Kabanata 4

41 4 0
                                    

Takbo ng takbo si Yana at ipinagdadasal niya na sana ay magising na siya. Nang bigla na lamang may humila sa kanya at itinago siya sa likuran nito saka buong tapang nitong hinarap ang lalakeng humahabol kay Yana.





Napahinto naman ang lalakeng humahabol. Ikinumpas ng lalakeng Dumating ang kamay niya at Isang pulang liwanag ang lumitaw sa harapan nila, nakakasilaw iyon sa sobrang liwanag.





"Bumalik ka na sa mundo mo"

Mahina ngunit ma awtoridad  na sabi ng lalake.




Atsaka itinulak si Yana ng lalakeng humila sa kanya papunta sa pulang nakakasilaw na liwanag na iyon.



Ang pakiramdam niya ay para siyang nahuhulog sa kawalan ng itulak siya ng lalake. Nalulula na siya sa pagkakahulog niya nang bigla nalamang siyang nagising.



Napabalikwas siya ng bangon at tumingin tingin sa paligid,  nakikita na niya ang silid niya. Laking pasasalamat niya at nagising na siya at nakaligtas. Isang tao na naman ang nagligtas sa kanya.

Nahihiwagaan na siya sa mga nangyayare, pakiramdam niya ay ang panaginip niya ay Isang panibagong mundo na sa oras na nagigising siya ay bumabalik siya sa tunay na mundo.





Pagpasok niya ng school ay nag alala ang mga kaibigan niya sa kanya. Sinabi naman niyang ayos lang siya ngunit hindi na niya ikinuwento pa ang buong detalye ng panaginip niya, habang nag di discuss ang guro ay inalala niya ang pangyayare sa panaginip niya.




"Qrolo... Qrolo pala ang pangalan niya."

Bulong ni Yana sa sarili niya.





"Yana, wag kang lumapit tumakbo ka na. Tumakbo ka ng mabilis iwasan mo siya hanggang sa magising ka na, iwasan mo lang siya hanggat maaari" 




Muling naririnig ni Yana sa isipan niya ang mga salitang binitawan ni Qrolo, nakakabisado na niya ang tunog ng boses nito at ang ipinagtataka niya ay kung bakit alam nito ang pangalan Niya sigurado siyang  malinaw niyang narinig iyon.



Tinawag siya nito sa pangalan niya, gayong hindi naman niya nasabi ang pangalan niya rito.



Naguguluhan parin si Yana, gulong gulo na ang isip niya sa mga pangyayare, dati ang pinoproblema lang niya ay ang lalakeng pumapatay sa panaginip. Ngayon ay pati ang mga taong nakikilala niya sa panaginip niya na nagliligtas sa kanya.



Sa kakaisip nga ni Yana ay hindi na niya namalayan na tinawag pala siya ng guro para mag recite, naramdaman niya na lang na tinamaan na siya ng chalk sa noo at malakas ang pagkabato sa kanya.




Kaya naman nagbalik siya sa reyalidad mula sa malalim na pag iisip.



Sa lahat ng kaibigan ni Yana ay si Lexa ang pinaka pinagkakatiwalaan niya. Kaya naman ikinuwento niya ang lahat dito.





"Masyado ng mahiwaga ang panaginip mo Yana, pero ang mahalaga may mga taong nagliligtas sayo sa panaginip mo."

Ang sabi naman ni Lexa.




"Tama ka, pero hindi ko maunawaan ang lahat. Parang masyadong komplikado, pero mabuti narin at hindi nagpapakita sayo ang lalakeng pumapatay sa panaginip. Iyon din ang bagay na pinagpapasalamat ko, kakayanin ko ito ako nalang wag na sana kayong madamay pa."

Ang sabi naman ni Yana.





"Pero nag aalala din talaga ako sayo."

Malungkot na sabi ni Lexa.





ANG MISTERYOSONG PUMAPATAY SA PANAGINIP [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon