CHAPTER 3

97 4 0
                                    

It was a busy day for everybody who was working in this company. Malapit na kasi ang pagrerelease ng official branch nito na JApparel, busy sila sa pag-aayos ng grand opening at sino ang mga magmomodel nito. All for those who were assigned in brand endorsement and marketing. Kaya naman sukdulan ngayon ng init ng ulo ang kanilang boss. Kakatapos lang magreport ni Camille tungkol sa permits na naobtain nila this week and pati  na rin sa network partnerships.

"Is there anything else you wish for me to do?" asked Camille.

"No, unless you want more work?" Nakasanayan nalang ni Camille na ganito talaga ang ugali ng kanilang boss. Hindi man siya nito tignan ay wala na siyang pakialam, mas mabuti nga na wala itong ipapagawa sa kaniya para naman makapagpahinga siya kahit papaano.

'Dapat talaga hindi nalang ako nagsalita tutal she doesn't like unnecessary things'

"Ms. Bellucci" tawag pansin nito kahit na ang atensyon ay nasa ginagawa pa rin

"Ano po yun ma'am?" 

"Are you interested in marriage?" 

"Ay oo naman po..." 

Tsaka lang ito natauhan sa tanong kaya mabilis na sumagot ulit

"HA? PAKI ULIT?!" gulantang sigaw na tanong niya rito

"M-marriage? As in kasal po ba?" hindi naman sa sobrang OA hindi niya lang naman inakala na magtatanong ito nang ganon sa kaniya. Ano ba naman dapat ang iexpect niya? Mas random pa ito sa mga lumalabas na numero sa lotto.

Parang biglang nagflashback ang buhay niya

'Noong bata ako may kwento si mama na lagi kong natatandaan. Mayroong isang tao na mahilig manalig sa diyos, ipinagpapasa diyos niya ang kahihinatnan ng kaniyang buhay. Maraming oportunidad at solusyon na dumating o dumaan sa kaniyang buhay pero lagi niyang sinasabi na tanging panginoon lamang ang makakapagligtas sa kaniya sa lahat ng ito, kali kaliwang sitwasyon at tao ang nangyari pero ni isa ay hindi man lang niya sinunggaban. Kaya on his deathbed tinanong niya ang diyos kung bakit hindi ito dumating at noong mamatay ito at nameet si god sinabi nito na marami siyang ibinigay na oportunidad para sa lalaki pero siya lang din naman ang hindi tumanggap nito.......  Ngayon ko lang naintindihan ang ibig sabihin ng kwentong ito'

Ang ibig niyang sabihin ay hindi naman siya malalagay sa ganitong sitwasyon kung ibang landas ang pinili niya noon. Kunot noo niya itong tiningnan.

"You heard me, Ms. Bellucci M-A-R-R-I-A-G-E" abay inispell pa nga sa kaniya ng harap harapan.

"Opo" sagot ni Camille, ngayon lang niya napagtanto na ang tauhan sa kwentong iyon ay parang siya.

"Ms. Bellucci, how old are you again?" 

 "27 years old Ma'am" 

 "In relationship?" 

 "N-no"

 "Awesome, how about you marry me?" 

 "W-what?!"

 "And btw that wasn't a question. It's an order"

Nawiwindang siya sa mga nangyayari dahil mabilisan, mas mabilis pa sa fast talk ni boy abunda. Hindi niya alam kung anong nakain ng kaniyang boss baka naman nagbibiro ulit ito tulad ng ginawa noong nakaraan.

'Hayst I can't take this anymore, what's worse in this place was my boss, sumosobra na siya'

Hindi kaagad siya makasagot sa tanong ng kaniyang boss.

𝐈𝐭'𝐬 𝐀𝐧 𝐎𝐫𝐝𝐞𝐫: 𝐌𝐚𝐫𝐫𝐲 𝐌𝐞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon