Dear Diary,
Diary alam mo bang ayaw na dapat kitang sulatan? Eh kasi ang nipis nipis mo na. As in.
Pero may kwento ako.
Nasa Brunei ako ngayon, para sa Law of the Jungle.
Pero yung kwento ko nung nakaraan pa, late na no?
So ayun nga, Diary. Habang nag aayos ako ng mga damit na gagamitin ko si Baekhyun nakayakap sakin.
Baekhyun: Bawal ba talaga akong sumama?
Chanyeol: Bawal ka nga dun. May mga bubuyog dun.
Baekhyun: Ako naman talaga yung ininvite diba?
Chanyeol: Eh kasi nga maraming bubuyog dun kaya sabi ko, ako nalang ulit yung iinvite nila. Since di ka magiging komportable dun.
Baekhyun: Yeol, gusto ko sumama~
Niruffle ko lang yung buhok niya at hinalikan siya sa noo.
Chanyeol: Saglit lang naman yun. Babalik rin ako agad. Syempre mamimiss kita ng sobra.
Baekhyun: Wala kang titignang babae dun ah?
Chanyeol: Opo, promise.
Teka, oppppppps diary. Di ko to nakayanan e. Nasira ko yung promise ko sa kanya.
Marami kasing sexy dun nakakainis. Nagiging bad tuloy ako. Pero hanggang tingin lang ako.
Back to my story.
Pagtapos kong ilagay yung mga cap ko, tinulungan niya kong mamili ng mga damit na dadalin ko.
Chanyeol: Bat puro malalaking damit to?
Baekhyun: Para di makita yung katawan mo ano ba.
Pero kumuha ako ng ilang damit na medyo fit.
Pati sa sapatos, tinulungan niya kong mag-ayos.
Pagdating sa brief saka boxer ko, siya lahat kumuha.
Baekhyun: Opps! Ako na kukuha ng mga gagamitin mo. Dyan ka lang.
Sabi niya habang dala dala yung maleta ko.
After 30 minutes lumabas na siya.
Chanyeol: Bat ang tagal mo?
Ngumuso naman siya.
Baekhyun: Nahirapan akong mamili ng dadalin mo e.
Chanyeol: Anything will do.
Baekhyun: Ayoko nga. Gusto ko yung bagay sayo e.
Sabi niya at tumabi sakin sa kama.
Baekhyun: Ilang araw ka ba dun?
Di ko maalala kung ilang araw yung nakalagay dun e.
Chanyeol: Siguro mga 3-5 days.
Sabi ko kaya ngumuso naman siya. Hinalikan ko na agad siya.
Chanyeol: Babalik naman ako e. Itetext kita lagi.
Um-oo naman siya.
Chanyeol: Nga pala, may guesting kayo diba?
Baekhyun: Oo, sa After School Club saka sa Radio show.
Chanyeol: Ayusin mo ah? Wag kang masyadong madaldal baka dumulas ka na naman gaya ng sa Exoluxion.
Baekhyun: Opo, i'll zip it.
Sabi niya at umaktong zipper yung labi niya.
Natawa ako ng kaunti at niyakap siya.
Chanyeol: Mamimiss kita!!!!
Baekhyun: Mamimiss ko din sarili ko. Dejk. Mamimiss din kita!!
Niyakap ko siya ng mahigpit.
Baekhyun: Channie, pag aalis ka na wag mo na akong gisingin ah?
Chanyeol: Ha? Bakit?Baekhyun: Di kasi kita papaalisin eh.
Napangiti naman ako.
Pero um-oo ako sa gusto niya. Baka kasi di rin ako umalis eh.
Kinaumagahan, di ko siya ginising.
Hinalikan ko lang siya. Buong mukha niya tas binulungan ko siya ng 'Iloveyou'
Chanyeol: Ingat ka ah? Mag iingat din ako dun. Babalik agad ako. Iloveyou!
Sabi ko at tuluyan ng bumaba.
Nakita ko naman sila na ready-ng ready na.
Jongin: Tagal naman.
Chanyeol: Eto na nga oh!
Suho: Lika na. Baka malate ka at mas malala, baka magising si Baekhyun.
Xiumin: Tara na! Magngangangawa na naman un.
Sabi nila kaya nagmadali na kaming lumabas. Sila na rin humila ng dalawang maleta ko. Hahaha! Ang saya ng ganito.
Mabilis lang rin naman yung byahe kasi maaga pa, wala pa gaanong traffic.
Suho: Oh alam mo na ah? Yun na yun.
Lay: Uh.... yes. Yun.
Chanyeol: Ang weird niyo tangina.
Sehun: Bathta bumalik ka ah? Di na ko papayag na lahat ng nakakaclothe ko umaalith.
Niyakap ko naman siya.
Chanyeol: Basta bantayan niyo si Baekhyun babalik ako.
Kyungsoo: Oo na, papatabain pa namin. Larga na!
[Di ko alam yung sinasabi sa Airport pag aalis na kaya kunwari eto nalang yun]
Chanyeol: Oo na eto na! Si Baekhyun ah?
Chen: Oo na! Letche ka ulit ulit!
At ayun nga. Tuluyan na kong umalis.
Andito pa rin ako sa Law of the jungle hahaha. Ang lungkot na nga eh.
Basta yun, nagmamahal,
TSANYOLPUGE
![](https://img.wattpad.com/cover/24696360-288-k227879.jpg)
BINABASA MO ANG
Diary ni Park Chanyeol [Completed!]
SonstigesDear Diary, Kahit tanga ako, alam kong mahal niyo ko. At, mahal ako ni Baekhyun. May ari, Pogingyeol [Completed!] #342 in RANDOM #704 in RANDOM #238 in RANDOM