━━━━━━━━━━
CHAPTER EIGHT
I saw AK running after the child.
Nakita ko na tumatakbo sila palabas ng Mini Forest, papunta sa harap ng Capitol Gym. Nagulat din ako nang biglang sumunod si Hiro sa kanila. Iniwan niya ang styrofoam na cooler niyang dala.
Napakamot ako sa ulo ko. What the fuck is actually happening?! I can't believe na nasalisihan ako ng isang bata.
Kailangan kong makuha ang bag ko! Nandoon lahat ng gamit ko.
Napakamalas ko nga naman! I ran my hand through my hair in frustration. This is all so fucking crazy. I can't believe this is happening to me.
Pagtitinginan sila ng tao. May mga tindero at tindera rin na sinisigawan ang batang nagnakaw ng bag ko pero hindi sila pinapansin ng bata, tuloy lang ito sa pagtakbo. May mga dumadaan din na sinubukang pigilan ang bata pero naiilagan sila ng bata.
Kinuha ko muna ang dala-dalang cooler ni Hiro at sinundan ko silang tatlo. I ran after them. Buti na lang at naka-PE uniform ako at makakagalaw ako nang ayos kasi kung naka-daily uniform ako, hindi ako makakatakbo.
Nakalabas na ako ng Mini Forest at tumigil ako sa may harap ng Bulacan Capitol Gym. Hindi ko na alam kung saan sila napunta. Lumingon ako sa kanan at kaliwa pero wala, hindi ko na sila naabutan. Hindi ko sila makita.
Napakamot ako ng ulo ko. Tangina.
Lumingon-lingon ako sa paligid. May nakita akong nagtitinda ng ice cream sa gilid. Hoping that he saw Hiro and AK running after the kid, I approached the ice cream vendor. "Kuya, may nakita po kayong tiga-BulSU na may hinahabol na bata?" tanong ko sa kanya.
"Ay, oo! Dumiresto sila sa may Provincial Court." my face lit up when I heard his answer. I thanked him and I turned right.
Habang naglalakad ako, matinding kaba ang nararamdaman ko. Bakit kailangan na bag ko pa ang makuha. Ang dami pa namang importanteng gamit doon.
Nandoon wallet ko, lagot ako kapag nawala wallet ko. Wala na akong pera for the whole month. Nasa loob pa man din ng wallet ko mga card at ID ko. Nandoon din sa loob ang cellphone. Malilintikan ako sa mama at papa ko kapag hindi nabalik sa akin 'yun. Nandoon din mga schoolworks ko. Nandoon din ang hiniram kong powerbank kay Alex.
Jusko, ganito ba talaga ako kamalas?!
Bakit naman kasi bag ko pa 'yung nakuha?! Ang bobo ko rin kasi. Masyado kasing na-distract kay AK. Ang dami kasing pagiinarte. Kung wala si AK, edi hindi ako nanakawan. Bakit naman kasi maggigitara sa Mini Forest?! Ano 'yan?! May hinaharana s'ya? Uy, 'di na uso 'yun!
Sana talaga mahabol nina Hiro ang batang 'yun.
Habang hinahanap ko sila sa may harap ng Provincial Court, nauubos ko na yata ang kuko ko dahil sa kakakagat ko rito. So imagine the relief I felt when I saw the three of them in front of the statue of Jose Rizal, Marcelo del Pilar, and Mariano Ponce.
BINABASA MO ANG
Colliding Stars
Novela JuvenilIn which Francine Maya Rivera from Journalism once again crossed path with Archer Kaden Ladera from Engineering - a guy from her past. Through a mutual friend, she found out that they both attend to the same university and unfortunately for her, she...