Kabanata 19

13 2 0
                                    

Nagpalingon lingon si Riyugi sa buong paligid ng kwarto at muling bumalik ang tingin niya kay Yana. Atsaka tumayo si Riyugi pumunta siya sa may bintana at hinawi ang kurtinang nakaharang.


Kita sa mukha niya ang pagkagulat ng makita ang paligid sa labas ng bahay nila Yana. Kakaiba ang lugar at may mga Ilang tao siyang nakitang naglalakad sa labas.


Taka naman siyang lumingon kay Yana at naghihintay ng paliwanag kay Yana sa kanyang pagkalito sa buong paligid.


"R-riyugi makinig kang mabuti sa sasabihin ko please.. nandito kayo ngayon sa mundo ng mga tao. H-hindi ko alam kung paanong nangyare, pero ng magising ako mula sa pagkaka tulog at makabalik dito sa mundong kinabibilangan ko ay nakita ko na lamang kayong dalawa ni Banki na walang malay, nandito kayo sa kwarto ko. Hindi ko alam kung paano kayo napunta rito."

Kinakabahang paliwanag ni Yana. 

Halos hindi naman makapaniwala si Riyugi sa sinabi ni Yana. At muli siyang tumingin sa labas ng bintana at kay yana muli.

"P--papaano nangyare ito?"

Namamanghang Tanong ni Riyugi.


"Hindi ko alam, pero nakikiusap ako Riyugi.. Sana wala kayong saktan na mga tao sa mundong ito."

Nakikiusap na sabi ni Yana.


"Papaano kaming makakabalik sa mundo ng mga panaginip?"

Ang tanong naman ni Yana at hindi nito pinansin ang paki usap ni Yana.


"Hindi ko rin alam, pero alam mo Kasi, late na ko sa klase ko. Kailangan kong umalis.. nakikiusap ako sa inyo na hintayin niyo ako rito. Okay.. tapos ay iisip Tayo ng paraan kung papaano kayo makakabalik sa mundong kinabibilangan niyo."

Ang sabi ni Yana, at panay ang tingin niya sa relo niya sobrang late na siya sa unang klase Niya.


"Saan ka naman pupunta?"

Tanong pa ni Riyugi.


"Sa school, ang school ay isang lugar kung saan ang mga tao ay nag aaral."

Ang paliwanag naman ni Yana.


"Anong pinag aaralan niyo? Hindi bat wala naman kayong kapangyarihan?"

Ang Tanong pa ni Riyugi.


"Katulad ng pagsulat, pagbasa, at mga bagay na magagamit at mapapakinabangan namin para sa magiging trabaho namin kapag nakapag tapos na kami ng pag aaral."

Paliwanag pa ni Yana. Tumango tango na lang si Riyugi.


"Basta ay maghintay lang kayo rito sa kwarto ko wag kayong umalis dito ni Banki. Hindi kayo maaaring makita ng Ibang tao at ng mga magulang ko. Lalong lalo na si Banki dahil hindi siya mukhang tao matatakot ang mga tao sa kanya, kaya nakikiusap ako okay? Dito lang kayo."

Ang muling paki usap ni Yana at mabilis na siyang umalis papuntang school. Takbo siya ng takbo papuntang sakayan ng bus na maghahatid sa kanya sa school.


Nasa waiting shed siya at naghihintay ng kasunod na bus na darating.


Nang bigla na lamang sumulpot sa tabi niya si Riyugi na kinagulat niya.


"Anong ginagawa mo rito? Diba sabi ko sayo doon lang muna kayo sa kwarto ko."

Gulat na sabi ni Yana.


"Gusto kong makita ang mundong ito... Gusto kong nalaman ang dahilan kung bakit gustong pag harian ito ng Mahal na Hari."

Ang sagot ni Riyugi habang nakatingin ito sa kalangitan mataas ang sikat ng Araw. At asul na asul ang kalangitan. Napabuntong hininga naman si Yana.


ANG MISTERYOSONG PUMAPATAY SA PANAGINIP [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon