Kabanata 5
Nakatitig ako sa kawalan habang nagkukwento si Jara ng experience niya sa pagiging photographer niya sa volleyball game ng tertiary students. Maging si Isea na may game din yata bukas ay masama na ang tingin kay Jara.
"Inaagawan mo pa ako ng crush!" Apila ni Isea.
I chuckled at them.
"Ay, crush mo ba 'yon? Okay, ekis na sa list ko. May 13 pa naman akong crush."
"Ayan ang problema. 13 na nga ang crush mo, hindi ka pa naka-crushback," Pang-aasar ko kay Jara.
She rolled her eyes, "Edi wow! Porket nakikita ko na madalas kayo na magkasama ni Onse, ginaganyan mo na ako."
Napa-iling nanaman ako sa litanya niya. Hindi na yata niya ma-aabsorb sa utak niya na magkaibigan lang talaga kami ni Onse.
"May comment pa si mayora mo sa isang post ng mayor niyo! Sino kayo diyan? Baka Yadee 'yan," malisyosang sambit ni Lyn.
I sighed and acted like I am disgusted.
"Kaibigan lang nga kami! Iissue niyo," depensa ko sa mga paratang nila.
I mean 'di ba normal lang namang umepal sa posts ng mga kaibigan mo? And magkaibigan din naman kami ni Onse kaya wala akong nakikitang masama doon.
"Sige, Yadee. Kung 'yan ang gusto mong isipin. Baka mamaya, makapag-chat ka bigla sa group chat natin ng 'I realized something, guys'," Jara said.
I will never do that again!
Horror nanaman sa part ko kung mangyari nanaman iyon muli sa akin.
At ano naman ang marerealize ko sa aming dalawa? Eh ang tingin ko kay Onse ay kaibigan lang talaga. Mabait siya kaya kaibigan ko siya, wala din naman sigurong masama doon kahit na ang weird ng way kung paano nag-umpisa ang friendship namin.
Noong nagkaroon ako ng crush, noong first semester, totoong may ganong scenario na nangyari sa isang chess player dito sa campus namin. Tuwing naiisip ko ang mga ganap ko na ganoon ay napapapikit ako sa kahihiyan. Na talagang nabaliw ako sa pag-aadmire sa lalaking iyon na pinaasa lang ako.
Na love bomb ako!
I mean, hindi naman sa sobrang ganda ko. Pero hindi ko naman yata deserve 'yon. After I gave my sincerest and genuine feeling sa kanya for at month bigla bigla na lang niya sasabihin na.
Itigil na natin 'to.
Kasi hindi pa ako ready mag-commit.
Edi sana hindi niya ako tinrato ng ganon pala kung iiwan niya lang rin ako. The worst part pa ay I never demand for a label that time tapos iniwan niya lang ako ng basta basta ng ganon kung kailan invested na ako sa mga pinaparamdam niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Moonlit Serenade
RomanceAdiya Relledee Chavez is the smart girl who is always top 1 in her class. She knows what to side with and not to. She also only focuses on her studies, she does nothing but study and study so she really deserves all the awards and medals she receive...