KABANATA 9

8 0 0
                                    

Halos isang linggong hindi pumasok si Heather sa St. Catalina University para lang makapagpahinga at makapagpagaling mula sa sakit.

3 days kasi siyang nilagnat at sa mga araw na yun, maya't maya kung tumawag ang mga kaibigan niya, pati na rin si Theo.

Hmm. Dapat pala makapagpasalamat ako kay Theo, kasi siya nagpapadeliver ng meals ko nung last week.

At oo, di niya magawang makapaghanda ng sariling pagkain for three days, kaya after bumisita nila Max sa place niya, ay si Theo na nagpilit na bahala sa meals niya.

"Delivery for Ms. Heather!" Nagbabalik sa alala niya ang tawag sa kanya pag may delivery.

Sa loob ng tatlong araw, sinagot ni Theo ang meals niya. Take note, kumpleto ang meals niya-- from breakfast to dinner at may snacks pa.

It was only now she experience being treated properly. The last one was when..

Nevermind. Maurangod sana mukha niya.

"Bakit ba naiisip ko siya? As if he really cared for me, and I really doubt it if he did."

Tapos saka siya dumiretso sa klase inabot sa mga instructors niya ang kanyang excuse letter at medical certificate sa pagliban niya ng isang linggo.

"This might help you."

Naalala pa niya ang note na kasama ng medical certificate niya.

Galing kay Theo.

Di pa siya nakakapagpasalamat sa effort ng binata, pero planong lutuan ito ng lunch nitong week.

Siguro matutuwa naman siya sa meal na yun. Dapat nga pala ako mag-grocery maya after ng shift.

Matiwasay ang maghapon niya, maliban nalang sa lunch break niya na napuno ng chismisan.

"Alam mo ba, nasa bakasyon pala si Alexander Chase kaya wala siya ngayon." Ngumunguya man ay walang atubiling ichinismis ni Reese ang nalaman.

"Paano mo naman nalaman?"

"Siyempre, katabi ng locker ko yung isang hipon na bff ni Tiffany." Sabay sipsip nito sa milktea.

"Grabe pandinig mo, te!" Sagot ni Heather kay Reese.

"Tama ka dyan!" Sang-ayon naman ni Max na kumakain ng spaghetti.

"At least, payapa muna ko ngayon. Walang atrebidang utusero." At kinain naman niya ang natitira pa sa plato niyang mac n' cheese.

"So, okay kana ba?"

"Oo naman. Goods na to noh!" At sabay pakita pa niya ng biceps.

"Eww," at sabay tapik nitobsa kaibigan para tumigil sa ginagawa.

Halos patapos na sila sa lunch nila ng biglang lumapit si Tiffany sa kanilang table, kasama ang mga alipores nito.

"Well, well, well. Look who's here!"

"Oh shut up, plastic. Anong need mo?" Pataray na sagot ni Max kay Tiffany.

"I just want to be sure if Heather is still alive," at dinuro pa sa noo si Heather--"ah, I forgot! Sabi pala ni Lex, you must help me out."

Biglang napapitik ang ulo ni Heather sa narinig.

What the eff?

"Oh, did he?" Walang emosyon sa makikita sa mukha ni Heather, pero sa loob niya, nagngingitngit siya.

"Yes! Since he's out of the country.. pwedeng ikaw daw muna proxy niya."

"Have you heard me say yes?" At nilapitan pa niya si Tiffany.

Campus Series 1: Heather (The Drama Queen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon