Kabanata 1

443 14 0
                                    

"Ang yabang! Akala mo kung sino!" Ang inis na bulong ko sa sarili ko.

"Malapit na tayo sa 406. Nga pala, hindi pa ako nakakapagpakilala sa'yo, Anton ang pangalan ko. Ikaw ba bata?" Ang sabi ng lalaking kasama ko.

"Liam..."

"Anong kaso mo?" Tanong niya habang tinutulungang hilahin ang maleta ko paakyat sa 4th floor.

"Maniwala ka man o hindi.. Napagbintangan akong drug dealer." Ang sabi ko.

Tumango tango siya, "lagi namang ganyan ang mga sinasagot ng marami dito. Napagbintangan, inosente.. Ganun.." Sagot niya.

"Wala naman kasi talaga akong kinalaman, nagulat na lamang ako na inaaresto na ako ng mga pulis. Ibang klase nga eh."

"Mayroon namang hustisya para sa lahat. Maghintay ka lang ng tamang panahon. Darating din sa'yo iyan. Oo nga pala, ako si Ced.."

"Ikaw ba, anong kaso mo?" Ang tanong ko sa kanya.

"Aksidente kong napatay ang kainuman ko. Anim na taon na ang nakalilipas, hanggang ngayon twenty eight na ako, hindi pa rin natatapos ang hearing sa korte, sana lang ay hindi ako hatuln ng bitay, pero kung sakali man na malasin at hatulan ako ng bitay, wala na akong magagawa.. Inihanda ko na rin naman ang sarili ko sa ganyan. "

"Bagong salta, Ced?"

Sabay kaming napatingin sa lalaking mahaba ang buhok at maraming tattoo sa katawan.

"Oo tol, si Liam. Kila Boss Greg nailagay.. Nasaan si Boss?" Ang tanong ni Ced sa lalaki.

"Nasa loob, sige na, pumasok na kayo."

Pumasok kami sa loob ng isang selda. Napatingin sa akin ang lahat. Para bang iniisip kung ano ang naging kasalanan ko at kung bakit ako nandito.

Ibang iba ang hitsura ng selda dito kumpara sa City Jail. Mayroong mga double deck na kama, pero ang karamihan ay nakaupo sa sahig.

"Tol, anong kaso mo?"

Ang tanong ng isa sa akin.. Sasagot na sana ako ng pangunahan ako ni Ced.

"Dealer."

Tumawa ang iba, ako naman ay mas lalong nahiya, "Nag dealer ka pa, eh sa guwapo mong iyan dapat nag dancer ka nalang o kaya call boy, tiyak dun ka kikita." Ang sabi ng isa sa akin.

Kumatok si Ced sa pintuan na nasa harapan namin. Mayamaya ay bumukas iyon at iniluwa ang isang lalaking bagong ligo, shit! Ito yung binabalita tv noon na leader ng isang Gang!

"Boss Greg." Ani Ced sa lalaki.

"Bagong salta ba iyan, Ced?"

Kita ko ang pagtango ni Ced. Tumingin sa akin ang lalaki mula ulo hanggang paa. Ramdam na ramdam ko ang kabog ng puso ko sa kaba.

Umatras kami nang lumas mula sa kwarto ang lalaki.

"Wala ng kamang available... Sa sahig ka matutulog, bata. Malapit sa banyo." Ang sabi niya sa akin.

Napatingin ako sa banyo. Gusto kong masuka habang iniisip ang magiging kalagayan ko tuwing gabi.

"Hindi na po ba ako pwede sa kama?" Ang tanong ko.

"Narinig mo na ngang walang kamang available di'ba? Kung gusto mo, dun ka sa ilalim ng kama." Ang seryosong sabi niya. "Ako ang Mayor sa seldang ito. Kaya ako ang masusunod, maliwanag ba?"

Nakayuko lang ako habang pinagdidikit ang dalawang kamay ko.

"Tumingin ka sa akin, bata.. Maliwanag ba?"

Hot Summer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon