KABANATA 5

17 3 0
                                    

Maingay ang hallway ng SCU at maraming banners na nakadikit sa anumang sulok nito.

"Uy, punta tayo bukas ha? rinig ni Heather nang dumaan sila sa kanilang locker para kunin ang gamit para sa next subject.

"Sige ba! Andun si Papa Lex eh." at nagtilian pa ang mga babae na parang sinisilihan ang mga tumbong sa kilig.

Sa isip ni Heather, pagod na siya kaagad marinig pa lang ba may laban bukas ang kumag na yun.

Hay nako naman! Lahat sila excited, ako lang yata ang hindi.

"Earth to Heather! Nakikinig ka ba? Ha?"

Eh kung wag kaya akong pumunta? Di naman niya siguro mahahalata no?

"Heather! Impakta! Masaya ka pa kanina!" patuloy na pagpapapansin ni Reese sa kaibigan na malalim ang iniisip.

Lunapit si Max kay Heather at piningot ang tenga nito.

"Aray! Bakit mo naman ginawa yun?" sabay titig ng matalim nito kay Max.

"Kanina ka pa namin kinakausap dyan, wala ka naman kibo."

"Oo nga! Palibhasa close ka na kay Cha---"

Di na natapos sasabihin ni Reese dahil biglang tinakpan ang bibig nito.

"Wag ka ngang maingay! Ayoko nga maging ka-close yun no! Never!"

"Pasmado talaga yang bibig mo, Reese." sang-ayon ni Max sa pambubusal ni Heather.

Tumunog na ang bell tanda na 5 minutes nalang ay magsisimula na ang mga klase sa bawat room.

Dali-daling pumunta ang magkakaibigan sa kani-kanilang classroom dahil iba-iba nga sila ng major.

Si Heather ay pumunta sa klase niya ng Bio4B, with Mr. Perez.

Pagkapasok niya ay ang pagdating din ng kanilang instructor.

"Good morning, 4B!"

"Good morning, Sir!" bating pabalik ng mga estudyante.

"Review your notes in my subject for 15 minutes then let's have a quiz." at nag-set ng timer ang kanilang guro sa smart TV sa kanilang room.

"Awww." mahinang response ng mga bata sa biglaang quiz nila today. Palibhasa, mahirap ang topic nila last time, kaya ganun nalang ang reaksiyon nila.

Habang nagre-review, narinig ni Heather ang bulungan ng mga kaklase niyang nakaupo sa harapan niya.

"Uy, si Alexander Chase yun di ba?" at luminga-linga pa ito sa pintuan.

"Ah, oo. Siya nga. Bakit siya nandito?!" tila kinikilig pang sagot ng kausap nito.

Hanggang dito ba naman? Naririnig ko pangalan niya? Shet naman oh. Nauumay nako.

"Hi Sir. May I excuse someone from here?" napatingin siya sa bagong pasok na lalaki, na naka school uniform naman pero, the aura is full of oozing hotness and confidence. That makes his presence dominant over everybody else.

Ako ba kailangan nito? Bukas pa dapat di ba? Isip-isip ni Heather, na nakatingin na ngayon kay Chase na nasa harapan ng classroom nila.

"Sure, Mr. Ricafort."

At agad na may lumapit sa harapan na naka-mini skirt nilang kaklase. Plakado ang make-up sa mukha at naka-high ponytail ang paalon-alon nitong blond colored hair.

"Are you looking for me, Lex?" agad na bungad nito pagkarating sa harapan ng lalaki.

"Not now, Tiff. It's not you that I am looking for."

Campus Series 1: Heather (The Drama Queen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon