Kabanata 4

416 18 5
                                    

Sa wakas at natapos ko ng labhan ang maraming damit ni Eli. Alas dos na ng hapon at hindi pa ako nakaka-kain ng almusal at pati na rin ng tanghalian.

Paglabas ko ng wash room ay nakita ko si Eli sa dining area niya na kumakain ng fast food na malamang ay inorder niya mula sa labas. Natakam tuloy ako. Matagal-tagal na rin akong hindi nakakakain ng fastfood dahil sa nangyari sa akin.

"Napakabagal mo kumilos. Parang bading." Ang nang uyang sabi sa akin ni Eli.

Pinunasan ko ang pawis ko gamit ang panyong dala ko. "Pasensya ka na. Marami kasi yung damit mo, pero huwag kang mag alala, tapos ko na naman labahan lahat."

Hindi siya sumagot at ipinagpatuloy lang ang kanyang pagkain.

"Kung wala ka ng ipapagawa, lalabas na ako." Ang sabi ko sa kanya.

"Meron pa." Ang sabi niya habang ngumunguya ng pagkain. "Linisin mo yung filter ng aircon ko, pati n a rin yung electricfan ko."

Napahinga ako ng malalim. Wala naman na akong magagawa. Sa totoo lang ay ayaw ko namang magtapang tapangan dito dahil baka kung ano pa ang magawa sa akin ni Eli at ng mga tauhan niya rito.

Sinimulan ko ng baklasin ang electrifcan habang siya naman ay naglalaro ng mobile legends sa kanyang cellphone. mabuti na lang at hindi niya ako pinapansin habang nililinis ko ang kanyang mga gamit.

Hanggang sa hindi ko na namalayan na ala-singko na pala ng hapon at sobra na ang gutom ko. Natapos ko na ring linisin ang electricfan at ang aircon. Hindi na ako pinansin ni Eli dahil busy siya sa kausap niya sa cellphone na mukhang girlfriend niya.

Paglabas ko ng kwarto ni Eli ay nakita ko si Ced sa isang tabi na may kausap na iba pang inmates, Kaya namana aad akong lumapit.

"Pare.. Ngayon lang natapos yung paglilinis ko sa kwarto. May pagkain pa kaya?" Ang tanong ko kay Ced.

"Mamaya pang ala-sais darating yung pang hapunan natin, pare. Tinry kitang kunan ng pagkain kanina pero bawal daw ang may pa reserve. Kung gusto mo, e samahan kita sa tindahan." Ang sabi niya sa akin, "Bili ka nalang muna ng mga pwede mong kainin."

Napatango ako, "Tama. Gutom na gutom na ako at mukhang hindi ko na mahihintay pa ang ala-sais sa pagdating ng pagkain natin."

Pumunta ako sa taguan ng aking bag at binuksan ang zipper para kunin ang nakatago kong pera pero wala akong makita. kaya agad akon naalarma. Putang ina!

Nasaan na ang pera ko?

Tinanggal ko lahat ng gamit ko at pinagtitinginan na ako ng iba kong kapwa inmates dahil sa sobrang bilis ng kilos ko pero wala akong pakialam. Napapaiyak na ako sa sobrang kaba.

Paano ay lahat ng pera ko na nakatago ay nawawala. Tinutulungan na ako ni Ced na hanapin ang nawawala kong pera, nakiusap na rin siya sa mga kapwa namin kasamahan na ilabas na ang pera kung nasa kanila man.

Wala na akong pakialam kung isipin man ng mga tao na iyakin ako o bakla ako pero kasi ay pera ang usapan at ang usaping pera ay hindi biro lalo na kung pinaghirapan kong ipunin iyon.

Nasa 17,000 pesos din ang ipon kong iyon.

"Anong kaguluhan iyan?"

Boses pa lang, kahit nasa likuran ko ay kilala ko na.

Si Eli!

Malamang, kung hindi man isa sa mga kasamahan kong preso ang nangnakaw ng pera ko ay kinuha iyon ni Eli.

"Eh boss, 'yung pera kasi ni Liam ay nawawala. Kaya hinahanap namin." Si Ced na ang sumagot para sa akin.

Wala talaga.

Napatingin ako kay Eli sa kawalan. Wala na.

Ang pinaghirapan kong ipon ay kusang nawala ng ganun-ganun lang.

"E, tanga ka pala eh. Itatago mo diyan ang pera mo? Malamang mawawala talaga 'yan. Bobo!" Ang sabi sa akin ni Eli.

Hindi ko na kaya pa kaya ako ay tumayo at nagmamadaling lumabas ng selda. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero gusto ko nalang mapag isa.

Hanggang sa namalayan ko nalang na nasa clinic ako at nagpapanggap na masama ang pakiramdam. Ang tanging gusto ko lang naman ay makainom ng maraming tubig.

"Anong problema na naman, Gonzales? Parang pagod na pagod ka. Anong nangyari na naman sa iyo?" Ang tanong sa akin ng Nurse.

"Sobrang sama lang po ng pakiramdam ko, Nurse. Para ba akong lalagnatin at ang sakit ng katawan ko." ANg sagot ko sa kanya.

Binigyan niya naman kaagad ako ng gamot at pati na rin ng tubig. "May tinapay ako diyan, habang nagpapahinga ka ay kumain ka na muna ng tinapay." Ang sabi pa niya sa akin.

Napatingin ako sa mesa at nakita ko ang tinapay at peanut butter. Sa puntong iyon ay kahit mababaw ay tuluyan na akong napaiyak na agad namang napansin ng Nurse.

"S-salamat po... S-salamat po.."

Lumapit sa akin ang Nurse at tinulungan niya akong magpalaman ng tinapay. "Ano ba kasing nangyayari sa iyo? Alam mo, kung sa tingin mo ay nasa panganib ang buhay mo. Puwede ka namang magpalipat ng selda, o di kaya ay magpalipat ka ng lugar." Ang sabi pa niya sa akin.

Sa sobrang pag iyak ko ay hindi na ako nakasagot sa kanya.

"Sabihin mo lang sa akin or sa mga guard para mai-try na marequest. Para hangga't maaga eh makalayo ka na rito at makalipat ng kulungan."

"Opo..." Nagsisimula na akong kumalma at sa sobrang gutom ko ay anim na magkapatong na tinapay ang aking nakain.

"S-salamat po talaga..."

"Tawagin mo nalang akong Ate Mely.." Ang sabi niya sa akin, "Ano bang kaso mo?"

"Hinuli po ako pagkatapos ng trabaho ko at inakusahan akong nagbebenta ng ipinagbabawal na gamot, tinaniman nila ako ng droga. Sigurado ako sa sarili ko na hindi ako nagbebenta at kahit nga gumamit ng ipinagbabawal na gamot ay hindi ko ginagawa. H-hindi ko alam.... Maniwala ka man o sa hindi pero ibang klase ang nangyari sa akin.."

"Huwag kang mawalan ng pag-asa, panigurado naman ay gumugulong na ang kaso mo sa labas at sana ay lumabas na ang katotohanan para hindi ka na nahihirapan ng ganyan.

Marami pa kaming napag-usapan ni Ate Mely, nagkuwento rin siya tungkol sa kanyang buhay. Kaya naman kahit papaano ay gumaan na ang aking pakiramdam.

Tumawag rin siya sa prison guard para sabihing nandito lang ako sa Clinic. Baka kasi hinahanap na ako.

Alas diyes ng gabi nang matapos kaming makapag kwentuhan at makapagpahinga. Kaya naman nagpaalam na ako kay Ate Mely para makabalik na ako sa aking selda.

Pagbalik ko sa kwarto ay nakahiga na ang lahat. Sobrang sikip ng lugar at ang iba pa nga ay nakaupo na lang, yung iba naman ay nakatayo lang at nakatulala, na para bang malaki ang problemang binibitbit.

dahil huli na ako dumating ay nawalan ako ng pwesto kaya ako ay nakasandal sa pader at nakaupo.

Tatlong araw nalang pala at game na namin ng basketball. Sana ay manalo ang team namin dahil ang balita ko ay may premyo itong 50,000 na sana ay paghati-hatian sa aming mga miyembro ng grupo.

Nakita kong lumabas ng kwarto si Eli kaya agad akong nagpanggap na natutulog kahit na ako ay nakaupo. Madilim na rin naman ang paligid dahil patay na ang mga ilaw. Kaunti kong binuksan ang aking mata at nakita ko si Eli na tila ba may hinahanap sa mga natutulog at napansin ko na nang mapadako ang kanyang tingin sa aking kinapepwestuhan ay matagal niya akong tinignan.

Nakita ko rin na may hawak siyang pera na para bang may pinag iisipan habang nakatingin sa akin.

Nanatili lang ako nagtutulug-tulugan.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 25 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hot Summer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon