chapter eleven

289 7 17
                                    

━━━━━━━━━━

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

━━━━━━━━━━

CHAPTER ELEVEN

August of Grade 10...

Tirik na tirik ang araw pero kahit na ganoon ay dumiresto pa rin kaming dalawa ng kaklase ko na si Kate papunta sa isang bookshop na malapit sa school namin.

Malas rin kaming dalawa dahil pareho kaming walang dala na payong. Nararamdaman ko na tumutulo ang pawis ko sa noo ko. Kinuha ko ang panyo ko mula sa bulsa ng uniform ko at ginamit iyon para ipamunas sa mukha ko.

Tangina, August na pero parang pang-April ang init, ah. Tapos in the next few weeks puro ulan naman? Tanginang climate change 'yan.

Kung hindi lang naman kailangan na bumili ng mga cartolina at cellophane para sa mga props namin na gagamitin sa Sabayang Pagbigkas na gaganapin sa isang araw, baka nasa bahay na ako, nakatapat sa electric fan at nakikipag-away sa kapatid ko na si Frankie. Pero dahil medyo rushed na rin ang paggawa ng props, gipit na gipit na rin kaming design committee.

Pero kailangan e... culminating ba naman, as a celebration for Buwan ng Wika. It's an inter-class competition. Competitive klase namin, syempre, hindi kami magpapatalo diyan.

Niyaya ako ng president namin na si Adelyn na sumama daw ako sa mga performers pero ayoko nga! Hindi naman ako magaling tumula or mag-perform. Besides, kailangan ko rin mag-cover ng event na 'yon para sa school publication namin kaya eto ako, tiga-gawa ng props. Mas okay na 'to!

I mean, choice ko naman 'to kesa naman maging freeloader ako sa section namin. Nakakahiya naman kapag ganoon.

"Ano daw bibilhin natin?" tanong sa akin ni Kate na kasama ko ring gumawa ng props.

"Isang blue cartolina, tatlong yellow cellophane, scotch tape tapos double sided," Binasa ko sa kanya lang listahang nakalagay sa cellphone ko. "Sakto ba pera natin?" dagdag ko pa.

Napa-kibit balikat siya at nilabas ang perang binigay sa amin ng treasurer namin na si Riley. Pinakita niya sa akin ang one hundred bill at isang bente. Napakamot ako sa ulo at napatanong sa sarili, kasya ba 'to?

"Ano, bahala na... kapag kulang ako na lang magpaluwal." sagot ko.

Pagpasok namin sa bookshop, naghiwalay kaming dalawa para madali naming mahanap yung mga kailangan naming bilhin.

Kinuha namin ang mga materials para sa props namin at binayaran agad ito. Buti na lang nagkasya ang pera na binigay sa amin, meron pang sukling tres. Hindi ako magpapaluwal, thank God!

Pagkatapos noon ay bumalik na kami sa school namin. Kinuha namin ang ID namin sa guard kasi iniwanan namin iyon noong lumabas kami. Pumunta agad kami sa classroom namin.

Dala-dala ni Kate ang mga pinamili naming materials at binigay niya ito sa leader ng design committee na si Avery. Binigay ko naman ang sukli kay Riley.

Colliding StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon