Kabanata 1

19 0 0
                                    

Kabanata 1

"Hala si Yadee! Saan mo ba kasi nailagay ang wallet mo? Baka na misplaced sa office kanina noong pumunta kayo doon?" Jara said after telling them what happened. 


Na talagang sobrang swerte ko ngayon sa paboritong araw ko at talagang nakalimutan ko kung saan nakalagay ang wallet ko. Hindi ko matandaan kung saan ko huling nilagay or nilapag iyon. Hindi ko nga rin alam kung paano ako makakauwi sa bahay mamaya. Nandoon lahat ng kaunting pera ko! Pati ibang id ko ay nandoon din. 


Sobrang swerte ko talaga, nakakaiyak naman. 


"Sino 'yung nagbayad ng pagkain mo doon kanina?" Isea asked. 


Pati iyon ay naikuwento ko sa kanila, ang lalaking nagbayad ng 105 pesos ko kanina sa cafeteria. Na kung wala siya doon kanina ay hindi ko alam ang sasaabihin ko ay ate na naghihintay sa akin kanina sa counter.


"That's the problem. Hindi man lang ako nakapagpasalamat sa kanya. Hindi ko siya kilala, basta ang tanda ko lang ay naka-red siyang jersey." 


Sobrang nakakahiya pa rin talagang isipin. Kanina pang tanghali nangyari iyon pero hindi ko pa rin makalimutan ang kahihiyan. 


"Ano bang itsura niya? Baka kilala namin?" Lyn asked me at that, made me stop for a while. 


Anong sasabihin ko? Na gwapo siya at maganda ang mga mata niya?


No, I won't tell them about that!


"Basta red jersey. Hindi ko na nakita masyado 'yung itsura niya dahil distracted ako sa nawawala kong wallet kanina," Sabi ko sa kanila at tumango tango naman sila.


"Baka mamaya nasa discipline office na iyon or pwedeng may mag-return noon sa utility. Puntahan kaya natin?" Jara asked and I nodded. 

Kailangan ko ng pamasahe! Kahit naman kasi konti lang na salapi ang laman noon, mahalaga pa rin sa akin ang laman ng wallet na iyon kahit na 300 lang yata ang laman noon. 


Hindi ko talaga matandaan kung saan ko huling nailagay ang wallet ko. Minsan nakakainis! Sobrang halaga kaya sa'kin ng pera, kahit na maliit na halaga lang ang nandoon.


"Babalik din 'yan, hindi naman siya lumabas ng campus eh. For sure may magrereturn noon sa utility," Ani ni Jara at inalo ako. 


Sana talaga makita ko na kung nasaan ang wallet ko. Kahit ibigay ko ang 300 ko sa makakakita noon, ayos lang. Ang mahalaga ay maibalik ang id ko. 


Ang hirap kaya magpagawa ng id! Lalo na kapag national id. Hindi biro ang paghihintay ko para lang makarating sa akin ang nag-iisang valid id ko. Once talaga na mahanap ko ang id ko. 'Yung lalaki naman sa cafeteria na nagbayad ng pagkain ko kanina ang hahanapin ko. 


Nakakahiya naman kasi. Hindi ako nakapagpasalamat. Alam ko naman na nakakahiya pa rin na may ibang tao na magbabayad ng pagkain ko sa harap ng maraming tao but still. It saves my stomach at nakain ko pa rin ang binayaran niya. Hindi mababago ng kung ano man na nabusog ako sa pagkain na hindi ko binayaran. 

Moonlit SerenadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon