Chapter 21

144 3 2
                                    

CHAPTER 21:: sense

ANNALYN POV.

It's already morning. Magaan ang aking pakiramdam na bumangon sa higaan ng aking kaibigan na si Iyah, hindi alintana ang mga nangyari kagabi. Alam ko sa aking sarili na hindi ko makakalimutan ang nangyari sakin at para itong bangungot sa aking alaala but I need to be professional.

Simula sa araw na ito ay ipasasantabi ko muna ang mga nalaman ko, kailangan kong gumalaw na parang walang nangyari dahil nag-aaral pa ako.

Tatapusin ko muna ang pag-aaral ko bago idaan sa maayos na proseso ang kasalanan ng ama ni Saffron.

Tama si boss, dapat na hindi ko idamay ang pagiging assassin ko dito. Labas na ang pagiging Assassin ko sa personal na bagay na nangyari.

Ma alas-otso na rin ng umaga kaya dali-dali na akong bumangon para umuwi, baka makaabot pa ako sa ibang subject ko ngayong umaga.

Nag commute na lang ako dahil masyadong pricy ang gas ng motor ng mga kaibigan ko, baka maaga akong mamulubi.

May ngiti akong bumaba sa sinasakyan kong taxi nang makarating ako sa pinakang gate ng villa namin.

"Good morning po ma'am." Pormal na bati sa akin ng isa sa mga nagbabantay.

"Morning po kuyang guard." Masayang bati ko dito.

Ganto ako ka-plastik sa mundo ko.

"Ma'am do we need to call your driver to pick you up?" Tanong nito.

"No need kuya, maglalakad na lang po ako and thank you for your concern po."

"You're always welcome po ma'am."

Matapos ang maliit na usapan na naganap sa pagitan namin ng isa sa mga guwardya ay nagsimula na akong mag lakad dahil medyo malayo rin ang lalakadin ko.

For an estimated time, I think about 20 minutes pa ang lalakadin ko.

Exercise na rin ito para sa akin, saka ginaganahan ako ngayon.

Nakakapagsisi pala na maglakad ako. Pûta ang pagod ko, parang pinagbuhat ako ng samping sakong bigas.

Di ko naman alam na higit pa pala sa bente minutos ang aabutin kung maglalakad ako.

Makalahating oras na akong naglalakad at hanggang ngayon ay dalawang bahay pa lang ang nadadaanan ko, at base sa aking natatandaan ay limang bahay dapat ang dadaanan ko bago makarating sa amin.

Nakakapanghina.

Ang hirap namang maging mapride, nakakapagod..papasundo na lang ako sa driver namin bago pa ako malagutan ng hininga sa gitna ng aking paglalakad.

Di ako nagdalawang isip na tawagan agad ang aking driver para makapagpasundo pero sa kamalasáng nangyayari ngayon ay di sila sumasagot.

Nakatatling tawag na rin ako pero di talaga s'ya sumagot, tinawagan ko rin ang kanyang asawa at iba pang kasambahay pero bigo akong napabuntong hininga dahil walang sumagot.

"TANGÎNAAA." Sigaw ko at napaupo na lamang sa daanan.

Para akong nawalan bigla ng pag-asa.

"Hija? Ayos ka lang ba? Rinig na rinig sa garden namin ang sigaw mo." Tanong ng kung sino kaya naman agad akong napatayo.

Mamula-mula akong napakamot sa aking ulo habang nakarap sa kanila dahil sa kahihiyan.

Mababatûkan talaga ako nito ni mommy pag nalaman n'ya ang pinagpaparagawa ko sa aking buhay.

"Ah, pasensya na po sa abala...wala po kayang sumasagot sa tawag ko para masundo eh pagod na po ako." Pagpapaliwanag ko dito.

Sa natatandaan ko ay ang kaharap ko ngayon ay ang asawa ni mr. Takomoto pero ang babaeng ito ay isang purong pilipina, tanging ang kanyang asawa lamang ang hindi.

Maaamin ko na kahit isa s'yang pilipina ay sadyang napakaganda n'ya, sa mapusyaw na kutis at bilugang mata, hindi rin ganoon katangusan ang kanyang ilong pero ang mga mata naman n'ya ay kulay kayumanggi na bumagay sa kanyang makakapal na pilik mata.

Baka may anak itong lalaki na ka-edaran ko. Baka lang naman.

"Yun lang ba hija? Mayroon kami d'yan na electric-bicycle...kung gusto mo ay hiramin mo muna." Ang kaninang mukha ko na hindi maipinta ay napaliyan ng maaliwalas na mukha dahil sa sinabi nito.

She give me hope. Pwedi kayang umiyak?

"Talaga po? Maraming-maramung salamat po!" Dahil sa excitement na akung naramdaman ay nayakap ko pa ito.

Pero agad ding napabitaw ng maalala ko na pawisang-pawisan pala ako.

Nakakahiya baka mamaya amoy fireworks na ako.

"Sige hija ang ipapalabas ko na lang ang hinihiram mong sasakyan..aakitin pa sana kita sa loob kaso mukhang nagmamadali ka, sana pag nagkaroon ka ng oras ay mapasaan ka muli dito ng makapag-usap naman tayo." Napakahinhin niyang magsalita, para s'yang angel.

Sana lang talaga ay may anak siya na kasing edad ko o kaya mas matanda sa akin o mas bata pa.

I can be sugar mommy naman.

Ay shét na kalandian ko 'to.

"Sige po, wag kayong magalala dahil pag balik ko dito ay sisiguraduhin ko po na magkakaroon tayo ng maraming oras na mag usap mrs. Takomoto."

"Just call me tita Sarra, mrs. Takomoto is too formal for me...sige hija kailangan ko nang umakyat dahil nag papalambing nanaman ang aking anak, don't get me wrong hiya but even my son is already 23 he's my baby and he's mama's boy." Sge said that make me smirk.

May anak s'ya nalalaki and already 23.. I need my friends to give me a background information of that man.

"Sige po, maraming salamat po ulit." Pagpapasalaman kong muli bago ito makapasok sa kanilang bahay.

Wala pang ilang minuto ang lumipas ng makita ko na bumakas ang garahehan nito ng sasakyan at lumabas ang isang lalaki na dala-dala ang electric-bike na satingin ko ay ipapahiram sa akin.

Kahit yung maid nila ay gwapo.

Dámn bakit ngayon ko lang nalaman na napapaligiran pala ako ng gwapo sa villa namin?

"Miss? Stop daydreaming...this is the bike that my Mom pahiram to you." Conyo nitong saad.

Pilit ko mangitago ang saya sa aking katawan ay hindi ko magawa dahil pinagtaksilán na ako ng aking labi na nagyon ay nakangit na sa lalaking kaharap ko.

"Thank you." Ibinigay nito sa akin ang susi at umalis na. Dali-dali pa itong pumasok sa bahay nila.

Mommy daw, so ibig sabihin ay s'ya ang anak na tinutukoy ni tita Sarra.

Gwapo. Kinikilig ako don.

Saglit, kailangan ko munang umuwi para sabihin kay daddy na ipaarrage marriage ako agad-agad.

Biro lang. Hanggang lándi lang muna ako dahil baka mapátay ako ng mga kaibigan ko pag di ako nakapag tapos ng pag-aaral.

Dali-dali ko nang pinaandar ang sasakyan at tinungo ang aming bahay pero may kakaiba akong nararamdaman.

Hindi mapakali ang buong sestema ko na para bang may kung anong gustong sabihin ang katawan ko.

Gumagana nanaman ang senses kk sa katawan. Mukhang mas kailangan kong maging  maingat at the same time is kalmado.

Mukhang may mangyayaring masama, hindi man sakin pero kailangan ko ring dalian dahil baka mga kaibigan ko ang kailangan kong balaan.

Kamálasmálas ko naman kasi, ngayon pa ako na low battery.

END OF THIS CHAPTER

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 20 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Am Mr. Mayor's Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon