04 | Lola's Birthday

21 10 12
                                    

────୨ৎ────

“Are you nervous?” natatawang tanong ko kay Brix habang naglalakad kami papunta sa kotche niya.

Ilang beses niyang tiningnan ang suot niyang damit saka inayos ang buhok niya, mahigpit din ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

“Who wouldn’t, love? Ma-me-meet ko na ang grandparents mo.” aniya kaya napahagikhik ako.

Pinagbuksan niya muna ako ng pinto kaya diretcho na akong naupo sa passenger seat bago siya umikot saka sumakay navrin sa drivers seat.

“C’mon, hindi naman sila nangangagat.” patawang sambit ko pero umiling siya.

“You can’t blame me, love.” aniya saka ini-on na ang engine. First time niya kasing ma-me-meet sina Lolo at Lola na mula pa sa ibang bansa.

Lola wants to celebrate her 87th birthday here in the Philippines kaya naandito sila ngayon but only until her birthday ends.

Hindi traffic kaya mabilis kaming nakarating sa bahay.

Marami na kaagad ang tao sa labas ng bahay namin. They are laughing while eating, while on the other side ay may mga grown-ups na nagiinuman, may mga bata ring naglalaro at nagtatakbuhan sa paligid.

Lola is the type of person na kapag may occasion ay gustong imbitahan ang halos lahat ng kapit bahay.

“Are you ready?” tanong ko kay Brix. Kahit medyo matagal na kami ni Brix ay ngayon ko pa lang siya officially na ipakikilala sa parents ko. No wonder he’s so nervous.

“I guess.” ang tanging sagot niya, hinigpitan ko nalamang ang hawak sa kamay niya saka kami lumakad papasok ng gate.

Binati ko pa ang ilang bisitang nadadaanan saka dirediretchong pumasok sa loob ng bahay.

Mas engrande ang designs pagkapasok ko. Kaagad na hinanap ng mata ko si Lola pero hindi ko siya makita.

"Nasaan si Lola?" tanong ko kay Ate, itinuro niya lang ang direksyon papunta sa photoshoot room kaya kaagad kaming lumakad doon ni Brix.

Ate is giving us a weird look pagkatapos niyang makitang magka holding hands kami ni Brix.

Hindi ko na iyon pinansin, kumatok muna ako ng tatlong beses bago binuksan ang pinto.

Bumungad si Mama, Lola at Lolo. Our birthday girl, Lola, is wearing her favorite royal blue dress, nakasuot din siya ng kulay pulang salamin na galing pa siguro sa taong 90's.

While Lolo, he's standing behind Lola. He’s wearing a formal suit and a gold-paper-crown.

Napangiti ako sa nakita, they are doing a photoshoot and they all looked so majestic and happy.

Mukhang nakuha namin ang atensyon nila kaya napaayos ako nang tayo.

“Hija, ikaw pala,” bungad ni Lola kaya napangiti ako. “Uhm…” naningkit ang mga mata nito ng makita ang kasama ko, bumaba ang tingin siya sa magkasuklob naming kamay.

“Ah, La, boyfriend ko po,” sambit ko, ramdam ko ang paghigpit ng kamay ni Brix sa kamay ko. “Si Brix po, boyfriend ko.” ulit na pakilala ko saka siniko ng marahan si Brix kaya ngumiti ito sa kanila.

“Ano kamo?” ulit ni Lolo sa amin, nagkasalubong din ang mga kilay nito. “B-boyfriend ko po?” sagot ko, why are they looking at each other like that? Weird. Anong meron?

“Mag cousin-tahan?” si Mama na napatampal sa mukha niya.

“Po?” sabay na sambit namin ni Brix na bakas ang pagtataka sa mukha.

Nagkatinginan muli silang tatlo bago napailing-iling, hinarap nila kami habang may seryosong mga mukha.

“Hindi puwede ‘yang relasyon niyo dahil mag pinsan kayo.” diretsahang sambit ni Lola kaya mabilis kaming nagbitaw ng kamay ni Brix.

“Oh, tara picture!” hiyaw ni Mama na natatawa sa isang tabi.

Lola raised her middle finger while Lolo made a face, showing his tongue.

Habang kami ni Brix ay tulala lang sa isang tabi, hindi pa rin maproseso ang nalaman.

Anaknam.

“One, Two, Three… Cousin-tahan!” hiyaw nilang tatlo at kasabay no’n ang pag-click ng camera.

So all this time… Mag pinsan kami ng boyfriend ko?!

𓆝 𓆟 𓆞 𓆝 𓆟

Inks Loving Rhythm (Compilations of my One Shot Stories)Where stories live. Discover now