"KUMUSTA ang pagtira mo sa bahay nila?" bulong ni Aoife kay Camille na abala sa pageencode ng mga report.
Pagod niya itong tiningnan, parang nagkaroon ng vietnam war flashback sa utak niya at niyakap ang sarili "Hindi ko alam kung hanggang kailan nalang ako mabubuhay... Para akong umaattend ng conference"
Aoife tapped her back showing her support, naiintindihan niya kung anong pinagdadaanan ni Camille dahil minsan na rin niyang nakasama sa conference si Justine sa ibang bansa at nasa iisang room lang sila non.
"So sabay ba kayong pumasok?" tumango ito
"At sabay din na uuwi sa bahay niya?" tumango ulit ito na parang maamong aso
"Ako ang ginawa niyang driver haha hindi ko alam na tatlo na pala ang trabaho ko ngayon... parang gusto kong uminom at magpakalango, baka isang panaginip lang ito" napailing si Aoife
"Makakaya mo rin lahat ng ito Camille, promise if you get to know her even more you'll discover a different side of Justine." pang-aalo nito bago pumasok sa opisina ng kaniyang boss para maghatid ng mga gagawin.
Lunch time na at nakatulalang mag-isa sa table si Camille, malayo ang iniisip nito.
"Okay lang ba siya?" bulong ni Claire kay Sam
Kakadating lang ng mga ito kasama si Louise, Alex at Mash na umupo rin kasama sa table ni Camille na hindi pa rin sila nito napapansin.
"Ang ateret mo nakatingin sa far away baka nagdaday dream" natatawang sabi ni Sam
"Camille?" concern na pagtawag ni Louise pero hindi pa rin nakakabalik ang diwa nito,
"Baka dinedeadma tayo" Claire
"Camille? Are you okay?" this time tinapik na ni Louise ang balikat nito dahilan para biglang magulat.
"Ah?! Louise? Anong... anong ginagawa niyo rito?" nagtatakang tanong nito
Tumaas ang kilay ni Alex at mataray na sinabing "Obviously we are here to eat and there's no available table anymore kaya dito kami umupo"
"Oh okay"
"May problema ka ba Camille? Mukhang marami kang iniisip?" pagtatanong ni Mash
Gusto mang magkwento ni Camille tungkol sa sitwasyon niya ay hindi pwede dahil sa kontrata at tanging si Aoife na kaibigan ng boss niya lang ang tanging nakakaalam sa kalagayan nilang dalawa.
Umiling lang siya at ngumiti "Namiss ko lang ang pamilya ko sa probinsya"
"Ganun ba? Bakit hindi ka magleave para mabisita mo rin sila?" Mash
"Naku huwag na, tuwing birthday, pasko at bagong taon naman ay umuuwi ako. Sayang ang pamasahe dahil medyo malayo rin ito"
Kahit minsan ay sobrang lala ng pagkahome sick ni Camille ay hindi niya magawang umuwi dahil dati hindi niya afford ang gumastos ng pamasahe para umuwi dahil sa binabayarang apartment at iba pang gastusin. At kung hindi talaga siya makakauwi ay nagpapadala nalang siya ng pera panghanda ng mga ito.
Buti nalamang at noong niregaluhan niya ang kapatid ng cellphone ay nagagawa na nilang magvideo call kaya nabawasan din ang pagkamiss niya.
"Gusto mong iinom nalang natin yan afterwork? Bawas stress din tas hanap na rin tayo ng love life" biglang suggest ni Sam
"Kung isumbong kaya kita sa girlfriend mo?" pagbabanta ni Louise na ikinatawa ni Claire ng malakas.
"Anyare sayo?" nalilitong tanong ni Mash dahil sa biglaang tawa nito.
BINABASA MO ANG
𝐈𝐭'𝐬 𝐀𝐧 𝐎𝐫𝐝𝐞𝐫: 𝐌𝐚𝐫𝐫𝐲 𝐌𝐞
Romance𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞 𝐑𝐨𝐦𝐚𝐧𝐜𝐞 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬#𝟏(𝐉𝐮𝐬𝐭𝐢𝐧𝐞 𝐁𝐫𝐢𝐬𝐞𝐢𝐬 𝐀𝐥𝐨𝐮𝐞𝐭𝐭𝐞 𝐚𝐧𝐝 𝐂𝐚𝐦𝐢𝐥𝐥𝐞 𝐇𝐞𝐬𝐩𝐞𝐫𝐢𝐚 𝐁𝐞𝐥𝐥𝐮𝐜𝐜𝐢) "𝐌𝐬. 𝐁𝐞𝐥𝐥𝐮𝐜𝐜𝐢, 𝐡𝐨𝐰 𝐨𝐥𝐝 𝐚𝐫𝐞 𝐲𝐨𝐮 𝐚𝐠𝐚𝐢𝐧?" "𝟐𝟕 𝐲𝐞𝐚𝐫𝐬 𝐨𝐥𝐝 𝐌𝐚'𝐚𝐦" ...