chapter twelve

186 5 26
                                    

━━━━━━━━━━

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

━━━━━━━━━━

CHAPTER TWELVE

December of Grade 10...

It was a chilly afternoon, hindi katulad noong nakaraang buwan na napaka-init. Ngayon naman, grabe ang lamig. Sobra ang lamig ngayong buwan to the point na nagkaroon na ako ng lagnat.

I was always like this. Ever since I was a child, lagi na lang ako nagkakaroon ng sakit tuwing December, dahil na rin siguro sa pabago-bago ng panahon. Nabigla ang katawan ko.

It's like a seasonal thing for me, buong taon hindi ako nagkakasakit pero pagdating ng mga Ber months, doon ako madalas magkasakit. Ubo, sipon, minsan lagnat.

Kaya nakahiga lang ako sa kama ko, with a box of tissue beside me para kapag sisinga ako ng sipon. Malala rin ang sipon ko to the point na barang-bara na talaga ang ilong ko. Nakalagay din ang laptop ko sa gilid ko dahil nanunood ako ng The Lords of the Rings na ni-recommend sa akin ni AK.

Balot ako na balot ng kumot ko pero kahit na ganoon, nakabukas pa rin ang mga bintana at electric fan ko... naka-one nga lang.

I shouldn't probably watch movies dahil baka mabinat ako pero nakakabored, halos alas-nueve na rin ako nagising kaninang umaga, kaya hindi ako makatulog.

Dagdag pa ang walang tao sa 'min. Ang tatay ko na nagbabantay ng tindahan namin ay umalis. Ang nanay ko naman ay pumasok sa trabaho niya sa munisipyo ng bayan ng Sta. Maria. Si Frankie naman, ang kapatid ko ay pumasok sa eskwela.

Ako lang ang mag-isa dito sa bahay, tapos wala pa akong magawa kaya nagbalak na lang akong manood ng kung anong movie. Besides ito na rin ang perfect time para matapos ko ang movie recommendations ni AK. Madami na rin akong napanood na movie recs ni AK, pero araw-araw, nadadagdagan 'yun dahil recommend nang recommend siya.

It makes me happy when people are so passionate about something, kahit ano pang bagay 'yan. It's so cute, parang nakakatuwa lang na makita mo ang isang tao na super enthusiastic about something they like.

Because I somehow see myself in them. The passion, the eagerness, the enthusiasm. I hope those people never lose their light. Sana 'yung mga taong gano'n, hindi mawala ang love nila sa mga bagay na nagpapasaya sa kanila because it would be heartbreaking.

To think that you used to love something, that made you happy but then the sparks weren't there anymore. Parang ang sakit lang isipin kasi minsang nagpapasaya sa'yo pero ngayon, wala na. Ang hirap siguro nang ganoon.

I hope I never find myself in that situation.

I can never lose the spark I have for journalism-photojourn, specifically. Parang hindi ko kakayanin. It would break my heart. Parang kapag nangyari 'yun, hindi ko alam ang gagawin ko because photojournalism is my everything.

Colliding StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon