CHAPTER 10

48 2 0
                                    

"So.... Bakit malungkot ang beshie ko?"

Isang matalim na pagtingin ang ibinigay ni Camille sa kaibigang profesora. This side of Rike is one of the reason why she like her. A once in a blue moon wrong timing humor. Maybe it helps to lessen the thoughts forming like a storm inside of her head.

Mahigit isang linggo na kasi niyang iniiwasan si Justine. Napakamanhid ng boss niya at parang hindi iyon napansin. Bumalik din pala ang malamig nilang samahan na parang walang nangyari, tanging trabaho lang ang namamagitan.

Napa-peace sign naman si Rike sa kaibigan, tinawagan kasi siya nito at sinabing gusto makipagkita. Nasa isang convenience store sila, lunch time na rin kasi at naisipan nalang nila na to grab a bite nearby respective work places at ito lang ang malapit kaya no choice.

Kumakain si Rike ng egg sandwich habang si Camille naman ay asado siopao. Napansin niya rin na medyo down ang kaibigan mula noong magkita sila. She didn't expect her to look like this dahil kadalasan madaldal si Camille.

"May problema ba?" pagseseryoso niya. Narinig niyang bumuntong hininga ang katabi.

Lumingon ito sa gawi niya "I want to quit" diretsahang sabi nito. Napataas kilay tuloy si Rike. Hindi niya inaasahan na ito ang sasabihin ng kaibigan. She knows that her friend is not a quitter not unless may malalang rason kung bakit.

"Care to elaborate?" Pag-uusisa niya pa. Mukha namang may balak ang kaibigan niya na magkwento kaya makikinig nalang siya.

"Siguro pagod lang ako" malungkot na wika nito.

"Pagod dahil?"

"I have this boss, sobra na siya Rike. Kung hindi lang mahirap maghanap ng trabaho na kasing taas niya magpasweldo ay talagang matagal na akong nagresign. Kahit naman noong una kong araw sa kaniya, alam kona mahihirapan ako pero heto pinagtitiisan siya." Camille wanted to cry pero nasa public sila ngayon at may ibang tao rin na kumakain sa convenience store na ito hindi lang sila, on the other hand Rike continued to listen.

"I am very lucky yet I am feeling unlucky. Akalain mo na pumasa ako na secretary niya kahit walang experience sa corporate world? Tsamba lang kasi nagmamadali silang makahanap ng kapalit dahil sa sunod-sunod na pagreresign ng mga secretary niya."

'Yeah I remember I am the 7th secretary' natatandaan niya napangpito na siya sa bilang. Lucky number but unlucky situation.

'Kailangan lang nila ako dahil nagmamadali na silang makahanap ng kapalit' dagdag pa ng kaniyang isipan.

"Hindi importante kung may experience ka o wala. Nagtagal ka diba? Ilang buwan ka na rin sa kumpanya. Meaning to say, you have all it takes to be a secretary. Yung mga nauna hindi ba't may experience sila? Pero they just quit agad unlike you who have the spirit."

Medyo nakapagpagaan ng loob ni Camille ang sinabi ng kaniyang bestfriend. Alam niya rin sa sarili na kumpara sa ibang nagdaan na sekretaya nito ay mas naiintindihan niya ang boss. Mabilis niyang mapick up ang mga gusto ni Justine pagdating sa trabaho at ilang beses na rin iyong sinasabi sa kaniya ni Aoife. Its just that may pagdududa pa rin siya.

"What should I do?" namomoblemang tanong nito.

"Bumalik ka nalang sa pagtuturo, try our university tutal you got all the qualifications naman"

She look at her friend "You know I hate teaching" may experience siya sa pagtuturo pero hindi siya nagtagal dahil hindi siya sineseryoso ng mga estudyante niya and it become her nightmare.

"Mababait naman ang mga estudyante sa MU, tsaka sayang yung PhD mo sa Accounting." Camille rolled her eyes.

Pero may ibang option pa ba siya? Wala kaya naman pinag-iisipan niya ang suggestion ng kaibigan.

𝐈𝐭'𝐬 𝐀𝐧 𝐎𝐫𝐝𝐞𝐫: 𝐌𝐚𝐫𝐫𝐲 𝐌𝐞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon