Kabanata 2

9 0 0
                                    

Kabanata 2


"I'm returning this wallet to you. Adiya Relledee Chavez? I remembered you from the cafeteria ealier, nagkataon na ikaw din pala ang may ari nitong wallet na nakita ko sa may student lounge kanina," He said while still handing me my wallet. 


Para akong napako sa kinatatayuan ko. Hindi ko makapa ang tamang salita na dapat kong sabihin. Wala ito sa inensayo ko kanina! Bakit naman ganito.


Kinuha ko ang wallet ko mula sa kamay niya at ngumiti sa kanya. 


"Salamat, uh, ito nga pala 'yung 105 pesos. Para sa binayaram mong pagkain ko kanina," Dali dali kong kinuha ang pera mula sa wallet ko, "Ito pala, maraming salamat," At nilahad ko sa kanya ang 120 na pera. 


Nakakahiya naman! Nakita niya kaya ang name ko mula sa id ko mula sa wallet ko? Ang pangit ko pa naman sa national id ko! Bagong gising kasi ako noong nagpa-id ako noon. Halatadong wala pa ako sa tamang posture ko. Kaya kahit sa mga kaibigan ko ay hindi ko pinapakita ang mukha ko sa national id ko. Tapos makikita niya?


"Okay lang, Adiya. Huwag mo nang alalahanin. Na save rin naman noon ang oras ko kanina. Buntikan na akong malate sa game ko kanina dahil sa haba ng pila, and if I did not pay for your foods, siguro, uhaw akong naglaro kanina," He chuckled. "Save that money. Masyadong pricey magiging expo natin next year," He said while still smilling. Matapos noon, tumalikod siya sa akin at may kinuhang kung ano mula sa likod niya bago humarap muli sa akin. 


He handed me a one bottle of water. 


"Drink it." 


Parang may sariling utak ang mga kamay ko at agaran itong tinanggap mula sa mga kamay niya. 


"S-Salamat! Congats!" Ayon na lamang ang nasabi ko bago ako lumisan sa gym na iyon.


Nakakahiya! Ano bang iniisip ko? Parang nakakahiya naman din kasing mag-refuse pero parang nakakahiya diin naman na tinanggap ko iyon. Mas kailangan niya ng tubig dahil kakatapos niya lang niya mula sa game. 


Bahala na nga! May magagawa pa ba ako?


Isang malaking nganga ang binigay sa akin ng mga kaibigan ko nang makwento ko sa kanila ang nangyari kami sa gym. 


"Totoo ba? Gago, si Valencia pala. Si Onse!" Ani ni Lyn.


So Onse ang name niya?


I am clueless why are they acting like this right now. I mean. Kilala pala niya 'yung Valencia na iyon? Samantalang hindi ko iyon kilala. Sikat ba iyon at ganito maka-react ang mga kaibigan ko na para bang nagbabalik na si moises sa panahon namin. 


"Binayaran ni Onse ang pagkain mo?" Gulat na tanong ni Jara. I nodded as response. 


"Gago, ang swerte," Sabi ni Isea ang kumapit sa mga braso ko. "Kung maraming nakakita na ginawa iyon ni Onse sa'yo sa cafeteria. Ang swerte mo naman at wala pang nangwawarla sa'yo."

Moonlit SerenadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon