KABANATA 6

18 1 0
                                    

"Last 2 minutes!" sigaw ng announcer, at heto na naman po ang mayabang pangisi-ngisi pang lumilingon sakin.

Ang presko ng bwiset. Nakain ko tuloy yung isaw sticks na pinabili niya. Di pa naman ako nakapagtanghalian dahil tinapos ko yung research paper niya.

"Hoy, ayusin mo! Madapa ka sana!" sigaw ni Heather kay Chase kahit na alam niyang di niya maririnig ito.

"Please, excuse me!" may babaeng tumabig sa kanya at umokopa ng upuan na bakante sa kanan niya.

"Ay, miss. May nakaupo diyan, sa iba ka n---"

"Oh, hi to you Heather!" plastik na greetings sa kanya ni Tiffany, na nakacroptop shirt at may SCU na print sa gitna. Tinernuhan niya ito ng ragged jeans at boots.

"Uhm, hi din sayo Tiffany. Ano palang meron at nandito ka?"

"Di ba manliligaw ko nga si Chase, so I am supporting him today. At sorry, pwede bang umurong ka sa likod, kasi yung bestfriends ko ay kasama ko rin. Pababa na sila from the bleachers area."

At tinuro nito ang dalawang todo rin ang pormahan para sa isang basketball game.

"These are Eli and Chrys." pakilala nito kay Heather.

Bitbit ang mga m gamit ni Chase ay lumipat ng pwesto si Heather. Di niya mapanood ng maayos ang game kasi ang tangkad nung tatlong babae sa harapan niya.

"Go, Chase!" sigaw ni Tiffany na akala mo girlfriend nito kung umasta.

As if naman.

"98-100." rinig niya ang scores at may 10 seconds nalang para sa last half ng tournament.

Sana makuha ang bola! Sana manalo sila!  taimtim na cheer ni Heather sa isip niya, habang intense ang laban ng dalawang koponan.

Nag-dribble ang kalaban pero naagaw ni Thei ang bola. Naghanap ito ng mapapasahan at kumaway si Chase mula sa dulong kanan.

"Chase!" sigaw nito bago ibato ng malakas ang bola sa ere. Mataas na tumalon si Chase at agaf nasalo ang bola.

Napangiti ito habang pinatatalbog ang bola at pumwesto ito sa labas ng linya.

5, 4, 3..

Tumalon si Chase para i-shoot ang bola.

2, 1

Pinakawalan niya ang bola papuntang hoop.

0, enggggk!

Shoot!

Pasok ang bola.

Lumingon si Chase sa score board.

101-100

Panalo ang koponan nila!

"Oh my God!" bulalas nila Tiffany at mga kaibigan nito, at agad na lumapit sa Team SCU para makigulo.

Si Heather naman na abot-abot ang kaba kanina ay kalmado na ulit.

Magaling pala talaga silang magbasketball.

"See that?!" narinig niyang tanong sa kanya ng papalapit na si Theo

"Oo naman! Ang galing mo dun, ha?" totoong nagalingan siya sa paglalaro nitong team nila. First timer din siya sa panonood ng live game. Pero di niya inaasahan na ganoon ang intensity.

"Ang galing kong umagaw ng bola no? Sabi sayo e. Sure win to " at nakipag-fist bump pa ito sa kanya.

Samantalang si Chase ay buhat-buhat ng mga kasama nito dahil sa magandang 3-point shot na tumapos sa kanilang laro.

Campus Series 1: Heather (The Drama Queen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon