Chapter 17 - Vent

2.1K 71 0
                                        

Author's Note:

In as much as I want so much pampering for Jade in this story, I just can't give her that. Not yet.

Sorry for breaking your heart, bae.
I tell you, this breaks my heart too.

.
.
.
.
.
.
.













PRESENT-

"I'm not letting you go, Jade."

"Jade? Wake up. Hey bae, wake up na uy." Nagising ako sa kakayugyog ng kung sino.

Minulat ko yung isang mata ko. Sinilip ko kung sino tong nanggising saken. Ang sakit ng ulo ko.

Ay si Thea pala... "Bae... alarm clock na ba kita?" Babangon na nga lang ako.

"Alam mo ikaw, nagpapakarebelde ka lang pero ang softy mo pa rin naman eh noh? Pa-cute ka pa. Maligo ka na nga."

Sinusundot sundot ako ni Thea sa tiyan ko. Naku po, yung kiliti ko!!!

Tumayo nako tsaka ko sya binato ng unan ko. Sapul oh! Hahahaha...

"Nguso mo Thea oh. Wag kang pa-baby dyan. Di naman masakit yung unan! Habol na!!!"

Nagtatakbo ako. Grabe tong habulan namin. Di ba sya napapagod kakahabol saken? Umabot na kami dito sa likod-bahay.

"Naku Jade, pag maabutan kita humanda ka talaga!" Sigaw ni Thea.

Ayun yung tree house!

I climbed it up. Hahaha... Ano ba to para na kaming nga temang.

"Hoy bae akala mo di kita maabutan ha. Maghintay ka!"

Hala? Career? Nakadress and all tas aakyat ng puno? Grabe... napa-palakpak ako sa bestfriend ko.

"Pumapalakpak ka pa dyan ha?! Maghintay ka!"
.
.
.
.
.

Tawa kami ng tawa dito sa tree house.

"Bae, do you still remember na madalas tayo rito dati?" Sabi ni Thea while braiding my hair.

"Oo nga eh. Uhogin ka pa nun."

"Hala grabe ka naman! Ang ganda ko namang bata noh!" Pagdedepensa nya.

"Oo nga pero uhogin ka rin nun. Wala naman akong sinabing pangit ka, bae."

"Hay. Ang bad mo talaga, Jade."

"Hehehe... pero aminin mo, nakakatuwang balikan yung childhood memories naten noh?"

"Oo kaya! Naku, tas itong tree house na to ang witness natin. Mabuti at nami-maintain nyo to dito."

"Yah... si Daddy kasi. He always see to it na naprepreserve yung lahat ng nandito."

"Ang sabihin mo, mahal ka talaga ni Tito kaya he's taking care of the things that matter to you the most. Ikaw lang itong bitter eh."

"Loka loka ka talaga. Hug mo nga ako Thea. Na-miss talaga kita."

I spread my arms.

She threw herself at me and I hugged her with all my might.

"Ahm, bae?"

"Yes?"

"Baka may balak kang maligo na."

Kumalas ako sa hug namin.

Natatawa na sya.

"Oo na po. Maliligo na ako. Ikaw kasi eh, ang aga aga pa inistorbo mo ang beauty rest ko. Naudlot tuloy ang panaginip ko."

"Ganun? Ano ang maaga sa 1pm aber?"

Huh? 1 pm na?

"Ay teka pala bae, san ka nagpunta kagabi? Iniwan mo kami ah."

"Oh... yun. Napasama lang ako sa isang friend ko nagpunta dun. Nakalimutan ko kayo itext eh. Sorry."

"Ah ganun pala hehehe... sige na, balik na tayo sa bahay nyo para maka-ligo ka na. Alis tayo."

"Okay." I smiled at my bestfriend.






















___
A/N

Not so much of a pampering but I can give Jade and us, a breather. :)

Thanks for supporting this story guys.
*wink*

Comment. Vote. Lab.

Rebel [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon