Kabanata 13

19 2 0
                                    

Naguguluhan man si Yana ay sumama parin sila kay Derum papunta sa palasyo. Hindi naman pumayag si Yana na maiwan si Lexa kaya kasama rin nila ito.

Nang makarating sila ay agad binuksan ng kawal ang malaking pinto papuntang Palasyo.
Sa labas ng palasyo ay doon isinagawa ang mga pagsubok na binibigay ng prinsesa.

Napalingon ang prinsesa sa kanila at Isang kawal ang lumapit sa prinsesa at ibinulong nito ang dahilan ng kanilang pagdating.

Kaagad naman na lumapit si Derum at sumunod sila Qrolo.

Samantala namamangha naman sila sa kanilang nakikita ang napakaraming Aruha sa loob ng kahon na nababalutan ng mahika ng prinsesa.

"Magandang Araw prinsesa Hasi"

Ang Sabi ni Derum at yumuko siya sa harapan nito bilang tanda ng pag galang ginaya naman siya nila Yana, Lexa, Qrolo at Kenro. Nagbigay galang din sila sa prinsesa.

"Nais ko sanang isali ang dalawang makisig na binatang aking kasama sa mga pagsubok na iyong binibigay."

Ang sabi ni Derum kay prinsesa Hasi. Napatingin naman ang prinsesa kay Qrolo at Kenro at nagtaas lamang siya ng kilay may pagka suplada talaga ang prinsesa.

"Hindi iyon ang natanggap kong dahilan ninyo sa pagpunta rito."

Ang sagot ng prinsesa.

"Ang pangunahing dahilan ng aming pagpunta ay nais na makita ng Mahal na Hari ang itinakda. Ngunit nais ko rin sanang isali ang dalawang binatang kasama ko."

Ang sabi ni Derum.

"Ang itinakda? Sino sa dalawang babaeng yan?" Ang sabi ng prinsesa habang nakatingin kay Yana at Lexa. At itinuro naman ni Derum si Yana.

"Ha? Ako? Anong itinakda po ang sinasabi niyo?"

Gulat na tanong naman ni Yana sa matandang si Derum wala siyang ideya sa mga sinasabi nito.

"Ikaw?" Ang tanong ni Prinsesa Hasi kay Yana

"M-magandang Araw po Mahal na prinsesa"


Kinakabahang sabi ni Yana. Nararamdaman niya kasing may pagkamasungit ang prinsesa. Tiningnan siya nito mula ulo Hanggang paa. At napayuko naman si Yana dahil naiilang at nahihiya siya.

"Ipag paumanhin niyo Mahal na prinsesa ngunit hindi niya pa alam na siya ang itinakda."

Ang sabi muli ni Derum.

"Maski ako ay hindi makapaniwala, na Isang katulad niya ang itinakda."

Sarkastikong sabi nito.

Naiinis naman si Lexa na nakatingin sa prinsesa sapagkat nararamdaman niyang nang iinsulto ito.

"Kung talagang ikaw ang itinakda, kailangan mong mapatunayan ito sa akin. Hindi niyo maaring makaharap ang Hari hanggat hindi ka pumapasa sa pagsubok ko."

Ang sabi ni prinsesa Hasi na siyang ikinagulat nilang lahat.

"Pagsubok?" Gulat na tanong ni Qrolo.

"Oo, patunayan niya ang kanyang sarili"

Ang sagot ng Prinsesa.

Kahit na hindi alam ni Yana ang tungkol sa itinakda na sinasabi nila ay nakaramdam siya ng pagka insulto sa mga sinasabi ng prinsesa.

"Ilalagay Kita kasama ng mga kalahok ng aking pagsubok sa loob ng kahon na iyon. At kapag nagawa mong makalabas ay papayagan ko kayo na makita ang Hari."

ANG MISTERYOSONG PUMAPATAY SA PANAGINIP [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon