Kabanata 2

343 12 0
                                    


Malapit nang mag gabi nang matapos ko ang mga inayos kong mga gamit ko. Kakaunti lang iyon pero dahil pati ang ilang gamit na nakaharang sa pwesto ko ay sinama ko ng ayusin at linisin.

Malapit ako sa may ilalim ng kama na nakatokang matutulog. Yung mga gamit ko naman na maayos na ay isinama ko sa ilanggamit ng mga kapwa ko presto na nasa may gilid at may sariling lagayan.

Kakatapos ko lang maligo nang dumating ang rasyon ng pagkain. Sakto naman at gutom na ako kaya naman buti nalang ay tapos na rin akong magbihis kaya nakipila na rin ako sa sa pa rasyon ng pagkain. Tinignan ko ang paligid ko at kapwa mga nakapila, lahat sila ay nag aabang at mukhang gutom na gutom na rin. Mayroon naman akong naitabing pera na baon ko rito sa Kulungan. Tinago ko lang ng mabuti para maiwasan na manakaw.

"Si Boss Eli?" Malakas ang boses ng nagtatanong kaya naman kahit nasa may pintuan pa siya ng selda ay rinig na rinig ko na.

Lumingon ako at nakita kong may bitbit siyang Pizza at Inihaw na manok.

"Nasa loob pare, pumasok ka nalang." Ang sagot ng isa kong kasamahan.

"Ang swerte talaga ni Boss Eli.." Potek! Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon. Si Ced pala!

Humarap ako sa kanya at tumawa siya, "Nagulat ka?"

Tumawa ako, "Akala ko naman nasa ibang selda ka. Mabuti nalang at magkakwarto tayo, atleast may kakilala ako."

Saktong ibinigay naman ang rasyon na para sa akin. 1 cup ng kanin at sabaw na may kaunting laman. Hindi na ako nagulat pa dahl sa sobrang dami namin ay malamang pagkakasyahin lang nga ang ganung klaseng ulam sa amin.

Hinintay ko na mabigyan ng rasyon si Ced at para sabay na rin kumain. Nalaman ko kay Ced na si Eli ay Mayor sa Selda na ito at anak mayaman.

"May isang beses pa lang ako na nakakapasok sa selda ni Boss Eli, grabe sa ganda pare. Parang nasa loob ng isang magandang kwarto ng Hotel ang kwarto niya. May aircon, may TV, may wifi, may cellphone, tablet at laptop, may speaker at marami pa akong nakita, eh."

Napatango ako habang nakikinig sa kanya, "Hindi ba bawal iyon dito? Lalo na at nasa bilibid tayo?"

"Bawal nga, tama ka. Pero dahil sa sobrang yaman ng mga tulad ni Boss Eli. Nababayaran nila ang mga malalaking tao dito sa Bureau of Corrections." Ang sagot niya sa akin, "Ikaw? Mayaman ka ba? Kung mayaman ka eh kaya mo rin namang pantayan ang mga kwarto na katulad kay Boss Eli." Ang tanong pa niya sa akin.

Umiling ako, "Hindi, galing kami sa hirap at kakatapos ko lang ng kolehiyo ngayong taon, nagsisimula na ako sa unang trabaho ko nang bigla akong hulihin dahila ko daw ay nagbebenta ng ipinagbabawal na gamot. Pero ang masisisgurado ko sayo, Ced. Maniwala ka man o hindi, HIndi ko nga alam kung anong itsura ng Shabu pero iyon ang sinasabi nila na ibinebenta ko. Dahil kakasimula ko pa lang halos sa trabaho ay kaunti pa lang ang naiipon ko kaya wala naman kaming kakayahan na makabayad sa Abogado para maipanalo ang kaso ko."

"Bulok talaga ang sistema dito sa Pilipinas." Ang sagot sa akin ni Ced.

"Makakamit rin natin ang hustisya. Hindi man ngayon, pero naniniwala ako na may tamang panahon."

Pagkatapos naming kumain ay Ced dahil siya ay may gagawin pa raw. Kaya naman ako ay nag ikot ikot muna sa loob ng Koreksyunal. Anim na building ang narito at ang laman ng building na iyon ay kwarto ng mga inmates. Mayroon ding Canteen, visitor area, garden area, chapel, public toilet, gymnasium at recreational area. Sa likdo ng lugar na ito ay mayrong mga makakapal at matataas na pader na kahit na lindol ay hindi kayang sirain ang mga iyon.

Naglalakad lakad ako sa may recreational area nang may lumapit sa akin. "Hello, HIndi ko kasi matandaan pero alam mo ba kung saan ang kwarto ni Eli?" Ang tanong sa akin ng babae.

Hot Summer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon