Chapter 11

88 2 0
                                    

CHAPTER 11

ANNALYN POV.

NANG magising ako kanina ay wala na si Saffron. Kakatapos ko lang ngayon maligo at nag hahanda na para bumaba para kumain.

Siguro naman ay nakaluto na s'ya dahil gutom na ako at isa pa ay mukang kanina pa ito nagising. Hindi ako marunong mag luto, nung last time na nagluto ako bigla na lang lumiyab yung kawali. Tumawag pa non si mommy ng fire man dahil baka daw masunog yung bahay.

Dahil pala sa wine na nilagay ko don sa pag kaim, di ko naman alam na nab ca-cause pala iyong ng apoy sa kawali.

Simula no'n hindi na ako pinayaan nila mommy na sa kusina tumamabay, sila Iyah din hindi ako pinapayagan pero tinuruan naman ako nila mag luto ng itlog, yung mga mabibilis lang pritohin.

Hindi rin ako marunong mag saing.

I'm not a wife material kaya good luck sa mapapangasawa ko.

Nang matapos ko ang retwal sa aking katawan at nakapag bihis ay agara na rin akong bumaba dahil kanina pa kumakalam ang aking sikmura.

Nag wawala na ang mga bulate ko sa tiyan.

....

Naabutan ko si Saffon sa kusina habang nag hahayin ng mga plato, mukhang sakto lang ang aking pagbaba.

Naka suot ito ng proper attire, boss na boss ang style ah.

Mukang mapunta ito sa kumpanya n'ya so maiiwana ko dito.

Tsk, walang mga maids so ako muna...mag eenjoy namanako sa pag lilinis dahil walang asungot.

"Buti naman gising kana señorita, c'om let's eat." Saad nito.

Wala bang pa good morning baby jan?

"Good morning too" saad ko pabalik pero may pag mamataray na boses.

Si mommy nga lagi ako binabati kahit tumatakbo na ako palabas ng bahay.

How dare him.

Hindi ko na ito pinansin at umupo na. Ngayon ko lang napansin na nasa lamesa na pala ang pag-kain.

Normal breakfast lang ito.

Tocino, pandesal pero mas bet ko pandesal n'ya, may etlog din syempre ang araw-araw kong ulam sa umaga, may hotdog din na kulay brown if di ako nag kakamali is chicken flavor non at ang kanin ang hinding hindi talaga mawawala sa pinoy pag umaga.

Nang mapabaling ang atensyon ko kay Saffron ay nakita ko dito ang pag ka kunot noo kaya naman tinaasan ko ito ng kilay as always.

"What?" I asked pero mukang nagulat s'ya dito .

Anong nakakagulat? Nag tatanong lang naman ako ah.

Tumikhim muna ito "just eat. Sasama ka sakin sa company." He informed.

Mag rereklamo pa sana ako dahil ma popostponed ang aking pagiging Cinderella mamaya pero naalala ko ang sinabi kaninang madaling araw ni boss.

Tumango na lamang ako at tangkang aabutin ang ulam pero naunahan ako ninSaffron. Akala ko naman ay kukuha s'ya para sa sarili, pero mali ako dahil pumunta s'ya sa aking tabi at nilagyan ako ng ulam.

How géntle man naman.

Sinandukan din ako nito ng kanin pero parang ang dami.

Halos kasi tig dadalawang piraso ang nilagay n'ya sa plato ko, napansin ko rin na iisa lang ang plato at baso.

Di ba s'ya kakain?

"After we eat, aalis na tayo." Bat parang ang cold n'ya saka parang masyadong tipid mag salita plus parang iritaado.

I Am Mr. Mayor's Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon