Last • Page

1.2K 68 6
                                    

Dear Diary,

Kung sa tao, life span ang basehan kung hanggang kailab ka mabubuhay. Pero sa diary, notebook, pad papers pieces lang ang basehan. Minsan 90 pages, minsan 80, minsan 50. Kaunting pahina na nga lang pero sinasayang pa nila. Simpleng mali, punit. Kahit nagagawan naman ng remedyo.

Kapag naulanan o nabasa, hahayaan nalang sa isang tabi. Hanggang sa napabayaan na.

Buti pa ko no? Inalagaan kita, madaming erasures pero nagawan ko naman ng paraan para mapanatiling malinis ka pati yung penmanship ko.

May ikukwento sana ako sayo kaya lang, 2 pages ka nalang eh. Mukhang hindi na kaya.

Pero dahil ako si Park Chanyeol, magkukwento pa rin ako.

Uhm, sa hotel to nangyari sa Japan last Monday.

SMTOWN Tokyo, syempre, capital ng japan.

Baekhyun's not in the mood that time dahil sa narinig niyang balita kay Manager hyung.

Manager hyung: Tao is having his own studio, unlike Lay na under pa rin ng SM.

So for us, it means that Tao already gave up. Lahat, binitawan na niya.

We protected him para walang masabi yung mga tao sa kompanya na sinalihan namin. Kasi maski kami, nadadawit kasi nga under kami ng SMEnt.

Hindi rin naman namin ginusto na maging ganito kami eh. Walang kahit sino ang gugustuhin na maiwan o mapag iwanan ng mga mahal mo o naging kapatid mo. Pero anong magagawa namin?

Jongin: Survival for the fittest ba to? Sa pagkakaalam ko "to entertain" ang motto. Hindi patagalan.

Suho: Pangatlong beses na to.

I looked at Lay. Nakayuko lang siya. So I patted his back and smiled when he looked at me.

Tahimik labg kami hanggang sa umalis na si Manager hyung.

Chen: Lay, aalis ka ba? Katulad nila?

Nakayuko pa rin si Lay. It feels like, pasan niya yung buong mundo sa itsura niyang yun.

Lay: Bat ako magpapakahirap sa pag aaudition, sa pagtetraining kung aalis ako? Kung iiwan ko yung pamilya na nagturo sakin ng ganito, ganyan, mga bagay na hindi ko alam.

Nakikinig lang kami sa kanya dahil siya nalang, siya nalang ang natitira samin.

Lay: Hindi ako magtitiis kung aalis rin ako agad. Hindi ko kayo iiwan, pati EXO-L. Nangako ako.

Baekhyun started to stand up and walked back to our room.

Kyungsoo: Walk out na naman ang peg nung bruhong yun.

Xiumin: Ghei na ghei bhie!

Kyungsoo: Jongin pigilan mo ko sisipain ko to.

Xiumin: Baka kaya.

Sabi niya tas tinuro yung paa ni Kyungsoo.

Suho: Tigilan niyo na nga yan. Chanyeol, sundan mo na si Baekhyun. Baka umiyak na naman yun.

Sabi niya kaya tumalikod na ko't nagsimulang maglakad. Pero tinawag ako ni Jongin.

Jongin: Bilhan mo siyang ice cream. Isa yun sa mga comfort food na alam kong gustong gusto niya.

Agad naman akong tumango at dumiretso sa kwarto namin.

Naririnig kong nagsasalita siya. Baka may kausap, lumapit pa ko ng kaunti para mas malinaw kong marinig.

Diary ni Park Chanyeol [Completed!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon