NAGDAAN ang mga araw na paulit ulit ang gawi sa buhay ni Camille. Kasalukuyan silang nasa hapagkainan, tahimik at tanging tunog lang ng kubyertos ang maririnig. Nasa out of town business ang mama ni Justine kaya wala ring magtatanong ng kung ano ano.
Ang mga pinggan nila ay pinuno ng masasarap na pagkain, ngunit tila walang gana ang dalawang taong nasa magkabilang dulo ng mesa. Si Camille ay tahimik na kumakain, pinipilit iwasan ang mga mata ni Justine na nakatingin sa kaniya. Hindi nagtagal, si Justine ang bumasag ng katahimikan.
"Camille, is there any inconvenience with you staying at my house? You can tell me if there is, it's in our contract" tanong ni Justine habang patuloy na tinititigan ang kaniyang sekretarya. Mag-iisang buwan na rin kasi itong nakatira sa kaniya at ngayon niya lang naitanong.
Napatigil si Camille sa pagkain at nagtaas ng tingin. Wala naman siyang mairereklamo dahil sobrang perpekto ng bahay ni Justine. Malinis, maluwag, at lahat ng kailangan niya ay naroon. "Wala naman po, ma'am. Ayos naman lahat" sagot niya, pilit na ngumingiti.
Napatango si Justine, ngunit halata sa kaniyang mga mata na may iniisip siya. Mula noong huling bisita nila sa site ng concept photoshoot ni Lorelei, napansin niya ang pagiging out of sync ni Camille. Hindi ito nakakapagtago ng kaniyang damdamin, lalo na kapag mayroong nakakapansin sa kaniyang iniisip.
"Is there anything you didn't like during the shoot?" tanong muli ni Justine, masusing inoobserbahan ang reaksyon ni Camille.
Namula si Camille at mabilis na umiling. "Ah, wala po, ma'am. Ang galing nga po ni Miss Lorelei, very professional siya" sagot niya, pilit na ipinapakita ang kanyang admiration kay Lorelei, kahit pa sa kaloob-looban niya ay may nararamdamang selos.
'Mas maganda pa rin ako sa kaniya'
Inangat ni Justine ang kaniyang kilay, tila hindi kumbinsido. "You have low beauty standards if you think that highly of her" sabi niya na may halong sarkasmo sa kaniyang tinig.
'Luh? Ikaw itong kumuha sa kaniya bilang model ng brand niyo, tsaka isa iyong international model. Gaano ba kataas ang standard nito?'
Napatigil si Camille sa pagkain, ramdam ang bigat ng sinabi ni Justine. Sa kaloob-looban niya, alam niyang ang pinagmumulan ng kaniyang selos ay hindi dahil sa propesyonalismo ni Lorelei, kundi sa atensyon na ibinibigay ni Justine dito noong nakaraan tsaka hindi man lang ito naasiwa sa ginawang pangfliflirt sa kaniya.
Tahimik na nagpatuloy si Camille sa pagkain, ngunit ang kanyang isipan ay puno ng mga tanong at emosyon. Bakit ba siya nagseselos kay Lorelei? Alam naman niya ang kanilang sitwasyon ni Justine, ngunit bakit parang may kurot sa kaniyang puso tuwing nakikita niya itong kasama si Lorelei? Nakaramdam siya ng pagkabigo sa kanyang sarili dahil hindi niya matanggap ang nararamdaman niya.
Although halata namang napakadense nitong boss niya at parang pinalibutan ng matataas na pader, matalas naman ang mga mata nito kapag may nakikitang pag-iiba sa kapaligiran niya.
'Did she just ask because its necessary?'
'Not out of concern?'
Naunang natapos kumain si Justine at tumayo mula sa mesa. "I'm going to my study to finish some work. Feel free to rest early" sabi niya bago tumalikod at iniwan si Camille na nag-iisa.
"Okay po, goodluck"
'Napaka workaholic talaga kahit kailan'
Naiwang mag-isa si Camille sa hapagkainan, nag-iisip kung paano haharapin ang mga damdaming pilit niyang itinatago.

BINABASA MO ANG
𝐈𝐭'𝐬 𝐀𝐧 𝐎𝐫𝐝𝐞𝐫: 𝐌𝐚𝐫𝐫𝐲 𝐌𝐞
Romance𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞 𝐑𝐨𝐦𝐚𝐧𝐜𝐞 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 #𝟏: 𝐈𝐭'𝐬 𝐀𝐧 𝐎𝐫𝐝𝐞𝐫: 𝐌𝐚𝐫𝐫𝐲 𝐌𝐞 Justine Briseis Alouette, a straight forward CEO known for her no-nonsense attitude, is always in control-of her business principle, her life, and her emotions. B...