Chapter 8

92 4 0
                                    

CHAPTER 8: spot.

ANNALYN POV

It's past nine in the evening and now I'm on my room. Nag aayos ako, napag isip-isip ko rin lang kasi na ilang buwan na rin kaming hindi nakakainóm ng barkadaha. Kaarawan ni Scarlet ang huli.

Hindi ko naman sila sinabihan about sa plano ko dahil kung sakali ay hindi ito matutuloy, dapat kasi pag nag plano kami ng inûman ay talagang surprise or wala sa plano, may sa balat ata sa pwét ang isa sa amin dahil hindi natutuloy kung planado.

Gusto ko silang yayain ng surpresa lamang, wala sa plano at talagang hindi sila makakatanggi dahil minsa-minsan lang naman.

At hindi naman talaga sila tatanggi yung mga yon pa. Sus.

Sa bar nalang siguro kami iinóm para hindi makalat, pag sa condominium pa kasi ni Iyah ay mag luluto pa kami, ma order ng kung ano-ano, kaya sa bar na lang.

Nag suot lamang ako ng crop top na kulay dark red na halos hindi mo mapapansin na kulay pula talaga ito dahil mas mapag kakamalan itong kulay itim, ang pang ibaba ko naman ay maikling skirt na umaabot lang ito ng wala pa sa kalahati ng aking hîta at kulay itim naman ito. Nag takong din ako pero two închés lang dahil baka mag reklamo na naman ang mga kaibigan ko.

Nag lagay din ako ng manipis lang na make up sa aking mukha, hindi rin ako gumamit ng lipstick dahil baka maging clown ako kinabukasan, walang mag aalis ng make up ko dahil siguradong hindi kami aalis sa bár hanggat hindi nila sinûsûka ang kanilang mga bitûka.

Nang matapos akong mag ayos ay pumili naman ako ng bag na dadalhin, maliit lang ito para sa aking cellphone.

Iiwan ko namam ang bag sa condominium ni iyah dahil baka mawala pa ito sa bár, burara pa man din ako.

Dahil kumpleto at hanada na ang lahat ay bumaba na ako.

Nakapag hapunan na din ako kanina pero kakaunti lang iyon, hindi rin iyon luto ni Saffron dahil ang kinain ko lamang ay ang natirang ulam kaninang tanghalian.

Unang gabi pa lang satingin ko ay mangangayayat ako dahil hindi ako pinapakain ng tama.

Kanina pang alas singko umalis sila mommy dahil baka malate daw sila sa flight, kasabay rin nilang umalis si ate pero sa ibang lugar naman ang punta nito at kung hindi ako nag kakamali ay sa Davao siya patungo.

Speaking of Saffron, simula nang mag usap sila kanina sa pool is don ko rin siya huling nakita. Mag papaalam sana ako pero mukang busy s'ya. I'm just gonna text him total binigay naman sakin ni mommy ang contact number n'ya para daw matawagan in case of some emergency or whatever I need him. Ganon.

Saka ko na ito kikilatisin, maybe sa linggo or kahit kilan dahil driver ko naman ito.

Hindi ko pa rin naman tapos basahin yung info ni Saffron na senend saki ni Iyah, pag katapos ko malaman na s'ya si Saffron then I stopped reading. Nakakatamad lang.

Bukas pa ang ilaw sa buong bahay, do I need to turn it off or not?

Naka hightech naman kami so when I say turn off the light whatever the place in this house, it will be off, maliban na lang sa mga kwarto dahil may sarili sila don na access kung sinong gagamit.

"Where do you think your going?" Tanong ng kung sinong ponc—si Saffton pala.

Napatigil naman ako sa pag lalakad dahil mukang kailangan ko pang mag paalam.

Well sa kanya ako binilin ni mommy kaya alam kong pag may nangyari sa akin na masama ay s'ya ang mananagot.

Pero di naman ako mapapáhamak dahil ako pa nga ang nag hahanap ng kapahámakan.

I Am Mr. Mayor's Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon