Kabanata 1

107 5 1
                                    

Isang araw tahimik ang buong klase naka focus ang lahat ng mag aaral sa pag kopya sa sinusulat ng guro sa pisara.

Istrikta Kasi ang guro lahat ay takot na mapagalitan, nambabato ang guro ng eraser at chalk sa sino mang marinig niyang mag ingay.



Samantala ang Isang estudyante na naka upo sa dulong bahagi ng classroom ay mahimbing na natutulog, hindi iyon napansin ng guro dahil sa pisara ito nakaharap at abala sa pag susulat doon.



Nang bigla na lamang nagsigawan ang mga estudyanteng naka upo sa dulong bahagi ng classroom. Galit na galit na humarap ang guro.


Pero laking gulat niya ng makita ang Isang estudyanteng natutulog duguan ang katawan nito tumutulo pa sa bibig ang dugo at sa bandang tiyan nito ay butas.


Nagtalsikan ang mga dugo sa katabi at kalapit nitong estudyante, walang tigil sa pagsigaw ang takot na takot na mga estudyante.


Maski ang guro ay nanginig sa sindak at nanlaki ang mga mata nito hindi siya makagalaw at makapag salita. At nagtakbuhan naman ang mga estudyante palabas ng classroom na takot na takot at nagsisigawan.


Nang araw na iyon ay suspendido ang klase. Nagdatingan ang mga pulis upang imbestigahan ang pangyayare, si Yana naman ay tulala pero pinilit na magpakatatag dahil siya ang katabi ng namatay na estudyante at kailangan niyang ipaliwanag ang nangyari.



Ayun kay yana tahimik ang buong klase habang nagsusulat sila ng bigla na lamang daw habang natutulog ang kamag aral nilang si Fern ay nagkaroon ng malaking sugat sa tiyan at nabutas ito dahilan para tumalsik ang mga dugo sa Kanila na mga kaklase niya.


Hindi raw niya maintindihan kung bakit iyon nangyare dahil wala namang pinatay kay fern, ayon din ang sabi ng mga kaklase nito bigla nalang itong nagind duguan na naging sanhi ng pagkamatay nito.


Nabalot ng takot at kilabot ang mga estudyante marami ang hindi na pumasok kahit ilang linggo na ang nakalipas sa takot na baka mangyare din sa kanila ang sinapit ni Fern.



Samantala si Yana ay nagkaroon naman ng ideya. Mahilig Kasi si yana sa mga horror movies at Parang napanood na niya ang ganoong pangyayare sa Isang horror movie na kung saan pinapatay ang mga biktima sa kanilang panaginip. Sa tingin niya ay ganoon ang nangyare kay Fern.




Isang araw habang kumakain sila ng mga kaklase niya sa canteen ay nabanggit niya ang kanyang ideya at konklusyon sa pagkamatay ni Fern.





"Yung Parang sa palabas na Nightmare? Diba freddy krueger yung pumapatay doon? Ang ibig mo bang Sabihin ay totoo si freddy krueger?"

Kinikalabutang tanong ni Lexa kay Yana.

"Hindi ko alam kung si freddy krueger ang murderer, pero wala akong ibang nakikitang ibang dahilan ng pagkamatay ni Fern, kundi ang katotohanang merong pumatay sa kanya sa panaginip Niya."

Natatakot na sabi ni Yana


Ramdam niya ang kaba sa puso niya, dahil hindi mawala sa isip niya na baka magsunod sunod ang pagpatay katulad ng sa nightmare na horror movie.


"Kung totoo nga yang konklusyon mo Yana, ibig lang Sabihin. Hindi pa nagtatapos kay Fern ang pagpaslang"

seryosong sabi ni Aldrin.



"Ano ba kayo, wag naman kayong manakot ng ganyan sinasabi niyo ba na meron pang susunod kay fern? My gosh nakakatakot. Wag na nga nating pag usapan."

Takot na takot at kilabot na sabi ng bakla nilang kaklase na si Henry.




"Hoy henry bakla, hindi sila nananakot, pinag uusapan lang nila ang posibilidad. Mabuti na rin at sinabi mo Samin ang ideya mo Yana, ng sa ganon makaisip tayo ng paraan kung paano to masusulusyonan sakaling totoo man"

Matapang at buo ang loob na sabi ni William.



"Bahala nga kayo diyan, tinatakot niyo lang ang mga sarili niyo. Balik na ko sa room Nawalan na ako ng ganang kumain"

inis na sabi ni Sandra. Atsaka umalis na ito.



Nang matapos ang klase ng araw na iyon ay umuwi na si Yana. Sa takot ni yana na baka may pumaslang din sa kanya sa panaginip niya ay every 10 minutes nag a alarm ang phone niya sinet niya iyon ng ganoon.

Lumipas pa ang Isang linggo naging maayos naman ang lahat, wala ng insidenteng nangyare ng katulad kay Fern. At parang unti unti ng nakaka move on ang mga estudyante humupa na rin ang mga usap usapan tungkol dito.

"Mukhang sablay ka friend sa konklusyon mo"

ang sabi ni Lexa habang naglalakad sila ni Yana sa oval field.


"Oo mukhang mali nga ako mabuti naman at nagkamali lang ako, hayssss sa wakas tapos na rin ang pag aalala ko, alam mo bang tuwing matutulog ako every ten minutes nag aalarm ang phone ko sa sobrang takot ko"

pag kukwento ni Yana.



"Haha talaga? Kunsabagay nakaka trauma naman talaga ang nangyare pero wag ka ng mag alala. Kasi hindi na yun mauulit"

nakangiting sabi naman ni Lexa. At sumang ayon naman si Yana.



Kinabukasan, masayang gumising si Yana. Masarap ang tulog niya dahil napanatag na ang loob niya itinigil na niya ang pag a alarm every 10 minutes, kaya naman magtuloy tuloy na ang tulog niya.

Agad siyang nag asikaso ng sarili upang pumasok na sa skwela saka bumaba na siya sa kwarto niya.
Naabutan naman niya sa kusina ang magulang niya at nakababatang kapatid na si Samuel, nag aalmusal na ang mga ito. Lumapit naman siya at kumain na rin.



"Hay nako nakakakilabot naman ang balita kanina"

Ang sabi ng nanay ni Yana habang kinukuskos nito ang mga braso niya ng mga palad Niya dahil nanindig ang mga balahibo niya dahil sa kilabot na nararamdaman. Nagulat Naman si yana dahil wala siyang alam sa tinutukoy nito.



"B-bakit ma? Ano pong balita ang sinasabi niyo?"

Kinakabahang tanong ni Yana.

"Kanina, namalengke kami ng mama mo ba- balita sa lugar na Isang mag aaral diyan sa highschool ang namatay sa hindi malamang dahilan, nakita na lang ng pamilya niya noong gigisingin na sana ito para pumasok sa skwela ay wala na raw itong buhay. At nagkalat ang dugo nito sa buong katawan at sa higaan nito."

Ang tatay na ni Yana ang nag kwento dahil kinikilabutan parin ang nanay ni Yana.



Kinutuban si Yana sa kwento ng tatay niya, naisip niyang posibleng katulad ng nangyare kay Fern ang pagkamatay nito. Hindi na nakapag salita pa si Yana dahil sa takot na nararamdaman at pagka sindak.



"Baka naman suicide ang nangyare."

Sabi naman ni samuel nakababatang kapatid ni Yana.


"Oo nga posible rin" sabi naman ng nanay ni Yana.



Hanggang sa pagpasok ni Yana sa skwela ay hindi nawala ang takot niya. Nasisindak parin siya sa sinabi ng parents niya. Maging sa school ay iyon din ang usap usapan.



Samantala sumalubong naman si Alexa sa kanya na umiiyak ng makarating siya ng classroom. At tinanong niya kung bakit ito umiiyak.




At doon na niya nalaman na ang bali balitang misteryosong pagkamatay ng mag aaral sa highschool sa pagtulog nito ay walang iba kundi si Henry pala na kaklase nila.



Kaya naman iyak ng iyak si Lexa at takot na takot. Ganon din ang mga kaklase nila, si Yana naman ay nabalot ng kaba, pagkasindak at kilabot ang buong katawan.


Nanlaki ang mga mata Niya, nanuyo ang lalamunan sa takot at nanginig ang buo niyang katawan.



Dahil ang konklusyon niya mukhang nagkakatotoo na.

ANG MISTERYOSONG PUMAPATAY SA PANAGINIP [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon