Chapter 9

157 10 3
                                    

Ang tagal kong 'di nag-update HAHA. Sorry mga beh! Love you all❣️🌺

**********

Geraldine's POV

"Thank you sa paghatid, Sir. Sa uulit—uhm, wala pala. Take care po!"

Agad-agad akong tumakbo at pumasok sa may kanto. Habol habol ko ang paghinga ko nang makarating ako sa harap ng bahay nina auntie.

Ano ba 'yong sinabi ko? Sa uulitin? Hays naman Geraldine. Ugh.

"Ate Aldine!"

Napatingin ako sa tumatakbong si Angela. May dala itong dalawang malaking bote ng soft drinks na sigurado akong binili niya kina aling Baby.

"Para kanino 'yan? May bisita ba tayo?" tanong ko. Napanguso siya at lumapit sa'kin.

"Nandiyan si tito Jaime, kasama niya si ate Julienne. Ang awkward nga sa loob kaya bumili muna ako. By the way, pera ko rin pinambili ko dito ate, baka naman."

Napapikit ako. So nandito na talaga ang bruhang babaeng iyon? She's really a bitch.

Ngumiti ako ng pilit kay Angela at kumuha ng fifty pesos sa wallet ko. Ibinigay ko 'yon sa kaniya. "Oh 'yan. Sa susunod na pumunta sila dito, tubig nalang ang ihanda mo ah. Hindi naman sila special." giit ko. Ngumisi nalang siya at tumango.

Nang makapasok ako sa bahay nina auntie ay naabutan kong naka-upo sa may couch ang dalawang taong hindi ko welcome.

Napatayo si dad. "Anak."

Hindi ako nagpakita ng kahit na anong emosyon. Ano bang ipinunta nila dito?

Ibinaba ko ang bag ko sa may lamesa at umupo sa isa pang couch na malayo sa kanila.

"Now what? Anong ginagawa niyo rito?" tanong ko at pinukulan ng masamang tingin ang bruhang ate ko. Nakatingin lang siya sa'kin na para bang nagmamakaawa. Well, hindi ako maaawa sa kaniya kahit kailan. Damn her.

"Anak, I know you'll be mad at me but—

Pinutol ko ang sasabihin ni dad. "Itutuloy niyo pa'rin yung pagpapakasal sa'kin?" I smiled sarcastically. "Napaka-ulirang ama niyo naman."

"Jasmin!"

Sinamaan ko ng tingin ang walanghiyang babaeng nagngangalang Genevieve Julienne. "Hindi ikaw ang kausap ko kaya manahimik ka. Wala kang karapatang pagbawalan ako dahil in the first place, hindi naman kita totoong kapatid."

Susugurin na sana ako ni dad pero hinawakan siya ng nagmamagaling na si Julienne.

"Now what? Kakampihan mo pa 'yang ampon ng asawa mo?" I laughed sarcastically. "What an amazing father."

"Geraldine, hindi kita pinalaki ng ganito." giit ni dad. Napangisi ako at tiningnan sila ng masama.

"Hindi nga. You're such a good father back then dad but because of mom, you also became trash." ikinuyom ko ang mga palad ko. "Gusto niyo akong ipakasal sa lalaking hindi ko naman gusto nang dahil lang sa pera. I hate you. I hate you so much that I can even forget that you're my father."

"Geraldine..."

Umiling ako. "Mamamatay muna ako bago ko pakasalan ang gusto niyong ipakasal para sa'kin."

"Jasmin, para sa ikabubuti mo lang din ang gusto nina mom and dad." singit na naman ng bruha.

Kinuha ko ang isang babasaging vase na kabibili ko lang last month at binasag 'yon malapit sa kaniya. "Shut up, bitch. 'Wag mo'kong pagsasalitaan na para bang wala kang kasalanang nagawa sa'kin. Ipapa-alala ko lang, I was almost raped because of you."

DuplicateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon