Chapter 22

16 1 0
                                    

Himala, nag-update ang tamad HAHAHAHAHA. Read well guys😉

*****

Geraldine's POV

Three whole weeks have passed since we went to Palawan and nakaka-miss talaga. Sa sobrang saya ng mga ginawa namin doon ay gusto ko na lamang yata na doon nalang manirahan.

Pero ngayon ay back to being a secretary na. Kailangan din kasing gumalaw-galaw para magkapera at hindi lang laging lumalandi.

It's also been four days since Hunter left for Cebu because he'll be attending a conference.

Dapat talaga ay sasama rin ako pero sinabihan niya ako na mag-stay nalang para may mag-asikaso ng mga iba pang trabaho dito sa kompanya.

Speaking of works that I have to do here, hindi naman na ganun karami lalo pa't tapos na ang nakakairitang pag-OJT ng anak ng demonyo na walang iba kundi si Alisa.

Literal ata na binisita kami ng diablo noong narito pa siya. Walang araw na hindi nagreklamo ang mga employee na kasama niya sa kanilang department. She's literally the WHOLE problem.

Dahil na rin sa ayokong ma-stress si Hunter ay ako na lang ang laging humaharap sa kaniya at hindi siya pumapalyang painitin ang ulo ko, mabuti na lamang at marunong talaga akong magpigil ng sarili dahil kung hindi ay baka nailublob ko na ang mukha niya sa inodoro.

Magpasalamat pa nga siya at binigyan pa siya ng pasang-awang grade ng head ng department dahil bigla itong natakot na baka kung bumagsak ang babae ay babalik na naman siya upang mag-OJT. Hindi na nila kaya ang second sentence.

Sa ngayon ay half-day lang ako dahil inaya ako ni tita Lien na mag-lunch sa condo niya. Nakaka-excite din naman dahil ilang years na rin simula nang huli kaming mag-mother and daughter date. Well, kind of, but that's fine, sa utak at puso ko naman ay siya ang nanay ko, hindi nga lang sa dugo.

Bago ako tuluyang tumuloy ay may inayos muna akong mga papeles upang hindi ko na ito problemahin pa kinabukasan.

It's been weeks since I last saw her, mabuti nalang talaga at hindi pa siya babalik ng London. Ang sabi ni auntie ay marami pa kasi itong inaasikaso dito sa Pilipinas.

Pagkarating ko sa harap ng condo unit ay ni-ring ko na ang doorbell, agad din naman niya itong binuksan.

"Oh, Geraldine!" mahigpit na yakap ang bungad sa'kin ni tita Lien na para bang ayaw niya akong pakawalan.

"Sorry I'm late, tita. May inasikaso pa kasi ako sa trabaho bago pumunta dito." paliwanag ko.

Umiling lang siya. "No, it's fine. 'Tsaka ako dapat ang mag-sorry dahil nagpaalam ka pa sa boss mo."

Ngiti nalang ang naisagot ko. I'm always overwhelmed when it's tita Lien that I am talking to. It's just feel surreal. She's much opposite of my mom.

"Let's go? I baked your favorite chocolate cake." sobrang excited niyang sabihin sa'kin kung kaya't agad naman akong sumunod sa kaniya sa kusina.

Napanganga na lang ako nang makitang punong puno ng pagkain ang lamesa. "Niluto mo lahat 'to, tita?"

"Yes! Ang tagal na kitang hindi naipagluluto so it's just normal that I cook for you again."

Inaya niya na akong umupo at ipinaghain pa ako kahit na nagprisinta na ako na ako nalang ang gagawa para sa sarili ko.

Pagkatapos ay dali-dali rin naman siyang tumabi sa akin para saluhan ako.

"I have a question for you, young lady." mapaglaro ang tingin niya sa akin habang nakangisi.

Kumunot ang noo ko dahil sa pagtataka. "What is it?"

DuplicateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon