Chapter 21

20 1 0
                                    

Geraldine's POV

Nasa byahe kami ngayon ni Hunter.

Tanghali na rin at mga apat na oras pa bago kami makarating sa pupuntahan namin.

It's Trinity's birthday and Hunter's one of her 18 roses so we're going to their land dahil doon gaganapin ang party.

Siya lang ang nagmamaneho dahil ilang araw nang wala ang driver niya. Mabuti na nga lang daw at kasama niya ako dahil baka antukin siya kung siya lang mag-isa. Kung bakit ba kasi napakalayo at tago ng lupain nila.

Naubusan na nga ako ng topic kung kaya't ngayon ay umaasa nalang kami sa mga patugtog upang hindi maging awkward ang paligid.

Hindi ko rin maiwasang magmuni-muni at mag-isip ng mga bagay na dapat ay hindi ko naman talaga pinagtutuunan ng pansin.

Kagaya nalang ng mga sinabi sa'kin ni Zion nung isang araw. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako mapanatag tungkol sa marriage arrangement namin.

I know my mom so much and I'm sure, hindi siya agad papayag na ma-cancel lang basta-basta ang noon niya pang pinlano. She's the worst of the worst.

"Love, are you okay? You look bothered?" may pag-aalala sa tono ni Hunter.

Umiling lang ako at hindi na nagsalita, baka kasi malaman niya pa kung ano talaga ang iniisip ko.

Sa buong byahe hanggang makarating kami sa lupain nila ay wala akong imik, nagpanggap lang akong natutulog.

Nang makapasok naman kami sa mansyon nila ay agad lang din akong binati ni tita Nikita at agad na kinwentuhan. Mga ilang oras din iyon habang si Hunter naman ay nagpahinga muna dahil pagod sa pagmamaneho mula Manila.

Palubog na ang araw at ngayon ay naghahanda na kami para pumunta sa gaganaping party. Nasa guest room pa ako at ngayon ay naglalagay ng make-up.

Sa totoo lang ay kanina pa ako wala sa sarili, iniisip ang mga bagay na dapat ay hindi ko naman talaga iniisip. Hanggang ngayon ay para pa rin akong isang bilanggo ni mom na nakatakas lang mula sa kaniya.

Sa sobrang paglayag ng isip ko ay hindi ko namalayang napasobra na pala ang lipstick na nilalagay ko.

Maghahanap pa lang sana ako ng wipes nang biglang pumasok si Hunter sa kwarto. Naabutan niya tuloy ako sa ganitong lagay.

"What happened, Love?"

Umiling ako. "Nothing, I just kinda ruined my make-up that's all." natatawa kong sagot at nagsimula nang maglakad papalapit sa bag ko pero bago ko pa man ito mahawakan ay napigilan nako ni Hunter.

"Hmm?" pagtataka ko.

"Let me ruin it quite more, you'll change it either way."

I was shocked when he claimed my lips so quickly. Napakurap pa ako nang ilang beses bago mag-sink in sa'kin.

I wrapped my arms around his neck and started kissing back. I felt like I was melting when he deepened the kiss.

"Damn, I love you so much..." he said in between our kisses. He slowly placed his hand on my waist which then made me feel electrified all over my body.

Shit, this sensation is tingling, it's getting hot in here.

"Geraldine, dear?"

Napahiwalay lang kami sa isa't isa nang marinig ang boses ni tita Nikita kasabay ang pagkatok nito sa pinto.

"Y-Yes po?" napatakip ako ng bibig sa pagkabigla.

Nakita ko naman si Hunter sa tabi at nakangisi pa. Muntik na nga kaming mahuli, masaya pa siya.

DuplicateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon