Kabanata 3
"Sino 'yon? Ang harot ah. Nagkahiwalay lang tayo ng school na pinasukan, naglilihim ka na sa'kin," Pangungulit sa akin ng pinsan ko. Nang makarating siya sa lamesa namin na iniwan niya ng matagal.
"Bakit ba ang tagal mo sa cr? Baka inisip naman noon na wala talaga akong pinsan na kasama. Napakatagal mo!"
"Excuse me? Hindi kaya ako pinanganak na isang intruder. Atsaka, gusto ko mapanood 'yang kaharutan mo. Biruin mo, dito mo pala sa tagaytay matatagpuan ang true love mo."
I rolled my eyes at her. "Excuse me rin. Hindi ganon 'yon, mali 'yang iniisip mo. Kakilala ko na talaga 'yon mula sa campus, nagkataon lang na nakita niya ako dito kaya ganoon."
"Palusot pa siya! Magkwento ka," Pagpupumilit niya.
Alam kong hindi matatapos si Nicole dito. Napakadami niyang sinasabi masyado. Akala mo naman ay may katotohanan lahat ng iniisip niya. Bakit ba ganito ka-issue ang utak ng mga tao.
"Alam mo, Pinsan. Ako na ang nagsasabi sa'yo. Pinagmamasdan ko kanina 'yon kung paano siya tumingin sa'yo. Interested 'yon! Akala ko nga ay na love at first sight siya sa'yo not until sinabi mo na nakikita niyo ang isa't isa sa campus," She said while grinning. "So ano?"
Sinamaan ko siya ng tingin. "Umuwi na tayo! Kapag ikaw, hinanap sa inyo, sinasabi ko sa'yo."
I stopped our conversation, madaldal pa naman ang isang ito. Mabuti sana kung may detail ako na maikukwento sa kanya, kaso wala talaga. Alangan namang ikwento ko sa kanya 'yung nangyari sa canteen. Eh sa mga ganyang chika na hinihingi, alam kong iba ang gusto niyang malaman. Knowing her.
Kung may kilig moments ba.
May nakawang tingin ba na nagaganap.
Kung may spark ba between us.
Kaya alam kong kung pahahabain ko pa ang usapan tungkol dito ay makukulitan lang ako ng malala sa kanya.
Bago umuwi, nag-aya muna siya na bumili ng pagkain para ipasalubong sa pamilya niya. But since kasama na rin ako, bumili na rin ako ng madadala ko para kay Mama.
Hindi kagaya ng sa nabili ni Nicole para sa pamilya niya. Konti lang ang binili ko para kay Mama dahil si Mama lang naman ang kakain. Unlike sa pamilya ni Nicole na pati Tita, Tito, Ninang at Ninong, bukod pa ang Nanay, Lolo at Lola niya. Napakarami nila sa bahay nila.
Bilib rin ako dito, nakuha pang bilhan ang mga iyon kahit na wala silang ibang ginawa sa pinsan kong ito kundi alilain at hindi itrato ng tama.
Pero after all, hindi ko siya masisisi. Alam kong kahit ganoon, mahal na mahal niya ang pamilya niya.
Pamilya ko rin sila, biologically. Pero kung pag-uusapan ang totoong buhay, I did not consider them as one.
BINABASA MO ANG
Moonlit Serenade
RomanceAdiya Relledee Chavez is the smart girl who is always top 1 in her class. She knows what to side with and not to. She also only focuses on her studies, she does nothing but study and study so she really deserves all the awards and medals she receive...