Natapos ang game at siyempre ay panalo ang team namin. Pasok agad ako sa grupo ni Boss Greg kaya naman masaya ako at kahit na papaano ay may magagawa rin ako dito sa loob habang naghihintay na umusad ang aking kaso sa labas.
Kinagabihan, pagkatapos maghapunan ay pumunta ako sa public CR para doon maligo. Kanina pa kasi ako naghihintay sa CR sa loob ng kwarto pero sa dami ng nakapila ay mukhang matatagalan pa ako.
Pagkatapos kong maligo at magbihis ay nakita ko si Eli sa labas na para bang may hinihintay. Nang makita niya ako ay agad siyang lumapit at saka ako sinuntok sa tiyan.
Napahiga ako habang sapo-sapo ang tiyan.
"Tangina ka. Kakakalabanin mo pa ako?!"
"A-ang sakit..." Sapo sapo ko ang aking tiyan na hirap na hirap. Muli niya akong sinuntok. "T-tama na... T-tama na po.."
Hindi ako makalaban dahil biglaan ang ginawang pag-atake sa akin ng hayop na si Eli. Wala akong nagawa. Ni-wala akong kalaban laban.
Hinawakan niya ang kwelyo ng aking damit at inilapit ang mukha ko sa mukha niya. Kahit na umiikot ang paningin ko ay nakita ko ang nag uumapaw na galit sa akin ni Liam.
"Kapag sinabi mo kahit kanino na sinaktan kita. Matutuluyan ka sa akin." Nanggigigil niyang sabi at muli akong sinuntok. Napahiga muli ako sa sakit.
"P-please..."
"December 25, 2013. Mismong pasko. Dahil patanga-tanga ka sa kalsada ay Nanay ko ang nagligtas sa iyo. Nang dahil sa kabobohan mo. Namatay ang Nanay ko." Ang sabi niya sa akin.
Kahit na hirap na hirap na ang sarili ko ay naalala ko ang pangyayaring iyon. Bata pa ako 'non at naglalaro kami sa Parke sa Maynila nang ako ay biglang tumawid sa kalsada. Sakto naman na may babaeng nakakita kaya ako ay sinundan at itinulak palayo mula sa isang malaking sasakyan. Tumakas kami nila Mama sa takot na baka may gawin sa amin ang pamilya ng babaeng iyon.
Iyon ang pinaka hindi ko makakalimutang parte ng buhay ko. Sobra akong nagpapasalamat sa kanya dahil sa pagligtas niya sa akin.
Se Eli pala ang anak ng babaeng nagligtas sa akin, at kaya pala sobra ang galit sa akin ni Eli.
Ngayon naiintindihan ko na.
"Boss..... Tama na mapapatay mo na siya." Narinig kong sabi ng mga kasama ni Eli pero hindi ko na makilala kung sino dahil unti-unti na akong nawalan ng malay.
NANG Magising ako ay nasa clinic ako ng Koreksyunal.
May isang nurse sa aking tabi na busy sa pagse-cellphone. Nang mapansin niyang ako ay gising na ay tumayos siya at lumapit sa akin.
"Mabuti at gising ka na... Anong nangyari sa iyo? Nakita ka nalang ng mga guwardiya na duguan at walang malay sa may public toilet.. Kilala mo ba kung sino ang may gawa sa iyo niyan?" Ang tanong sa akin ng Nurse.
Mananatili akong tahimik. Ayokong mas lalo pa akong mapahamak.
"Hindi ko po maaalala. Ang dilim po sa parteng iyon eh."
Pinainom niya ako ng gamot at pinagpahinga pa hanggang kinabukasan.
Hindi na ako makatulog kakaisip, na kaya pala ganung galit na galit sa akin si Eli ay dahil sa kagagawan ko. Kasalanan ko ito.
Unti-unting pumatak ang luha ko. Hanggang sa hini na siya tumigil. HIndi ko nalang namalayan na sa kakaiyak ko ay nakatulog na ako.UMAGA na nang dumilat ang aking mata.
Hinatid ako ng gwardiya ng koreksyunal sa aking selda. Nakita ko si Eli na nagsisigarilyo sa labas habang nakatingin sa akin kasama ng gwardiya. Walang reaksyon ang mukha niya na para bang hindi siya ang gumawa ng ganito sa akin.
Umupo ako sa pwesto ko at agad akong nilapitan ni Ced.
"Anong nangyari sa'yo pare? Sino ang may gawa sa iyo niyan?" Gulat at nagtatakang tanong sa akin ni Ced.
Umiling ako at napahinga ng malalim.
"Hindi ko alam pare. Biglaan at wala akong maalala na may kaaway ako dito sa loob." Ang sagot ko sa kanya.
Lumapit sa akin ang kanang kamay ni Eli.
"Ikaw na nga pala ang nakatoka na maglilinis sa kwarto ni Boss Eli. Ikaw na rin ang magiigib ng tubig dahil nawalan ng tubig ang kwarto natin."
"Okay lang po." Ang sagot ko sa kanya.
Kahit na amsakit ang katawan ko ay tumayo ako, "Diretso na po ba ako sa kwarto ni Boss?" Ang tanong ko sa kanya.
"Diretso ka nalang. maglilinis ka lang naman."
Tumingin ako kay Ced, batid ko na may pag aalala sa mukha niya. "Ok lang ako." Ang sabi ko sa kanya kahit na hindi naman niya ako tinatanong.
Pumasok ako sa kwarto ni Eli. Bumungad sa akin ang napakaraming kalat ng mga natapong pagkain na para bang sinadya.
Napailing ako sa kawalan habang sinisimulang mag ayos.Nakaka-dalawang oras na yata ako pero hindi pa rin bumabalik si Eli sa kanyang kwarto. Nalinis ko na rin ang mga kalat sa loob. Patapos na sana ako nang biglang may pumasok.
"Ang bagal, tangina." Si Eli.
HIndi ako sumagot pero alam kong ako ang sinasabihan niya.
"Labhan mo nga 'tong mga damit ko." Ang utos niya sa akin.
Nakita kong humiga siya sa kama habang nannunuod ang TV. Wala siyang suot na pang itaas na damit at nakaunan ang ulo niya sa dalawa niyang kamay.
Magsisimula na sana akong maglaba at nasa loob ako ng wash room ng pansin kong hindi bumubukas ang washing machine.
Lumabas ako ng wash room niya at nakita ko si Eli na nanunuod pa rin ng T.V
"Hindi ba gumagana yung washing machine mo?"
Tiningnan niya ako ng nakasimangot, "Bumukas ba?"
Umiling ako, "Hindi e,"
"Pag hindi bumukas ano gagawin?" Ang tanong niya sa akin.
Napahinga ako ng malalim at saka bumalik sa wash room.
Sinimulan ko ng labhan ang kanyang maraming damit.
Iniisa isa kong ibaba ang damit nang mapunta ako sa kanyang mga brief.
Bigla akong natulala. Para bang gusto kong amuyin ang gamit na brief niya pero fuck! Lalaki ako, first time ko lang maramdaman ang ganito.
BINABASA MO ANG
Hot Summer
RomanceSa hindi inaasahang pagkakataon. Hinuli ng mga pulis si Liam at ikinulong dahil siya raw ay nagbebenta ng mga ipinagbabawal na gamot. Ngunit hindi iyon totoo, napagbintangan lamang siya. Hindi niya tuloy alam kung paano dedepensahan ang kanyang sari...