Kabanata 24

18 3 0
                                    

Nang makarating si Riyugi sa pinaka ilalim na bahagi ng kagubatan ay hindi siya nag aksaya na ng oras at kaagad niyang hinanap ang halamang Araw.


Hindi naman siya nabigo dahil natagpuan niya ang lamang lupa na kumuha ng halamang iyon.


Kaagad niyang sinabi ang kanyang pakay, ngunit tumawa lamang ang lamang lupang may hawak ng halamang Araw.


"Hindi mo maaaring kuhanin sa akin ang halamang ito."

Ang sabi nito kay Riyugi.


"Kailangan niyo ng ibalik ang halamang iyan sa diwata ng magical forest. Hindi niyo pag may ari ang halamang iyan."

Sagot naman ni Riyugi.


"Sugurin ang lapastangan na panauhin."

Ma awtoridad na utos ng lamang lupa sa kanyang mga tauhan at sinugod ng mga tauhan nito si Riyugi.


Hindi naman umaatras sa Laban si Riyugi at lumaban siya sa mga ito mabuti na lamang at dala niya ang kanyang katana.


Ngunit hindi niya ginamit ang kanyang kapangyarihang storm of lightning dahil kahit papaano ay ayaw niyang makapag dulot ng malaking pinsala sa lugar na iyon.


Naroon parin ang kanyang respeto sa mga nilalang na naninirahan sa lugar na iyon.


Ang lahat ng sumugod sa kanya ay isa isa niyang napatumba na siya namang ikinabahala at ikinagulat ng lamang lupa.


"Mahusay, mahusay ka sa pakikipag Laban. Ngunit sinasabi ko sa iyo talagang hindi mo maaaring kunin ito."

Sabi pa ng lamang lupa habang hawak hawak Niya sa Isang paso kung saan nakalagay ang Halamang Araw.



"Huwag niyo ng hintaying magalit pa ako at salitan kong kunin sayo iyan."

Pagbabanta ni Riyugi.



"Ang halamang ito ay nababalutan ng Isang sumpa. Ang sino mang kumuha ng halamang ito ay tiyak na maapektuhan ng sumpang nababalot ng halamang ito."

Ang sabi pa ng nilalang na lamang lupa. Ngunit tila ba hindi iyon inintindi ni Riyugi, dahil gusto niya na lamang matapos ang misyon na ito.



At isa pa wala ng mas mahalaga sa kanya kundi ang bracelet na binigay ni Yana kailangan niyang maisagawa ang misyon at ayaw Niya namang basta na lang ibigay ang bracelet na mahalaga sa kanya para lang makuha ang halamang gamot.


Kaya naman handa siyang tanggapin kahit na maging apektado siya ng sumpang nababalot sa halamang Araw.



"Wala akong paki alam sa kung ano mang sumpang nababalot sa halamang iyan. Ibigay mo na ito Sakin kailangan niyong ibalik iyan sa diwata ng magical forest dahil napakahalaga niyan para sa ilang halamang naroon."

Ang sabi pa ni Riyugi.


"O sige ibibigay ko na sayo. Ikaw ang may sabi niyan."

Ang sabi pa nito sa kanya.



Bago makaalis si Riyugi sa lugar na iyon ay sinabi ng nilalang na lamang lupa ang sumpa ng sino mang kumuha sa mula sa kanya sa halamang iyon. Ang nababalot na sumpa.


Nang marinig niya iyon ay tila ba nangilabot siya. Ngunit tapos na ang lahat naging buo na ang desisyon niya.



Ayaw niyang bumalik siya sa Palasyo na hindi na suot ang pinakamahalagang bagay na bigay ng pinakamahalagang tao para sa kanya.


ANG MISTERYOSONG PUMAPATAY SA PANAGINIP [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon