CHAPTER 6

78 4 0
                                    

Umuwi si Camille na lutang at iniisip ang mga sinabi ni Justine. Mabagal nitong binabaybay ang eskinita pauwi sa kaniyang tinitirhang apartment. Tanging mga poste ng ilaw nalang ang nagbibigay liwanag sa kaniyang daan. Napahinto siya sa isang bench malapit sa puno at naupo muna. Hindi pa naman malalim ang gabi kaya nagmuni-muni muna siya.

'Ano na bang nangyayari?'

'Does she like me?' this thought made her shivered.


'No, no I think its not it'

'Tama lang ang desisyon kong tumanggi diba? Sinong tao ang wala sa kaniyang katinuan para patulan ang ganon?'

Tumango tango pa siya 'Camille hindi ka mababaw na tao, keep your pride'

Pero sa mga pangyayari mula kagabi at kanina kung tatanongin muli siya ng kaniyang boss at oofferan tungkol dito ay siguradong hindi na siya makakatanggi pa.

"Second chance? Tsh Ang kapal talaga self"

Napagdiskitahan niya ang mga dahong nahuhulog at nilaro laro ito habang pinagpipiraso. Gigil niyang pinagpupunit ito, binabaling ang sama ng loob sa walang kamuwang muwang na dahon.


*POP*


Kinuha niya ang cellphone sa bulsa at nakita ang pangalan na isinet niya sa boss niya.

From: My Devil Incarnate Boss

Don't go to work tomorrow, you'll have to accompany me for a while.


'Again?!' inis siyang nagtipa ng irereply


To: My Devil Incarnate Boss

Okay boss, tell me the location and time.



From: My Devil Incarnate Boss

Be ready at 12PM, and make sure to wait me up in front of you apartment.



Kumabog na naman ang dibdib ni Camille, sa sobrang lakas ata ng tibok ng puso niya ay maari na itong sumali sa banda para maging drummer.

'Hindi kaya?...'

Namula siya sa mga ideyang pumapasok sa isipan. 

'Huwag mo sabihing..?'

Halos hindi niya na makumpleto ang ideya at salita dahil natutuliro na siya para sa darating na bukas. Napatayo na siya at dali daling umuwi. Hindi niya maexplain kung bakit kinikilig siya.

Pag-uwi niya ay tambak na damit kung saan saan nagkalat, parang ahas na nagbalat ang kaniyang mga sinuot. Napasapo nalang siya ng noo at dali daling nilinis ang mga ito. Simple lamang ang kaniyang tirahan at kasya ang isang tao. Oo maliit nga ito pero dahil minimalist siya ay maraming space pa rin ang natitira.

'Tch minimalist sabihin mo wala kang pera para pambili ng mga furnitures'

'Teka ba't ba ako nagmamadaling linisin ito?'


'Kase baka maisipang pumasok ni boss sa bahay mo' sagot ng isipan niya

'Shut up mind' 

𝐈𝐭'𝐬 𝐀𝐧 𝐎𝐫𝐝𝐞𝐫: 𝐌𝐚𝐫𝐫𝐲 𝐌𝐞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon