Ilang mga araw na din ang lumipas. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na siyang pumunta sa bahay ko. Walang araw na hindi siya pumupunta sa bahay ko maliban nalang kung busy talaga siya. Simula nung naging kaibigan na kami ay hindi na talaga tahimik ang bahay ko. Hindi ko rin naman siya mapaalis. Magmumukha pa akong masama tsaka masaya rin naman kasi siyang kasama.
Abala ako sa pag-dedesign nang bigla na lamang may pumasok sa kwarto ko. Gulat akong lumingon sa pinto at nalamang si Sander lang pala.
"Hindi ka ba marunong kumatok?" Irita kong tanong sa kanya. He stared at me for a second. He pressed his thin lips together then showed his smile.
"Oh, I'm sorry." He chuckled. Tiningnan ko lamang siya habang naglalakad papasok. Dumiretso siya sa kama at komportableng humiga. Hindi ko na lang din siya binigyan ng atensyon at nagpatuloy na lamang sa ginagawa ko.
"What are you doing?" Biglang tanong niya.
"Obviously, designing. Can't you see?" Sarkastiko kong sagot sabay turo sa laptop. May bago na naman kasing costumer. Actually, hindi pa talaga ngayon 'yung deadline pero gusto ko na talagang tapusin 'to para wala na akong gagawin.
"You're not free?" Narinig ko na mang tanong niya.
"Syempre hindi-teka bakit ang dami mong tanong?" Lumingon ako sa kanya, pero nakangiti parin siya. Seriously, hindi ba siya tinatablan ng galit ko? I looked at his face again and his smile was somehow odd, it looks like he's planning something.
"Wanna go to beach?" Biglaang imbita niya.
Napatigil ako saglit. "Beach?" Balik ko sa kanya.
"Hmm, we can spend either two or three days." He replied. Ano na naman 'tong naiisip niya. Kahit ano-ano nalang talaga 'yung pumapasok sa utak niya these days.
Agad kong ibinalik 'ang atensyon ko sa laptop. "Busy ako, dalhin mo nalang kaya 'yung iba mong kaibigan. I mean you have many friends right?" Tanong ko sa kanya. "Hindi lang ako 'yung kaibigan mo Sander." I clarified. I mean, as far as I remember marami naman talaga sila.
"Oh. Your right. Pero mas gusto kitang kasama." He replied. Saglit akong na tahimik. "Then let's make it 2 days. We'll just spend one night. Do you agree?" Pagpupumilit niya.
Napabuntong hininga na lamang ako. Ano nga bang magagawa ako. "Okay, oo na." I surrendered. Bakit palagi nalang talaga siya ang nanalo. Kung sa bagay, palagi rin naman kasi akong nagpapatalo.
"Good." He shortly replied but I can clearly see the happiness in his eyes. Ganun ba talaga ka gusto niyang pumunta ako?
"I'll ready my things now. Ready yourself too." Giit niya habang binubuksan ang pinto ng kwarto ko.
I looked at him confusingly. "Ngayon na tayo pupunta?" Hindi makapaniwala na tanong ko. Kakatanong lang niya, kung plano niyang pumunta ngayon, dapat kahapon nagsabi na siya.
"Yes, why?" He casually replied.
I closed my eyes again in frustration. Sana hindi nalang talaga ako pumayag. Tinatamad pa naman ako ngayon.
"I'll go now, see you later." Pagpapaalam niya at tuluyan na siyang lumabas sa kwarto ko.
Okay. Wala na talaga akong magagawa kundi ang maghanda para matapos na'to. We'll just spend one night anyway.
Sinara ko na lang 'yung laptop para makapag simula na ako. Kumuha ako ng kaunting damit sa cabinet at kinuha ko narin 'yung hygiene kit. Okay na siguro 'to. Matapos kong maipasok sa bag lahat ng mga kakailanganin ko, pumunta na ako sa sala. I sat on the couch waiting. Ilang minuto pa ang lumipas. While I was waiting, my phone suddenly rang kaya agad ko itong kinuha.
BINABASA MO ANG
Intertwist (Boy's Love)
RomanceWe love to live and we love to be happy but if this love is unrequited, will love still continue to reign? Gray Marson lived his life alone however, he can still say that even if he's alone, he's not lonely. Kontento na siya sa buhay niya. Even thou...