Simula

29 0 0
                                    

Simula


"Patulong naman kami Yadee sa basic cal, oh. Hindi ko talaga maintindihan itong mga theory theory na 'to! Kaloka! Aanhin ko ba 'to sa college? Hindi ko naman magagamit 'tong mga limits na 'to sa nursing?" Reklamo ni Jara habang masama ang tingin sa hawak na handout niya.


That's the reality if nasa stem field ka. Calculus talaga ang kaaway namin dito. 


Tinignan ko ang handout na binigay niya sa akin at iyon ag patungkol pala sa lesson 2 namin ngayon. About limit laws.


"Ang dami mo naman agad nasabi, kalma lang, baby kalma," Lyn said while chuckling.


Nasa student lounge kami ngayon at vacant hours namin ngayon. Dito ang tambayan namin kapag may free time kami dito sa campus. Bawal kasing lumabas ng campus ang mga senior high during their breaktime or vacant. Tertiary students lang ang pwedeng mag in and out dito sa campus namin. 


"Nakakainis naman sa 3 hours, sana binawasan na lang nila 'yung vacant para maagang makauwi," Isea said. 


Basically, tahimik lang talaga si Isea pero kapag nagsalita siya, totoong naiinis na talaga siya or affected talaga siya. Pero totoong nakakainis sa part namin na we have to wait three hours to wait for our last subject, we did not wish for this, a 7:30 pm out. 


Kinuha ko ang handout na binigay sa akin ni Jara at nag-umpisang ituro sa kanila kung pjaano 'yung limit laws na iyon. 


I actually always doing self study that's why I learned from self studying. May mga teachers kasi minsan na nagkakataon na hindi ko maintindihan ang tinuturo nila or sadyang hindi lang talaga gumagana sa akin ang teaching strategies nila kaya beforehand, I really did my self study sa mga lesson na ituturo nila para makahabol ako at makasagot ako sa mga recitations. 


Just like what Jara said, I really can't understand the point of learning calculus but still, we're stem students so we have to learn everything about it.


Calculus is actually okay for me, if we're with the right teacher. We learned the basics in calculus since we're taking Basic Calculus on our second semester.


Araw araw na lang rin ako nakakarinig ng reklamo kay Jara palagi na ayaw niya sa math. Na ayaw niya sa numbers, well, I too. I'm doing bare minimum when it comes to math. I just study, and learn but if I'm not, I don't even will know how to solve a basic given equation.


"Gets! Biyaya ka talaga ni Lord sa buhay ko, Yadee. Kung hindi siguro kita seatmate at kaibigan, feeling ko, 75 ako sa calculus," Ani ni Jara at nagtawanan nila ng sabihin niya ito. 


Honor din palagi si Jara. Top 2 siya sa klase namin, magaling naman talaga siya sa lahat eh, talagang reklamador lang talaga siya na mahirap ang isang bagay kahit na kayang kaya naman talaga niya. Magaling din siya sa history and philippine literature, siya ang pambato namin sa mga quiz bee. She's really good at public speaking too. Kaso talagang may personal issue siya sa calculus.


Si Lyn naman, tahimik sa iba pero sobrang daldal kapag sa circle lang namin. Magaling siya sa arts, I love her artworks! Hindi rin nagkakalayo ang interest namin sa ibang bagay lalo na sa arts. She loves gaming too, na hindi ko rin maintindihan kung bakit naririsk na niya ang health niya para lang makapaglaro. 

Moonlit SerenadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon