang ang inihanda kong prituhin na kekyam, fish and squid ball.

Nag lagay na din ako sa kawali ng langis: isang litro. Binuhay ko na ang gasol at sinimulan ang pagpapainitin ng langis.

Sabi ni Iyah, para daw malaman kung ang langis ay mainit na ay itapat ko ang aking palad sa langis at kung mainit na ay di ayos na itong pag pritohan.

Ginawa ko ang sinabi ni Iyah at tama nga s'ya dahil naramdamaan ko ang init nito kay dahan-dahan kong inilagay ang fries, uunahin ko na ito dahil kasunod naman nito ay ang fish ball, squid ball, kekyam at hot dog; pag sasabay-sabayin ko na ang apat para di sayang sa oras.

Nang mapansin ko na nag gogolden brown na ang fries ay inahon ko na agad ito at inilagay ang kasunod: fish ball, kekyam, squid bal, at hotdog; medyo tinusta ko ito ng kaunti para malutong.

I Am Mr. Mayor's Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon