Chapter 23

25 2 0
                                    

Konting kembot nalang matatapos na ang Series 2 after 4 years HAHAHAHA. Sorry guys sa sobrang habang paghihintay. Lovelots! 😘

*****

Geraldine's POV

"W-What did you just say, tita?"

Tuluyan na akong pumasok sa kwarto at agad naman akong hinarap ni auntie.

"Geraldine, kumalma muna kayo---"

"Paano ako kakalma auntie?! I just heard something! I don't even know if I'm in my right mind to hear something like that!" hindi ko napigilan ang pagtaas ng boses ko.

My hands were trembling. At this point, the only thing I want is to confirm what they were talking about.

"Geraldine..." nang lapitan ako ni tita Lien ay nanginginig din ang mga kamay nito. Patuloy pa rin ang pag-agos ng luha mula sa kaniyang mga mata.

"Tita Lien...tell me what you just said..."

Napahawak na lamang siya sa aking balikat at nagsimula na namang humagulgol. Agad naman siyang inalalayan ni auntie.

Nagsimula ring magtubig ang aking mga mata. "Tita...please tell me I've heard it wrong...please..."

Ngunit wala akong makuhang sagot, panay iyak lamang siya at ni huminga yata ay hindi niya na rin magawa.

Bumaling ako kay auntie at hinawakan ang kamay niya. "Auntie...answer me please...totoo ba ang mga narinig ko?"

"Aldine, hayaan mo munang---"

"Just anwer my damn question, auntie! Totoo ba o hindi?!" kasabay ng pagsigaw ko ay ang pagtulo ng aking luha.

"Aldine..." napapa-iwas na lamang siya ng tingin at hindi rin makasagot. Ano bang mahirap at hindi nila maibigay ang hinihingi ko?

Napatakip na lamang ako ng mukha upang maitago ang pagtangis ko. I know what I've heard but it also feels like I don't dahil ayaw nilang sabihin ulit.

Napaupo na sa gilid ng kama si tita Lien sa panghihina. Nakatakip na lamang ang palad niya sa kaniyang bibig upang pigilan ang tunog ng kaniyang mga hikbi.

Agad akong lumuhod sa harap niya at tiningala siya upang magkita ang mga mata namin. "J-Just tell me the truth please...I'm begging you..."

"G-Geraldine..." paunti-unti ang kaniyang pagbigkas.

Hinawakan ko ang kamay niya at inilapat iyon sa aking pisngi. "A-Am I...your daughter?"

Napapikit siya nang mariin at napailing. Muli na naman siyang umiyak na para bang winasak ng tanong ko ang puso niya.

"Y-You're not mine biologically..."

Kumunot ang aking noo. "W-What?"

"H-Hindi ka nanggaling sa'kin...p-pero anak kita..." kahit na hirap siyang magsalita ay pinilit niya pa rin.

Gulong-gulo na ako. Ano ba ang totoo?

"A-Anak k-kita..." hinang-hina na ang kaniyang katawan.

Hawak niya pa rin ang pisngi ko bago siya mawalan ng malay. Hindi ko na inalintana ang kalagayan ko at agad namin siyang iniayos ni auntie sa higaan.

Tumatangis akong inaayos ang unan niya. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa mga narinig ko. Gulong-gulo ang isip ko, hindi ko alam kung ano talaga ang totoo.

Nang humupa na ang pag-iyak ko ay muli kong binalingan ng tingin si auntie. Nakatingin lamang ito kay tita Lien ngunit nang maramdamang nakatingin ako sa kaniya ay sinalubong na niya ang titig ko.

DuplicateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon