KABANATA 7

25 1 0
                                    

Nagmamadaling lumabas  si Heather at napansin niyang may nakasandal sa isang kotse na di kalayuan sa gate nitong campus.

"Gabi na pero may iuutos ka pa rin? Iba ka rin no?" pasinghal na wika ng dalaga kay Chase na mukhang cold at walang pakialam sa nararamdaman niya.

"Remember, we had a deal." pinal na pagpapaalala nito sa naging deal nila at kasalanan nito sa kanya.

"Di ba pwedeng exempted muna ako ngayong gabi?" pangungumbinsi ni Heather kay Chase na pumasok na sa loob ng sasakyan nito.

"Hop in, you need to do something for me."

At sumakay na nga si Heather kahit di siya sigurado kung ano ang gagawin niya ngayon para rito.

Matapos ang 20 minutes na byahe mula sa St. Catalina University, nasa isang bahagi siya ng siyudad na sa mga palabas or magazine lang niya nakikita.

Wow. May unit siya rito?

"Oo, meron." sagot ni Chase na narinig pala ang bulong sa sarili.

Pumasok sila sa isang motion-detecting glass doors at binati sila ng guards na nasa tapat nito.

"Good evening Sir and Ma'am!" at nag-bow pabalik si Heather bilang tanda ng pagbati sa mga ito.

They approached a vacant elevator and Chase tapped on the 25th floor. Pagkasara ng elevator, abot-abot ang kaba ni Heather para sa sarili.

Lord, wag po muna. Wag po muna at bata pa po ako. Gusto ko pa po ma-enjoy ang buhay ko. Lord, please stop this from happening. Di ko po pwedeng isuko ang Corregidor sa lala----

"I have guests tomorrow, early in the morning. So my unit needs some cleaning before they arrive." putol ni Chase sa iniisip niya.

Nasamid si Heather at naubo-ubo pa siya sa utos ng binata sa kanya. 

Ano ka ba, Heather?! Get a grip of yourself! Ang dumi dumi mo mag-isip, nakakahiya sa lahi natin!

Nang mahimasmasan ang babae ay tumango ito sa katabi.

"Maglilinis lang pala e, kering-keri ko na yun."

"Di ako masyadong nauwi dito, so please clean it deeply. Kumpleto cleaning materials sa unit ko." at eksakto nasa 25th floor na sila at hinatid siya nito sa tapat ng pinto ng unit nito.

"Hinatid lang kita rito, here's my key card. I-tap mo lang. Ikaw na bahala dito. I expect you to be finished before 2am." mahabang litanya nito at umalis na.

Hawak-hawak ang key card ay binuksan ni Heather ang unit ni Chase. 

Sa kanya ba ito? Bakit parang sampung taon ito hindi natirhan?

"Ang kalat pala nung lalaking yun, eww." 

Pumasok siya sa loob at buti nalang nakita agad niya ang kahon ng facemask at gloves sa gilid shoerack. Dali-dali niyang sinuot ang mga ito habang tinitingnan ang kabuuhan ng unit ni Chase.

"Bakit ang kalat naman masyado dito? Parang binagyo e." at sinimulan na nitong ipunin ang mga piraso ng papel at balot ng chips na nagkalat. Sa laki ng kwartong to, matatapos niya kaya hanggang 2am?

"Tsk. Dapat nag-hire nalang siya e. Pero, hindi e. Epal talaga nung buwisit na yun!" bulalas niya habang hinuhugasan ang mga gamit ng baso, plato at mga kubyertos sa kusina nito.

Dahil di siya pwedeng antukin agad sa ginagawa, nagpatugtog siya sa kanyang smartphone at isinuot ang kanyang earpods.

Pakanta-kanta pa ang dalaga habang naglilinis at makalipas ang isang oras, sa bedroom na siya maglilinis.

Sa wakas.

Na-curious siya sa mga picture frames na nasa side table-- ang unang larawan ay si Chase mismo, ng bata at wala pang muwang sa mundo, pangalawang picture ay ang buong pamilya nito, at ang huli...

Si Ate Ganda!

"Siya yun di ba?! Si Ate Ganda." bulalas nito sa sarili habang pinupunasan ang larawan.

"Maganda talaga siya, at mukhang anak mayaman." sinilip pa nito ang likuran ng frame at may nakadikit na red colored paper na hugis puso.

"Si Chase siguro nagdikit nito, Inlab nga siya."

Tss. Lalo tuloy ako nagui-guilty. Sana maging sila na.

Pinagpatuloy niya ang paglilinis at nakakaramdam na siya ng sakit sa bandang sentido niya.

"Need ko muna tapusin to, bawal ako umuwi. Okay?" cheer nito sa sarili habang hinihilot ang batok at gilid ng mga mata.

Bumibigat na ang mga paningin niya pero di niya pwedeng iwan tong ganito.

Kaunti nalang, Heather. Matatapos ka na maglinis.

Pilit niyang inaayos ang paglilinis sa CR dahil ito na ang huling lilinisin niya..

1:30 AM. Umaga na pala? Kala ko 12:00 palang, bulong nito sa sarili at pinag-igihan na ang paglilinis.

Eksaktong 2:00 ng umaga ay tapos na siya, pero parang need niya magdahan-dahan sa pagkilos. Masakit ang buong katawan niya at mabigat ang pakiramdam niya.

Uuwi na rin ako, sa wakas.

Di na niya hinintay si Chase na makauwi, kasi baka nasa party pa ito. Kaya naman bitbit ang keycard at gamit niya, nagtungo siya sa mga guwardiya na bumati sa kanya kanina.

"Mga kuya, pwede favor," at bumwelo pa siya, pilit na minulat ang mata,"pakibigay ito kay Chase pagdating niya. Uuwi na po ako, pakisabi di ko na siya nahintay."

Yun lang at pinara na niya ang isang taxi na dumaan sa harapan ng Paramount Group Condominium.

----

*Beep! Beep*

"Anong oras na ba? Bakit may tumatawag sakin?" sabay abot ni Heather sa telepono niyang patuloy ang vibrating.

"Hello? Sino to?" sagot niya na nakapikit pa ang mga mata at giniginaw sa hangin na pumapasok sa kanyang kuwarto.

"Heather? Pwede patulong?" Si Reese pala ang kausap niya.

"Ano yun? Di ako pwede Reese, masama pakiramdam ko. May sakit yata ako." at pinasadahan ng kamay ang sariling noo at leeg.

Kumpirmado. Nilalagnat ako.

"Ay ganun ba? Sige, pagaling ka ha? Kumustahin kita ulit mayang hapon." at tinapos na nito ang tawag.

Akmang magtatalukbong siya ng maka-receive ng message kay Chase. Singkit man ang mga mata ay pinilit niyang basahin ang mensahe nito.

Accompany me later, 4pm. I'll pick you up. Same spot.

May sakit na nga ko, di pa rin siya tapos? Gago ba siya?

Bago pa man niya maisend ang reply niyang di siya pupunta, ay may panibagong mensahe na namang dumating.

If you won't come, I will make you regret it.

"Ano ba Chase? Tss, aarghh!" gigil niyang sabunot sa sarili at bumwelo muna siya bago bumangon sa kanyang higaan.

Pagtingin niya sa orasan, 1:15 PM.

Grabe yung pagod ko kagabi, sobrang-sobra, as in!

Kapagkuwan ay nagcheck siya ng emails niya para sa sideline job niya. Buti nalang at wala masyadong errands. Nagtimpla siya ng kape at kinuha ang tirang cheesecake sa ref, ito ang almusal niya at di siya makakilos sa bigat ng pakiramdam niya.

Sige pupunta ako. Pero sana after nito, makapagpahinga na muna, at uminom siya ng paracetamol bago nagpasiyang maligo at magready sa pagsama niya kay Chase sa hapon na iyon.

Campus Series 1: Heather (The Drama Queen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon