Kabanata 6
After we ordered, doon kami nakapwesto ni Onse sa may bandang dulo kung saan kita ang view ng star tollway mula sa kinatatayuan namin. Nang makarating kami dito ay mga bandang 7:30 pm na rin kaya kitang kita na ang buwan sa mga oras na ito.
Sobrang sarap din sa pakiramdam ng lamig sa mga oras na ito.
This place is simple yet calming and peaceful. Medyo madami din ang tao dito ngayon pero hindi sila maingay at kagaya namin, na ninanamnam ang kapaligiran at ambiance ng kapehan na ito. Bukod sa mahangin at talaga namang nakaka-relax ang environment dito, nakatulong din ang calming music na pinapatugtog dito ngayon.
Pagdating naman sa pagkain at mga kape, budget friendly talaga siya. Nahihiya nga ako kay Onse kasi ayaw niya ako pagbayarin eh. Siya naman daw ang nag-aya kaya siya ang magbabayad kahit na alam niya naman daw na kaya kong bayaran ang in-order ko.
Nakatipid tuloy ako ng slight. Nakarating ako dito ng walang kagastos gastos.
Pagbalik ni Onse ay may dala siyang chess board mula din dito sa kapehan. Ang kinagandahan din dito ay hindi ka talaga maboboring dahil may mga pampalipas oras silang mga laro dito kagaya ng mga board games, card games, lie detector, at marami pang iba.
Next time talaga, aayain ko dito sila Jara. Kaso delikado sa bunganga ni Jara! Ang ingay pa naman noon.
"I do know how to play that."
"Alam ko, kaya ito ang kinuha ko kasi for sure mamaw ka sa larong ito," aniya at mukhang excited siya na maglaro noong chess.
"How do you say so? Hindi naman ako sobrang magaling diyan, maalam lang," I told him about my skills.
Hindi naman talaga ako magaling sa chess natuto lang talaga ako sa ex ka-situationship ko since chess player talaga siya. At natuto din ng ilang techniques mula sa kanya pero hindi ko na siya bibigyan pa ng malaking credit sa chess skills ko kasi sinaktan naman niya ako. Char!
"Lalo na siguro ako, mga moves lang ang naalala ko dito. Magaling ka dito for sure kasi matalino ka," sambit ni Onse habang sine-set up na ang board.
I helped him arrange the pawns in place, he got the black one and I've got the white one. Basically, ako ang first mover.
Naalala ko ulit na may mga dapat pa pala akong review-hin later pero ewan, hindi ko na rin masyadong naisip pa ang tungkol doon as I'm with Onse. Grabeng unwind 'to, literal na I worried about nothing ako ngayon eh.
Dahil siguro sa magandang place?
We played the game smoothly. Hindi naman talaga ako kagalingan sa ganitong laro, maalam lang ako pero sa skills naman ni Onse, masasabi kong maalam naman talaga siya pero parang may mas advantage ako sa kanya sa larong ito. At sa huli ay ako ang nanalo sa laro. By my rook and his king is being blocked by his own pawn and my horse.
"Sabi ko sa'yo eh! Panalo ka. Ang galing galing mo sa larong ito," masayang sabi niya habang nililigpit na ang bawat piece.
BINABASA MO ANG
Moonlit Serenade
RomanceAdiya Relledee Chavez is the smart girl who is always top 1 in her class. She knows what to side with and not to. She also only focuses on her studies, she does nothing but study and study so she really deserves all the awards and medals she receive...