chapter three

356 21 69
                                    

━━━━━━━━━━

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

━━━━━━━━━━

CHAPTER THREE

That's a lie, I do not miss him at all. Kahit ano pa ang mangyari, hinding-hindi ko mami-miss 'yang lalaki na 'yan. Kahit pa kaming dalawa na lang matira sa mundo, hinding-hindi mangyayari 'yon.

But I can feel my heartbeat. It's so loud. I can't stop it, nabibingi ako. Tila ba ang tibok na lang ng puso ko ang naririnig ko.

I hate feeling like this. It's like ayaw ng utak ko pero gustong-gusto ng puso ko. They're both clashing with each other. Sinasabi ng utak ko na dapat ko nang layuan si AK because of what he did before pero nagwawala naman ang puso ko tuwing nakikita s'ya.

My heart yearns for him but my brain says that I should hate him.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman.

Ano 'to, tao laban sa sarili?

Isa lang ang masisi ko dito at si AK 'yon.

Tangina niya. Fuck him for going back into my life.

Did I ask for this? No!

Mas maganda pa nga kung mawala na s'yang tuluyan sa buhay ko. I'm in the process of forgetting him tapos ngayon, he will just randomly show up in front of me. Now, I can't even walk around the campus without the fear of bumping into him.

Ngayon alam ko na malas lang talaga ako. Salamat talaga, Lord...

"Uy, ikaw pala 'yan, AK..." mahina kong sambit. "Long time no see."

Bakit ba kasi nagpapakita pa 'to sa 'kin? D'at kasi sa UST na lang 'to nag-aral e. Bakit ba nandito pa 'yan!? Kainis.

"Anong size 'tong file, ine?" Napatingin naman ako kay ate.

"Short lang po," Tumango na lang sa 'kin si ate.

"Kamusta ka na, Frans?" tanong niya sa 'kin.

'Wag mo na akong kausapin, please! Saka 'wag n'ya nga bangitin pangalan ko!

"Guds lang naman. Eto, buhay pa din..."

"Ah, buti naman..." mahinang sabi ni AK pero narinig ko pa rin.

Hindi ko na siya kinausap no'n at tinuon ko na lang ang pansin ko sa phone ko. Kung anu-ano na lang ginawa ko para magmukhang busy ako o may ka-chat.

Gising na kaya si Tori do'n?

Nagu-guilty tuloy ako na iniwanan ko siyang mag-isa do'n. In my defense, 'di ko naman ine-expect na mapupunta ako dito. Kung bukas lang pa-printan sa CSSP, edi sana tapos na ako dito!

Binuksan ko ang Messenger app ko para mai-chat ko si Tori na nasa may COE building ako. So if ever na gising na siya, 'di na niya ako hahanapin pa kung saang sulok ng campus. Hindi naman siya nagre-reply or seen man lang kaya I assume na nakadukdok pa rin 'yon at natutulog nang mahimbing.

Colliding StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon